Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .  (Read 7628 times)

sweetmyles

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 136
  • Karma 1
  • Ad Astra Per Aspera
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #25 on: December 04, 2009, 12:53:54 am »
Its a Big YEEESSS ako for Gordon and BAYANI.

Silang dalawa lang ata ang may paninindigan at may mga nagawa. kahit icompare mo sina Gibo na matalino, at si Chiz, wala naman silang nagawa. Dada lang ng Dada.

Therefore, I will go With GORDON AND BAYANI. dapat nating iboto ang may nagawa. at huwag sa ma dada at walang nagawa.

Master Dave

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4421
  • Karma 153
  • Gender: Male
  • Master of none
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #26 on: December 04, 2009, 01:04:01 am »
I'd go for Bayani.. pero sa President, mas lamang sakin si Gibo.. :applause

edpoli

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 68
  • Karma 1
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #27 on: December 04, 2009, 03:35:37 am »
The Transformers. Ito ang tandem na hindi puro dada, makikita sa gawa. Pareho nilang Lungsod ay napaunlad nila at ang mga tao proud sa mga pagbabagong nagawa sa kanila. Parehong Lungsod ang nagdaaan sa sakuna (pinatubo sa gapo at ondoy sa marikina) pero agad silang nakabangon. Yung mga iba jan, maraming sinasabi na kaya nilang gawin pero wala pa naman silang napatunayan.

Bakit hindi si Bayani ang Standard Bearer? delikado kasi si GMA sa kanya dahil sa political will. Maski Vice President di nga sya kinuha. Paano sya magiging puppet ni GMA.

Si Gibo marami daw syang solusyon sa insurgency pero hindi naman nya ginawa noong nakaupo sya bilang defense secretary. Nasa field na nga sya pero sinisisi nya pa ang sarili nyang sistema. Di ba may kinalaman sa department niya ang pagkakaroon ng mga private armies ng mga pulitiko. Ngayon lumalabas na wala naman silang ginawa. At saka na-rattle sya noong panahon ng ondoy. di daw nila alam ang gagawin.

Si Noynoy has the track record of his parents, on his own wala. Sa sarili nya ngang buhay di sya maka desisyon kung kaya hanggang ngayon wala pang asawa. Sino ang mag decide para sa kanya? Si Kris? O si Boy Abunda.

Isipin na natin yung tama. Kung sa susunod eh ganito na naman tayo, wala nang mangyayari sa atin. Baka maubos na ang pinoy dito at manirahan na lahat sa ibang bansa.

Mababa man ang rating nila eh dahil siguro ang mga tinatanong eh mga sidewalk vendors at mga taong may ilegal na gawain.

Panahon na ng tunay na pagbabago.

erap

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1193
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • Ceritified Former President!
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #28 on: December 04, 2009, 09:53:56 am »
no chance....
YOU ONLY LIVE ONCE, BUT IF YOU DO IT RIGHT, ONCE IS ENOUGH!!!

gkhan

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1502
  • Karma 15
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #29 on: December 04, 2009, 11:12:33 am »
Just had a meeting tonite with a cuz who I found out is goin all out for Dick. May mga  classmate sya sa Ateneo na barkada ko din.  Indeed, may paninindigan yun tao.  Sabagay, aktibista din dati. At para maging pangulo ng Student Council sa Diliman nuong mga panahon na yun would reflect a certain charisma which is above the ordinary considering that the Diliman populace those years consist of people with ideological leanings.

With respect to Bayani, he is too crude for that position.  I do not deny those accomplishments sa Marikina pero higit na marami ang ginawang ginhawa ni Jojo para sa masa ng Makati.  Bukod dun, sya lamang sa mga local politicians ang may paninindigan na labanan ang mga kabulastugan ni Ms. Glorya - hindi sya naging diktador sa pagkakait ng permit na mag rally ang mga naninindigan sa katotohanan.  In fact, Jojo is very close to Ms. Cory - na appoint syang Officer in Charge ng Makati dahil andun lang sya malapit kay Cory habang nagiisip sila ng ilalagay na OIC ng Makati nun katatapos lang ng EDSA I.  Nun panahon ni Mr. Andy, kasama si Jojo sa staff ni Mr. Joker sa pag defend kay Ninoy sa harap ng Military Commission at isa sya sa mga magigiting na abogado na lumalaban ipagtanggol ang mga karapatang pantao habang ang ibang mga kandidato ngayon ay parang mga basang sisiw nung mga panahon ng kadiliman.  Denying permits for rally like what Mr. Lim is doing in Manila is in itself an attempt to stiffle the legitimate aspirations of freedom loving people.  Di ba nakakapag rally lang si Ms. Cory sa Makati?

