Magandang team up itong Gordon-Bayani dahil ito ang kaylangan ng Pilipinas, political will. Napatunayan nila ito sa Subic, sa Marikina na kung saan napalago nila ang mga lugar na kanilang sinasakupan. Disiplina ang isa sa katangiang kulang sa karamihan sa mga pinoy ngayon, ayaw magpadisiplina dahil kesyo mahirap, kesyo kaalyado,kapamilya at minsan pa kesyo mayaman. Kaya kailangan natin ng political will para ipatupad kung ano talaga ang dapat, kung ano ang batas hindi iyong selective lang ang pagpapatupad. Si Bayani malamang hindi popular sa mga sidewalk vendors dahil sa pagpapatupad niya ng batas pero iyon ang tungkulin niya at tama siya...kung ang ibang bansa nagawa nilang ipatupad ito bakit hindi pwede dito sa pinas? May solution naman eh, pwede naman sila ilagay sa isang lugar para maging market na kung talagang gusto ng mga tao ang tinda nila talagang sasadyain, tulad na lang noong nasa greenhills at katulad na lugar. Kahit sinong ilagay natin sa pamunuan kung walang political will tiyak laging may hadlang sa pag-unlad ng bansa.
Pero kung ang mga botante ay mang mang at pangsarili ang iniisip sa halip ng kung sino ang nakakabuti sa nakakarami...malamang hanggang sana lang ang napakagandang tambalang ito....at malamang marami pa rin ang walang disiplina, marami pa rin ang nangangarap na mangibang bansa at magpaalipin doon.