Pansamantalang nilisan ang ating tahanan
Mga pinagsamahan ay di ko nakalimutan
Tamis ng alaala ay sariwa pa
Sa aking isipan, ito'y 'di nawala
Pasko'y sinalubong ko dito sa Espiya
Pati bagong taon kayo parin ang kasama
Kantahan, kwentuhan, lungkot at saya
Mga musikang hatid ni Erotomania
Tambalang manong at manang inyong nasaksihan
Kilig at pag-ibig aming naramdaman
San ka man ngayon binibining p_i_n_k_y
Pagkakaibigan natin, hindi mababali
Alam kong galit ka pa, sorry na, sorry na
Kahit di naipakita, ikaw ay mahalaga
Malaki man ang kasalanang nagawa
IGW, sana ako'y napatawad mo na
Talas ng dila, kiliti sa bawat salita
Bilib ako sa'yong husay sa pagtula
Likas na makata, ikaw yun deosh_pilyo
Kumusta ka na jan sa bansang Koreano?
Mga kainuman sa lungsod ng Dabaw
Tila kayo sa beer ay laging uhaw
Manoyihay at 2fear, Madarame Ikkaku at Quickie
At si Lusok na mahilig sa mga mommy
Software ba ang hinahanap mo?
Kaibigan, kay coated_pill dumiretso
Kumpareng dikit, kaibigang malapit
Kumusta na ang inaanak kong marikit?
Mahilig sa chinita itong espiyang rakista
Kaibigan kong si Cheng, minsan nyang sinamba
Kumusta na kaibigan kong Queso
Maayos naman ba ang kalagayan mo?
Kambal na itinuring si hunt3r na matulis
Sa ym lagi kitang katsismis
Espiyang totoo si olli na matalino
Pa-share naman nung chick mo
Mga samahang kay tamis balik-balikan
Binuo ni SD ang ating tahanan
Maraming salamat sa pwestong binigay mo
Tinitingala kita kahit ikaw ay malayo
Sa mga espiyang hindi nabanggit
Mga kaibigan, wag kayong magagalit
Lahat kayo ay nasa puso ko parin
Sa aking pagkawala, sana ako ay patawarin
Long live Espiya.net!