Kaylan mo ako minahal?Ngayon mo isigaw sa mundo
Na ako’y inibig mo
… Ngayong di ko na dinig
… Maging huni ng kuliglig
Ngayon mo ako yakapin
At halikan
… Ngayong di ko na ramdam
… Maging dampi ng hanging amihan
Ngayon mo ipakita
Na masaya ka sa piling ko
… Ngayong sarado na
… Ang talukap ng mga mata ko
Ngayon ka lumuha
Sa aking pagkawala
… Ngayong ang aking katawan
… Ay kinain na nang lupa.
Sayang…
At di ko nadinig…
di ko nadama…
di ko nakita…
ang iyong pagmamahal.