Bayani does not know how to work with a team - instead of getting the cooperation or inputs of mayors in Metro Manila,he would just want to impose himself without taking into account the local nuances of each city.  Governance is not just imposing what you want on a people, it is also getting their consensus on any local issue.  Napaka kitid ng utak ni Bayani - akala nya, ang "development" only means pagsasaayos ng trapiko pero nakalimutan nya na ang trabaho ng MMDA is more than just human and motor vehicle traffic.  Instead of working on policies or strategies for development, puro traffic na lang ang inatupag ng MMDA samantalang ang trapiko ay trabaho lamang dapat ng traffic policeman.

You can ask any MMDA personnel or any motorist and they will tell you that napaka higpit ang mga tagapamalakad ng trapiko sa Makati.  That is discipline that is being foisted by Jojo to be followed in the city.  Dati, ang mga bus sa Ayala Avenue ay walang disiplina at nagbababa at nagsasakay lang kung saan nila gusto.  Long before na naglagay si Bayani ng pink fences along EDSA, inayos na ni Jojo ang trapiko along Ayala Avenue and all bus drivers there ay nagbababa at nagsasakay lamang ng pasahero dun sa nakatalagang sakayan or babaan ng pasahero.  Ginaya din ni Bayani ang paglalagay ni Jojo ng mga steel pedestrian guards along Ayala Avenue.  Jojo is a local leader that anyone can approach and talk to - hindi hadlang ang mag bodyguards nya samantalang ang mga bodyguards ni Bayani ay parang mga gestapo kung umasta.

javroni

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 133
  • Karma 5
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #30 on: December 04, 2009, 12:32:32 pm »
siguro si gordon pde pa pero si bayani nyahahaha wag na lang kay mar roxas na lang ako. naalala ko kasi yung napanod ko sa news yung 1 million na natanggap nya birthday gift ata tsaka yung nabulok lang na makina ng mmda na makakatulong sana para maiwasan yung nangyari ng pananalasa ni ondoy.si gordon gusto ko yung mga sagot nya kaso nasa pilipinas tayo.. popularity talaga ang pinagbabasehan ng mga botante. nung presidential election fpj and gma lang ang pinagpipilian ng mga tao, although i vote for roco. sana nga mabago na yung ganto, kung hindi man manalo yung ibang presidentiables sana tumulong pa rin sila sa ikakaunlad ng pilipinas.

Little knowledge is a dangerous thing.

Zuproc

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1673
  • Karma 12
  • Travelling is not that expensive. Diskarte lang!
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #31 on: December 04, 2009, 12:43:50 pm »
siguro si gordon pde pa pero si bayani nyahahaha wag na lang kay mar roxas na lang ako. naalala ko kasi yung napanod ko sa news yung 1 million na natanggap nya birthday gift ata tsaka yung nabulok lang na makina ng mmda na makakatulong sana para maiwasan yung nangyari ng pananalasa ni ondoy.si gordon gusto ko yung mga sagot nya kaso nasa pilipinas tayo.. popularity talaga ang pinagbabasehan ng mga botante. nung presidential election fpj and gma lang ang pinagpipilian ng mga tao, although i vote for roco. sana nga mabago na yung ganto, kung hindi man manalo yung ibang presidentiables sana tumulong pa rin sila sa ikakaunlad ng pilipinas.

Kung si mar lang naman na puro dada, mag isp isip ka na. Sayang ang boto mo. 6 years ang naibigay na pagkakataon sa kanya para patunayan ang kanyang kalidad na mamuno pero may nagawa ba siya? WALA!. Ang alam ko jan sa perang tinutukoy mo eh naipaliwanag ng mabuti kung saan galing, kahit naman sinu kung reregaluhan ka eh bat dimo tangapin, ang mahalaga alam mo sa sarili mo na kahit tangapin mo man ito, wala kang ibibigay na kapalit. About sa mga equipments naman, puro accusation lang naman yan, di naman napatunayan.

