“BIBOYâ€ÂÂ
Si Tatay Ramon… pusakal na sabungero
Pambili ng pagkain ng pamilya
Ipinusta sa “Lo-Tres†at natalo
Ang katwiran nyang maganda
Eh Higit na doble kung nanalo!
Si Nanay Patring na karga si Bunso
Konting barya sa bulsa
Isinapalaran sa Bingo
At sa bawat labas ng bonilyo
Panalangi’t dasal niya
Sana’y manalo
Subalit sa sinamang palad
Barya sa bulsa’y tuluyang naglaho!
Si Kuya Bong na isang pahinante
Ng trak na naghahakot ng graba at buhangin sa kwari
Ang isang araw na kinitang salapi
Na puhunan ay pagal na katawan at pawis ng pighati
May nadaanang lamay sa may kanto
At sa Sakla ay itinaya ito…
“Malas lang†ika nya
Hayun… ang pera nya’y lumipad na!
Si Ate Sylvia na ang maghapong gawain
Ay maging manikyurista
Medyo maganda ang kinita
Sumaglit at tumaya sa Perya
Pati tip ng kostumer nya
Naubos… nasaid… sa pag-asa
Na lalabas sa kanyang bawat hila
Ang paborito nyang kulay PULA!
Ako nga pala si BIBOY…
Laman ng kalye at isang palaboy
Namamalimos at minsan ay umaakyat
Sa nakatigil na dyipni na sanhi ng trapik
Dala ang madungis na basahan
At ang sapatos ng mga pasahero’y pupunasan
Umaasa sa kalansing ng mulay
Ng bawat taong mag-aalay
Napadaan ako sa may eskinita
Bitbit ang konting kinita
Doo’y natagpuan ang kulumpon
Ng mga batang katulad ko
Nagka-Kara-Krus at ako’y naengganyo!
Nang ako’y makarating sa aming Kubo
Sa may gilid ng estero
Nadatngan kong nakatunganga
Ang buong pamilya ko
Tanging palahaw ng nagliligalig na si Bunso
Ang maririnig mo…
Ang oras ng gabi.. ALAS-OTSO!
Sa payak na hapag ay nakahain
Ang dalawang umuusok na mangkok
Nang mainit na Instant Noodles
At may ekstrang isang malaking Ensaymada
Matapos ang masarap na hapunan
Lahat ay may ngiting dumighay
At nakuha pa ring magpasalamat sa MAYKAPAL!
Sa aking sarili’y aking naibulong
Mabuti pala’t sa Kara-Krus ako’y nagumon
Ang Bente Pesos kong puhunan ay pina-gulong
Umabot ng Syento-Bente ang aking naipon
Na pinambili ko ng aming malalamon
Salamat naman at di namatay ng dilat…
Ang aking pamilya… sa GUTOM!
Bukas… may puhunan pa ako
Singkwenta Pesos na tira sa panalo ko kanina
Sa “Dice†naman ako susubok
Kapag nanalo uli ako
Baka “Fried Chicken†naman ang mai-uwi ko.