Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Kwento  (Read 1394 times)

astigmaniac

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 521
  • Karma 0
Kwento
« on: September 03, 2009, 02:45:09 pm »
"Kwento"

bago ko pamang simulan ang tulang ito..
nalalaman kona na walang magkakainteres sa kwento ko..
pero kailangan kong sabihin,
mga nilalaman ng damdamin..
kaya di ko na papatagalin pa,
simulan na natin ang kwento ni alvinong makata..

nakaramdam ng matinding mahika ang makata..
sa unang beses ng aming pagkikita..
napahanga lang nmn ako sa ganda nya,
at gustong gusto ko ang kabaitan nya..

nagtawanan at nagkakwentuhan lang minsan,
doon na nagsimula ang isang pagkakaibigan..
naging komportable na magkasama,
at naging sandalan ang isa't isa..
nagkalapit nang di namamalayan,
di buo ang araw pag di sya nasilayan..

sa pagkagising palang sa umaga,
sa isip ko sya agad ang bumibisita..
sa pagdating nman ng tanghalian,
sya ang gusto kong i-ulam..
este! sya ang gusto kong,
kasabay sa lamunan..
wala nang ganang kumain, pagkahapunan..
dahil busog na ako sa kanyang kagandahan..

dumating ang oras na ako'y lito..
di malaman kung bakit ganito..
may kasama lang syang iba,
nakaramdam na ng pangamba..
hindi lang nasagot ang tawag,
isip di maiwasang mabagabag..
di lang sya nagtext ng "kamusta po?",
para nang praning at walang kibo..

ang kaba sa dibdib ay sobra sobra,
pag nasa malapit na sya'y natataranta..
di naman dati ganito,
nadadaan ko naman lahat sa biro..
di na makatingin sa kanya ng deretso,
naiilang sa mga titig nyang maamo..
eh, bakit ngaun parang bobo?!
magdikit lang ang braso,
para nang pinapaso..
anu ba?! problema na ata ito..

hindi naman "kami",
at malabong maging "kami"..
eh, bakit nga ba ganito!?
nababaliw na nga ba ako?!
puno ng katanungan,
ang aking isipan..
ang sagot ay nasaan?!
ang ninanais ba ay makakamtan?!
tanga ko, wala ka nmng aasahan..

nagsimula na syang mawala,
ang saya'y nawalang parang bula..
pakiramdam na sya'y umiiwas,
naglalagay naman ako ng tawas(LOL)..
siguro'y napansin nya ang aking nararamdam..
di nya kayang tanggapin,
at di kayang suklian..

ang pagsasamahan na sa tawa nagsimula,
sa iyak lang ata matatapos at mawawala..
hindi inasahang sa kanya'y mahuhulog,
nagising ang pusong dati'y natutulog..
hanggang kelan kaya kayang tiisin?,
itong pilit pigilang damdamin..

ito'y malapit nang matapos..
mga nararamdaman dito nalang ibinuhos..
teka teka teka lang sandali,
sa pag-ibig ay walang tama at mali..

naboring ka man sa aking tula,
pasensya ka wala akong magagawa..
basta ang sa akin lang,
walang sino man ang sa aki'y makakahadlang..
ang tulang ito'y magwawakas..
pero ang kwento ni albino ay magpapatuloy pa bukas..

-Alvin

manyakihiro

  • I Am a Night Creature ......... I crawl at night.
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1143
  • Karma 0
  • Not Intrested w/ d Status Quo, I'll Overthrow it..
Re: Kwento
« Reply #1 on: September 03, 2009, 09:43:03 pm »
ang kwento ng iyong panulat
ay di na naman bago at nakakagulat.
Maraming 'Vinong nababano ng pag-ibig
at ang puso'y umiiyak....

Ibuhos mo lang sa pluma
ang bigat na iyong dinadala.
Magkwento ka kay ate't Kuya
para minsan pa'y makutusan ka...

  ;DHehe ;D

astigmaniac

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 521
  • Karma 0
Re: Kwento
« Reply #2 on: September 04, 2009, 12:44:02 pm »
hahaha!! aus!!