Kilala niyo ba ang PorkChop Duo? Si Porky at Choppy. Ito yung nagpatuloy sa legacy ng ReyCards sa page-entertain ng mga OFW kasama ni Pilita Corrales at may mga CD at tape pa sila ng kanta at bastos na jokes.
Well, kamag-anak ng kapitbahay namin si Choppy at nagulat na lang ako nang mabalitaan kong wala na si Porky. Hindi ko na naitanong kung ano ang ikinamatay, pero last month pa ito at ngayon ko lang natanto na hindi nabanggit ang balitang ito kahit saan.
Bilang alaala sa kanya, nais kong ibahagi ang paborito kong joke ng PorkChop Duo (edited nang kaunti):
May nagpapayabangang mga insurance agent (mga segurista):
Agent 1: Yung policy namin napakaganda. Impak, (in fact) malawak ang coverage niya at wala nang hahanapin pa ang client. Ang life insurance namin ay from birth to death.
Agent 2: Wala yan! Sa kumpanya naman namin mas aalagaan ang client at may kasama pang alaga sa puntod: "from womb to tomb!"
Agent 3: Napakawalang kuwenta naman ng mga coverage ninyo. Ang iikli! No wonder hindi pumapayag an client sa inyo magsign-up. Ibang-iba kasi sa company namin.
Agent 1: Talaga?
Agent 2: Wala nang mas hahaba pa sa policy namin ba.
Agent 3: Ang coverage lang naman namin ay: "from erection to resurrection!"