Share ko lang po mga pipz, gusto ko lng magkwento at naiinis ako!
March 27, '06; mga 6:45 pm; sa MRT Taft Station..
Nakaupo ako sa loob ng MRT nagiintay umalis yung train nang may tumabi sa akin na medyo malapad na lalaki. Syempre wala akong pakialam. Malay ko ba. Di ko alam kung sino katabi ko hanggang dumating kami sa Ayala Station. Nagtataka narin ako dahil yung kaharap kong babae e parang may kinukunan sa camphone nya. Pagdating sa Ayala, eto na ang stampede. Halos mapuno na yung train. Sa harap ko may nakatayong dalawang medyo matandang babae. Mga nasa 50's na siguro. Tumayo ako para makaupo ang isa sa kanila. Eto namang katabi ko naririnig na nag-uusap yung mga babae kung sino uupo e walang karea-reaksyon, nakatungo pa, babasa ng Pocket Pc na cel. Naasar na ako dahil sya nalang ang lalaking nakaupo sa upuan na yun di man lang mag-alok ng upuan sa babae. Nung nakita ko yung itsura ng malapitan, si Jay Sonza. Opo. Si Jay Sonza nga, d ako pwedeng magkamali dahil 2 beses na akong nakakapanood ng dating Mel and Jay ng live. (Ano na ba nangyari kay Jay Sonza, wala na akong balita sa career nya.. kung meron pa) Maya maya napansin ko yung mga kalapit kong nakatayo e nagbubulungan narin. GMA Kamuning Station ng bumaba yung 2 matandang babae, yung isa talagang di nakaupo, nakasandal na nga sa akin tuwing aabante yung tren kasi mahina yung hawak nya sa handle. North Ave., bumaba lahat, si Jay Sonza rin. Eto pa nakakainis.. dun sa may "ticket turnbuckle" di man lang pumila tong si Jay Sonza, nakita na nyang anhaba haba tlga ng pila. Blue yung card nya, meaning ordinary ticket lang. Di nga sya dun sa may guard lumabas. Basta pumunta sya dun sa harap at pinilit sumiksik, walang pakiusap o pasintabi man lang. Hinayaan lang sya nung guard, nakilala ata.
Tingnan mo nga naman tong mga taong to, ibang iba pag walang mikropono't camera.. Grabeng manghinayang, manlumo, at magpakumbaba sa telebisyon pero sa totoong buhay, kabaliktaran. Kumandidato pa tong Senator mabuti't hindi nanalo. Naturingan kang pang "Public Servant." gayong di mo naman pala kayang magsakripisyo kahit sa pinakamaliit na bagay lang. Paano ka namin pagkakatiwalaan?! Oh well, paki ko nga naman sayo.. kahit kumandidato ka pa ng sampung beses mukang di ka naman mananalo..