javroni

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 133
  • Karma 5
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #32 on: December 04, 2009, 01:11:00 pm »
Kung si mar lang naman na puro dada, mag isp isip ka na. Sayang ang boto mo. 6 years ang naibigay na pagkakataon sa kanya para patunayan ang kanyang kalidad na mamuno pero may nagawa ba siya? WALA!. Ang alam ko jan sa perang tinutukoy mo eh naipaliwanag ng mabuti kung saan galing, kahit naman sinu kung reregaluhan ka eh bat dimo tangapin, ang mahalaga alam mo sa sarili mo na kahit tangapin mo man ito, wala kang ibibigay na kapalit. About sa mga equipments naman, puro accusation lang naman yan, di naman napatunayan.
nyahahaa inamin na nga ni bayani na nabulok lang yung equipments eh mahal daw kasi maintenance.ano ba mahalaga gastos o kaligtasan ng nkakarami? ang pera mawala man may paraan para mabawi pero yung mga nasalanta at buhay na nawala hindi na. although meron naman sya nagawa, (dapat lang talaga meron) nakakapanghinayang pa rin yung equipments na makakatulong sana sa mga naging biktima ng baha

Little knowledge is a dangerous thing.

click4screw

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 104
  • Karma 1
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #33 on: December 04, 2009, 03:00:49 pm »
Dick Gordon will have my vote, but not Bayani. I've seen him once nung nasa Tourism pa cya when i visited a friend there. He picked up a trash in the hallway then put it right into the garbage bin. A very simple gesture, pro napakalalim ng mensahe - that he is an upright and respectable man, yet humble. Listen to the way he talks. Look at his accomplishments. Then you decide. And one good thing about him, he literally inspect a project. So bawal ang palpak at patakbuhing trabaho.

lestat_lui

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 23
  • Karma 0
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #34 on: December 04, 2009, 08:46:42 pm »
I've listened to Dick and Bayani's interviews recently over the radio..Their platforms are great, both of them were on target in terms of the problems the Philippines is facing right now. They've talked about poverty, education, public works..basically, they've fronted their forte to the listeners..like what Gordon did to Subic, and Bayani to Marikina..Gordon was very articulate and often he's the one answering the questions thrown by the hosts, I think Bayani was just quiet because the conversation was in english (He's a Mapuan, their more technical rather than articulate)..good thing Bayani threw ideas as well and pointed Productivity as one of the countries problems that greatly hinder development..our man power in the Philippines is abundant, but the education and the proper training or technical know how is very low..how do we solve this..we have to develop our educational system..ANG DAMING TRABAHO KANG MABABASA SA DYARYO ANG PROBLEMA HINDI KA QUALIFIED!..Another good point of Gordon and Bayani is CONTINUITY OF GOVERNANCE..ANG PROBLEMA NG PILIPINAS, YUNG MAGANDANG PROYEKTO NA INUMPISANAHAN NG UNANG PANGULO HINDI TINUTULOY NUNG SUMUNOD NA ADMINISTRATION..FOLLOW THRU..and CRAB MENTALITY, PURKET OPPOSITION KA KOKONTRAHIN MO YUNG PROJECTS NG ADMINISTRATION OR VICE VERSA..nasa history natin yan, engraved, na we are Filipinos, born on the same side of the earth, wanting progress, but easily divided by political, regional and religious beliefs..wala din..and I don't think our topography is a problem..that would be an idiot of an excuse..why, because we are all just hours away from each other and with the technology nowadays its no longer a problem..I really liked Gordon and Bayani's enthusiasm and optimism that we'd be able to build this nation again. However, it worries me that they weren't able to consider certain variables, it sounded like everything was easy, ergo it was too idealistic. They sounded like politicians from the 60's when people were discplined, the population at a minimum, poverty was tolerable, and above all konti lang ang G*G* nun..aminin natin, na nowadays, baluktot na mag isip ang Noypi, most of us think of ourselves nalang, basta kumita, basta di maargabyado, basta ok ako!..we don't stray from our comfort zone..This goes for the poor, middle class and the rich people..Ask anyone a simple question about money vs. simple courtesy or discipline, majority of which would pick the former. You know what we need aside from develop the basics, WE NEED TO SACRIFICE SOMETHING BIG in order to discipline ourselves..stray from our comfort zone and do something radical, risky but fruitful..ung iba dyan sasabihin, sobra na ang sakripisyo ng pinoy sa sobrang hirap ng buhay..my friend, you don't know what I'm talking about..I'm not talking about you not eating or saving money for the rainy days..I'm talking about us being law abiding citizens, more disciplined and moral individuals..we lack both believe it or not..yung simpleng pagdura mo sa kalsada or pag-ihi mo sa kalye, naisip mo yun?..or yung hayaan mo yung aso mong magkalat kung saan saan..napaka-simple di ba, napakapayak, pero..haayy, you know the rest, i don't have to mention the bigger problems..we deny and blind ourselves..actually, this is one of Gordon's point that I think he just missed to elaborate on..going back to this tandem, I think they'd become good and moral, results-oriented politicians, but they just have to develop their platform more..Mga ka-spy, on a personal note, its just sad how the media, other people and our beliefs corrupt our rationality..we know that we know nothing about some poticians, but because someone tells you they're good people, or if you see ABS-CBN or GMA flashing their ''info-mertials'' 4 times a day you'd vote for them..and I'm telling you, LAHAT NG POLITIKO CORRUPT, wag mo ng isipin na hindi naman lahat..if majority of them are, then all of them are..why am I saying this, because I don't think this should be the only basis..constant na'to eh..It's either you know that they're corrupt or you heard about it, or they are but you just don't know about it. Eto nalang isipin mo, gumagastos sila LAHAT ng milyon-milyon sa kampanya, do you think their salary once they're seated would suffice to earn everything back..malamang nabasa mo na to or narinig right?..too many times di ba?..why? kasi totoo yan..Politicians fund their businesses thru the money they corrupt..its the reality..some are being exposed, by who, they're fellow envious corrupt colleagues..morality is a basis for us to vote, i agree, but it should not play a big part in our decision..WHY?..WE DON'T KNOW THEM!..we just read about them, we just consume everything, may it be truths or lies, half truths or half lies..ITS NOT THE KNOWING WHO THEY ARE AND THEY'RE BELIEFS, WHAT'S IMPORTANT IS WHAT THEY ARE CAPABLE OF, WHAT THEY'VE DONE FOR THE COUNTRY SO FAR, AND IF THEY CAN CONTRIBUTE MORE TO REBUILD THIS COUNTRY.  smoking::       

