mahirap kung sa mahirap hiddenfiles. but ikaw na rin ang nagsabi na mahal mo yang anak mo. then if mahal mo talaga siya, just be in the background. i mean, masid-masid ka lang muna, huwag ka makialam, antayin mo na manggaling sa babae mismo, either thru her own words, or yung long-term actions niya, kung ano talaga gusto niya mangyari. kasi kung eeksena ka pa tapos pilit na inaayos pala nung girl yung relasyon nila ng asawa niya, mas makakagulo ka.
tama yang ginagawa mo, focus ka sa sarili mo, sa buhay mo at sa kapakanan ng nanay mo. doing that, you are getting yourself prepared for the eventuality na someday gagampanan mo na ang responsibilidad mo bilang tatay.
if in case naman na magkaayos yung girl at yung asawa niya, ask that you get the chance to clear your role dun sa bata. if they would not allow you, then yun ang masakit at medyo mahirap. if pinayagan ka nila na magbigay para sa bata (responsibilidad mo yun being the biological father), magbigay ka. depende na sa iyo kung magkano per month. depende na yan sa kung magkano ang makakaya mo. if hindi ka naman nila pinayagang magbigay dun sa bata, ganito na lang gawin mo, open up an account under your name and monthly dun ka maglagay ng dapat ay para sa bata. that will be his / her funds for any eventualities. makakatulong din ito sa iyo to ease up on the burden of not being given the opportunity to provide for your child.
that said, pare, kailan natin uupuan yung sa silencer, he he he!!!