Sure we didnt feel his work at the DND but we most certainly saw all the ammo and guns marked with the AFP arsenal taken from the Ampatuans in Maguindanao. Also we didnt feel his work at the NDCC when Ondoy struck. It's certainly most reassuring to see the concurent DND Secretary and NDCC Chaiman on T.V. during that time admitting the government has been stumped. It should have been better if he shot himself on the end with an AFP take from the Ampatuans.
Alam mo, lahat naman ng government organizations may kanya kanyang mga bulok yan, walang perpektong solusyon sa corruption. Hindi naman lahat ng problema ng corruption ng AFP kayang sagutin ng DND sa loob ng dalawang taon o kahit lifetime pa. Bagamat may bakas ng corruption sa AFP, di naman ibig sabihin na walang ginawa si Teodoro laban sa corruption. Kung nabalitaan niyo na yung tungkol sa NCAH (Night Capable Attack Hellicopter) deal ng DND. Makikita naman natin na tinugunan ni Teodoro ang isang tangkang pagnakaw sa PAF. Cancelled agad ang deal at tinanggal ang mga bidder na nasangkot bago mangyari ang bayaran.
Tandaan lang natin na ang primary mission ng DND ay upang ipagtanggol ang pilipino, ang republica at ang mga interests nito. Isama narin natin ang pag provide sa pangangailangan ng AFP. Hindi naman dinisenyo ang DND-AFP para labanan ang corruption. Bagamat responsibilidad ng AFP na ituwid ang mali nila, malamang na hindi lahat ay maaagapan. Sabi nga ng iba. Everybody has a price. At maraming pangbayad at panakot si Ampatuan sa mga yan.
Saka isa pa. Ano pa nga ba ang gagawin ni Teodoro nung mangyari ang Ampatuan Massacre? Eh diba wala na siya sa DND nuon? Kung yung massacre lang din mismo eh Filipino Citizen naman si Ampatuan at isang Government official. Di naman siya radical na terrorista, rebelde o banyagang mananakop. Problema ito ng DILG at PNP. Krimen ito eh. Hindi na kasama sa trabaho ng AFP yan. Napilitan lang talaga i marshall law dahil lumpo ang justice system sa lugar na yun.
Eto lang masasabi ko. Kung Ondoy lang din ang usapan.
Kung sisisihin nyo parin ang NDCC sa nangyari sa hagupit ni Ondoy eh...
Di nyo naiintindihan ang lakas at kaguluhang ginawa ni Ondoy.
Hindi po isang pangkaraniwang Signal #1 na Bagyo si Ondoy, paalala ko lang.
Subukan mo alamin kung ilang personnel ng AFP ang na tap nila para tumulong sa Metro Manila. nasa 100,000 plus ang tauhan ng AFP. Spread out sa buong archipelago.
Isipin mo nalang ang naging epekto ng heavy flooding sa transportation system ng Metro Manila. Paano makaka-galaw ang mga tutulong na units at kagamitan?
Ilang tao nga ba ang naapektohan sa Marikina, Quezon City, Pasig City? more than 500,000? Millions?
Subukan mo nalang i compare yun sa available resources ng DND.
Game.
Be reasonable na lang. Kung babanggitin mo si Ondoy lang din.