jg

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 308
  • Karma 6
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #35 on: December 04, 2009, 09:14:28 pm »
kay bayani may physical results ang pagod nya, i bet ngayon mo lang nalaman na may pondo pala ang mmda to buy such equipments to build bridges and walkways. everywhere you look may buses trucks pison at STREET SWEEPER ang mmda. yung previous head kaya ng MMDA san dinala yung pera?

MAR is always visible.... during elections! after nun wala na!

nabulok ang equipments? syempre naluluma e, yun lang kontra mo sa kanya? how about the beautification of metro manila? yung mga squatters na ni relocate nya? yung mga bridges and pathways? yung bus stops sa edsa? delikado lang naman yun kung tanga ka mag maneho. pero sa disiplinadong tao hindi sagabal projects nya.

palpak na uturn slots? well to start with he is working with roadways na hindi designed to accomodate many vehicles. so trial and error ang pag lutas jan.

pinagtatawanan mo si bayani kahit mrami sya nagawa?

tindero

  • 2006 Vanguards
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 55
  • Karma 0
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #36 on: December 04, 2009, 09:55:07 pm »
Gordon is a joke.  smoking:: Ma-pr lang ito. Ibebenta lang tayo sa kano. Hindi nga makapasok ang SM sa olongapo dahil malulugi ang malls na pagaari ng pamilya nila. Lahat ng Jolibee franchise din dun ay sa family nila. Sila ang Ampatuan ng olongapo less the arms and  blood. Baka daigin pa nito si GMA sa pagyaman once na naging presidente. Sure madami siyang natutulungan dun kapag may disasters but who has access to helicopter and those rescue equipments. Sa kanya lahat yun e.
Mas ok pa kung si Bayani ang President sa kanilang 2.

lestat_lui

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 23
  • Karma 0
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #37 on: December 04, 2009, 10:33:59 pm »
kay bayani may physical results ang pagod nya, i bet ngayon mo lang nalaman na may pondo pala ang mmda to buy such equipments to build bridges and walkways. everywhere you look may buses trucks pison at STREET SWEEPER ang mmda. yung previous head kaya ng MMDA san dinala yung pera?

MAR is always visible.... during elections! after nun wala na!

nabulok ang equipments? syempre naluluma e, yun lang kontra mo sa kanya? how about the beautification of metro manila? yung mga squatters na ni relocate nya? yung mga bridges and pathways? yung bus stops sa edsa? delikado lang naman yun kung tanga ka mag maneho. pero sa disiplinadong tao hindi sagabal projects nya.

palpak na uturn slots? well to start with he is working with roadways na hindi designed to accomodate many vehicles. so trial and error ang pag lutas jan.

pinagtatawanan mo si bayani kahit mrami sya nagawa?

