Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: "DON MIGUEL"  (Read 2256 times)

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
"DON MIGUEL"
« on: January 21, 2010, 11:07:05 am »
"DON MIGUEL"
-deosh_pilyo-

*alay sa mga uring manggagawa

Si Ka Temyong na mangingisda
… inabot sa laot ng sigwa
… inaanod sa pampang ang bangka
… walang katawan na nakita
 
Si Ka Bestre na karpintero
… napaapak sa marupok na indamyo
… mula sa ilang palapag ng di pa tapos na gusali
… nahulog at katawa’y tumusok sa bakal na nakausli
… dugong tumagas ng walang humpay
… sa katawan ni Ka Bestre na isa nang bangkay
 
Si Ka Kulas na magsasaka
… napagkamalang taong-labas
… dinukot, pinahirapan at binaunan ng tingga
… ilang linggo pa ang lumipas
… nakatimbuwang sa may plasa
… si Ka Kulas…
… naaagnas
 
Si Nanay Mameng na labandera
… katatapos lang mamalantsa ay umupak na ng laba
… sayang daw ang kikitaing konting barya
… dumating ang araw at siningil sya
… katawan, sa sakit ay nalugmok
… at ang imbing buhay ay pumalaot
… pambili pa ng ataul ay walang mai-amot
… binalot na lang ng kumot
 
Si Ka Aldo sa edad ng sisenta’y dos
… nandun pa rin sa disyerto
… sa pingkit ng init ay nakikipagbuno
… isang araw ay inatake sa puso
… nakakahon na ng bumaba sa eroplano
 
Si Neneng na isang tinedyer
… tinulak ng magulang sa gitnang silangang Asya
… inalila, inalipin at inalipusta
… sa murang edad ay ginahasa
… ng among balbas-sarado
… at sa pagtatangol sa sarili’y napatay nito
… ang amoy-anghit na Arabo…
… si Neneng ngayon ay pugot-ulo
 
Si Don Miguel na butete
… asawa ng presidente
… tunay na impertinente
… at palaging pa-importante
… dinaanan na ng sigwa
… pati kalawanging pako ay ibinaon na sa kanyang mga paa
… isang tao na parating nasa labas ng bansa
… mahilig sa labandera
… inatake na rin sa puso ang matabang mama
… ang kaibahan nga lang ay siya ang gumagahasa
… sa mga walang-muwang na masa
 
Subalit si Don Miguel ay nananatiling buhay
… masarap at maluwalhati ang buhay
… sa perang kontribusyon ng mga obrerong walang malay
… darating ang araw na ang salaping kinamkam nang walang humpay
… ang magsisilbing abuloy
… sa kanyang huling lamay
… si Don Miguel…
… isang Buhay na Bangkay.

zugstwit

  • Knights of PS
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 475
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • It only hurts when I laugh.
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #1 on: January 21, 2010, 07:03:24 pm »
Isang makatotohanang paglalarawan ng buhay ngayon sa 'pinas. Mabuhay ang sumulat nito, harinawa iilang na lang ang nabubuhay na mga asal Don Miguel sa atin.
"It only hurts when I laugh."

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #2 on: January 22, 2010, 03:40:48 am »
Isang makatotohanang paglalarawan ng buhay ngayon sa 'pinas. Mabuhay ang sumulat nito, harinawa iilang na lang ang nabubuhay na mga asal Don Miguel sa atin.

salamat mr. zugstwit (kwix?) sa panahon ng iniukol mo pagbasa ng aking medyo mahabang akdang tula...

ito'y medyo matagal ko nang akda na nalathala sa isang site ng mga pilipinong manunula...

salamat din sa ibang mga bumasa...  ::flowers

ahrcriezt

  • Guest
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #3 on: January 22, 2010, 03:58:59 am »
...halos lahat puro trahedya.
...sana meron din magandang iksena
...upang ang lungkot ay mapawi na
...para ang kaespiya ay sumaya



hehehhe peace

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #4 on: January 22, 2010, 04:02:59 am »
...halos lahat puro trahedya.
...sana meron din magandang iksena
...upang ang lungkot ay mapawi na
...para ang kaespiya ay sumaya



hehehhe peace

sa susunod sir... medyo light comedy naman... hehehe salamat sir!

zugstwit

  • Knights of PS
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 475
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • It only hurts when I laugh.
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #5 on: January 22, 2010, 04:55:52 am »
Wala nang iba. Gustohin ko mang sumulat ng mahabahaba, sobrang antok ang nararamdaman sa katitingin sa monitor. Ang mga young once nga naman. OT: Ingat sa Algeria, ang daming Algerian daw dyaan! (Dyok!)
"It only hurts when I laugh."

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #6 on: January 22, 2010, 05:56:49 am »
Kita mo na deosh, naamoy ni Ka Kwix iyung niluto mo para sa espiya!

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Re: "DON MIGUEL"
« Reply #7 on: January 22, 2010, 06:26:31 am »
Kita mo na deosh, naamoy ni Ka Kwix iyung niluto mo para sa espiya!

hehehe... tagahanga kasi ako ni kwix dun sa PS before.

dinalaw ko yung site mo... mukhang pang-sosyal ang dating... hehehe

yung ibang post eh nabasa ko na before... yung iba naman eh bago sa panlasa ko... witty with substance!

tnx budz neckro sa time!  toast::