ANG ALAMAT NG BALOTorihinal ni deosh_pilyoSinubok kumatha ng lupon ng mga titik
Upang sigla nitong buhay ay muling manumbalik
Subalit ang diwa ko’y anumang gawing pilit
Nilamon na ng lungkot, pangungulilang anong pait
Ngayon nga’y ilalahad sa inyo ang nagdaan
Alamat nitong
“BALOT†na aking napakinggan
Kung ito ma’y sadyang mali o may katotohanan
Hiling ko lang sa
ESPIYA, masigabong PALAKPAKAN!
Hiramin ko muna ang bersikulo sa bibiliya
Nawa’y patawarin ako ng
Dakilang LumikhaIto’y bunsod lamang ng labis kong dusa
Upang muli aking labi’y masilayan ang tawa
Matapos ngang likhain ang sandaigdigan
Mula sa alabok, nililok
NIYA si
ADANBinigyan ng buhay noong
KANYANG hingahan
At doon inilagay sa
Paraisong HalamananSa labis na inip ng matikas ng
BIDAHiniling sa
POONG,
“Kailangan ko ng EBAâ€ÂÂÂMula sa kanyang tadyang, humugot ng isa
Hinipan ng hangin, naging mutyang sinisinta
Anupa’t nahiya itong
TORPENG TIGASINKanyang tirik na sandata’y tinakluban ng sapin
Lumipas ang buwan nang kanyang buklatin
Naku, animo’y kamoteng saksakan ng itim
Doo’y di nakatiis ang dalagang turing
Ang
ITLOG na bugok, gusto nyang damahin
Inabot ng palad, pinisil pa mandin
Saka nya inamoy, ulirat ay kumulimlim
Nang siya’y matauhan, galit nya ay bumusa
Isinisi kay
ADAN ang nangyari sa kanya
“Kung di dahil sa amoy ng ITLOG mong maanta
Noong gabi sanang iyon, ako ay nakadalawa!â€ÂÂÂNang malaman ng
AMA ang eskandalong ito
Sinabi
NIYA sa dalawang lisanin ang
PARAISO“Ikaw ADAN na may isip, bakit sinuway ang utos KO,
ITLOG mong anong ganda’y bakit biglang binalot mo�“Bilang parusa KO, inyo itong tatandaan
May ITLOG na lalabas na antot ay kainaman
Ayaw mo man itong kani’n, di mo kayang paglabanan
Uubusin mo itong kasalo ang kasintahan!â€ÂÂÂAt kalaunan nga’y may inilakong
ITLOGNa sa hatinggabi ng mundong umiinog
Sa hiwaga ng dilim na nakakatakot
Ay maririnig mo... ang sigaw na
“BALOOOOOOTTTTTâ€ÂÂÂ!