Eto, I agree with you..knowing and seeing what Bayani did for public works. Some might disagree, pero so far si Bayani palang nagstand out as MMDA chair for me as well..he did radical things to solve traffic..yung iba ang tanong, was it effective?..alot of people might agree or disagree..pero tama yun, hindi madaling i-resolve ang traffic, sandamukal na trials talaga yan..variable yan, till everyone abides traffic regulations..why? kasi hindi lang naman problema sa public works saka mga traffic rules and implementation..we're missing the big picture, responsibility and discipline tlaga ng lahat ang concern dyan..may it be MMDA, LTO, motorists, lahat..I remember we tried to adopt yung hightech traffic lights ng Thailand and Europe, that solved traffic and minimized travel time for them, hindi ngwork dito, nasira satin yun. bakit? walang disiplina halos lahat eh..right, left, u-turn lang kahit wala sa tamang lane..pati issuance ng license, kahit sino pwedeng magkalisensya..variable yan till everyone abides the law and discipline themselves..unavoidable ang traffic, pero pwedeng bawasan..Going back to Bayani, I think he's one candidate to consider din. Again, we have to look at and study each candidates accomplishments not just their shortcomings..both sides..and never listen to hearsay.   

sapakolero

  • Pioneer VIP
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 20
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #38 on: December 05, 2009, 06:09:00 am »
Hindi nga makapasok ang SM sa olongapo dahil malulugi ang malls na pagaari ng pamilya nila. Lahat ng Jolibee franchise din dun ay sa family nila.

Hindi makapasok ang SM sa Olongapo dahil walang mapaglagyan..

deeper one zero

  • "In-depth binary focus"
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2223
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • deeper ♥'s demi forever
    • "i" surf
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #39 on: December 05, 2009, 06:49:19 am »
gordon - ok sana magsalita eh, kaso mukhang kakamkam din.

bayani - si teresita ang-see ang kalaban nito. kamay na bakal ito ehh. parang si robocop.
"THERE IS NO SUBSTITUTE FOR THE REAL."

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #40 on: December 05, 2009, 07:56:56 am »
Gordon is a joke.  smoking:: Ma-pr lang ito. Ibebenta lang tayo sa kano. Hindi nga makapasok ang SM sa olongapo dahil malulugi ang malls na pagaari ng pamilya nila. Lahat ng Jolibee franchise din dun ay sa family nila. Sila ang Ampatuan ng olongapo less the arms and  blood. Baka daigin pa nito si GMA sa pagyaman once na naging presidente. Sure madami siyang natutulungan dun kapag may disasters but who has access to helicopter and those rescue equipments. Sa kanya lahat yun e.
Mas ok pa kung si Bayani ang President sa kanilang 2.
"Ampatuan ng olongapo" - Sa Maguidanao at Olongapo ka lang ba nakakita ng mgkakamag-anak n nsa position? di mo ba napapansin cla aquino, estrada, cayetano, arroyo, magsaysay(Zambales)? mas malala pa nga ang mga ito dahil sa tagal nila sa pwesto at sa lawak ng mga kapangyarihan nila, WALANG nangyari sa pinas. buti pa ang mga gordon sa gapo napaunlad at napanitili nila hangang ngaun ang kaayusan ng gapo.
"Sure madami siyang natutulungan dun kapag may disasters but who has access to helicopter and those rescue equipments" - gusto mo magkaaccess ang kahit cno sa lahat ng equipments? gusto mo kahit cno na gusto gumamit ng helicopter para mamalengke sa manila magamit ang mga helicopter?! pakilinaw ng "access" na cnasabi mo, ang mga equipment na cnasabi mo ay siguradong may purpose at nakalaan lamang sa purpose na yon

ron211

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 71
  • Karma 0
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #41 on: December 05, 2009, 01:10:23 pm »

:applause

i feel u subic boy,

gijs

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 179
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #42 on: December 05, 2009, 04:45:16 pm »
gusto ko din tong tandem na to kasi parehong kumikilos silang dalawa kumbaga nagtratrabaho sila di tulad ng karamihan ng pulitiko dito sa atin puro pangako & magagandang salita lang pag kumakandidato pero pag nakapwesto na nakakalimot na.

Actions speak louder than words. Sino ba dapat iboto ung mga puro dada, puro pangako o yung may mga track record na may nagawa na. LUGMOK NA ANG PINAS, DAPAT NA TAYONG MAGISIP.
Hakuna Matata!!!!!

tinapay101

  • Downtown Gaki no Tsukai - Jimmy Onishi
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 273
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ten ten......ten ten one....
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #43 on: December 05, 2009, 09:22:47 pm »

Ang opinion ko mga kapatid. ang downfall ng bansa natin are the people and how they think. i know that there will always be critics in what someone does, but unless we believe in the government and work our ass of, development will surely follow. i like this tandem too and i agree that they have strong political will. running a city could be different from running a country but change doesn't happen over night. It makes me sad to see our neighboring countries moving up the ladder while we stay stagnant. Singapore came from scratch literally, Korea was ravaged by war, Malaysia was down on the dumps but look at these countries now.

Kahit saan bansa ka tumara may corruption. There's the super corrupt, and the less corrupt. If you don't like the government of the country your in, then migrate to another country. If you have to choice but to stay make yourself yourself useful and don't contribute to the problems of the country. Disciple is number one. Napansin ko ang pag-iisip ng society ngayon ay kanya-kanya. "I want to do this, therefore i will". An example of this are the public utility vehicles, pag may nakita na pasahero or may nag-para, hinto na lang kahit saan. Hindi manlang isipin kung may naaabalang iba. A bus stops in Edsa and takes up 3 to 4 lanes and holds up 50 cars behind him just to let one passenger off. Isnt that selfish? Nasa MRT ka, papasok ka ng trabaho, nakita mo lahat ng tao nagsisik-sikan sa may pinto, hindi ka makapasok sa train, nakita mo sa gitna ng train limang tao lang nakatayo at ang luwag. Para lang mauna ka bumaba ibang tao hindi makakasakay. Hindi ba kadamutan?

Sorry mga kapatid, nag labas lang ng sama ng loob  ;D
............._____________________________.............

spikespeigel

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 229
  • Karma 3
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #44 on: December 05, 2009, 09:24:27 pm »
Good material but no winability :'( sayang  bnana the next president should include them in his team

blank_blank

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 450
  • Karma 1
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #45 on: December 06, 2009, 12:36:28 am »
noob to si javroni.. sige iboto mo si noynoy-mar na puro dada lang. wala ngang plataporma e.

"lalaban tayo". saan? hahaha.. Mr Palengke nung nakaraang election. tapos nun ano na nangyari? wala na. nang lumabas uli naging padyak boy na.

tindero

  • 2006 Vanguards
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 55
  • Karma 0
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #46 on: December 06, 2009, 01:30:54 pm »
"Ampatuan ng olongapo" - Sa Maguidanao at Olongapo ka lang ba nakakita ng mgkakamag-anak n nsa position? di mo ba napapansin cla aquino, estrada, cayetano, arroyo, magsaysay(Zambales)? mas malala pa nga ang mga ito dahil sa tagal nila sa pwesto at sa lawak ng mga kapangyarihan nila, WALANG nangyari sa pinas. buti pa ang mga gordon sa gapo napaunlad at napanitili nila hangang ngaun ang kaayusan ng gapo.
"Sure madami siyang natutulungan dun kapag may disasters but who has access to helicopter and those rescue equipments" - gusto mo magkaaccess ang kahit cno sa lahat ng equipments? gusto mo kahit cno na gusto gumamit ng helicopter para mamalengke sa manila magamit ang mga helicopter?! pakilinaw ng "access" na cnasabi mo, ang mga equipment na cnasabi mo ay siguradong may purpose at nakalaan lamang sa purpose na yon

Labo mo naman. paano mo naman nasabing Maguidanao at Olongapo ang alam kong magkakamaganak. meron pa sa bulacan at iba pang lugar. alam kong suporter ka ni gordon kaya ganyan ka magreact. pero wag kang bulag. yumaman ng husto ang pamilya nila sa gapo. nangingibabaw ang pansariling interest.

sapakolero

  • Pioneer VIP
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 20
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #47 on: December 06, 2009, 02:35:32 pm »
Labo mo naman. paano mo naman nasabing Maguidanao at Olongapo ang alam kong magkakamaganak. meron pa sa bulacan at iba pang lugar. alam kong suporter ka ni gordon kaya ganyan ka magreact. pero wag kang bulag. yumaman ng husto ang pamilya nila sa gapo. nangingibabaw ang pansariling interest.

wala ka bang nakitang question mark?

ichiru_69

  • Guest
Re: Ikampanya natin sina GORDON at BAYANI.. .
« Reply #48 on: December 07, 2009, 02:29:05 pm »
ang importante ngaun makumbinsi natin ang mga kaibigan at kamag anak natin na ito ang mga leader na kailangan natin ngaun..