-bawal na file sharing sa dalnet since 2003 , napunta na kaming phazenetyung virus etc etc kwento e kapag pinindot mo yung links na karaniwan ay porno daw
o tinype mo yung mga scripts na pini-pm sa iyo ng mga bots o ng kung sino sino o karaniwang nakapaloob na sa ginagamit na mirc client nang mismong walang kamalay malay na user , karaniwan iyon sa mga mirc client na may scripts na o customize na ng kung sino-sinong grupo o tao.
pero kung mp3 files at iba pang multimedia files, e safe naman yan doon,
yung mga exe, iwasan na lang, at tanggalin sa listahan ng mga
file type na tinatanggap ng mirc sa dcc options , panatiliin ding updated ang mirc client para iwas problema.
========= kwento muna
nag share din ako ng files ng matagal sa mga irc channels sa 2 server noon, mapa-undernet at dalnet man, karaniwan puro yung mga kanta na galing sa tv na hindi mo makikita sa albums ang shineshare ko, pati na rin mga radio ripped na kanta noon, nagsimula ako mag radio rip noong kapanahunang nagsisimula palang makilala si paolo santos at jimmy bondoc sa radyo,
nag-channel op rin ako ng mga file sharing channels sa dalnet noon hanggang ipinagbawal bandang summer ng 2003 ang file sharing sa DALNET at nagpasya kaming mga file-servers na humanap ng bagong server, napadpad kami lahat sa PHAZENET kasama ng mga beteranong file-servers at duon niregister ang mga channels na dati ring mga channel sa DALNET,
* almost a year na kong tumigil sa file sharing sa irc bunga ng matinding pagtaas ng aming kuryente bill (leecher na lang ako ngayon, muhahaha) * karaniwang ginagamit namin sa pag-share ng files ay sprjukebox kung saan ang @find at @locator ang commands para makahanap ng files na gusto mo,
at ang iba naman ay gumagamit ng Sysreset kung saan gagamit ka ng !list command para makita ang available servers at itatype ang mga trigger o silent triggers na gumagamit ng /ctcp , para mag-open ng isang dcc chat
na sa loob ay kailangan mong gumamit ng mga dos commands tulad ng
dir / cd clr_queue / exit / get / ls / queues / quit / sends / stats / who .
mas ginagamit ang sprjukebox sa mga mp3 channels dahil mas madaling maghanap ng files gamit ito, suportado rin minsan ng sysreset ang @find at @locator pero kadalasang pinagbabawal ng mismong channel owner/moderator ,
mas ginagamit rin sa rizon / aniverse ang sysreset dahil dun galing ang gumawa ng sysreset at isama mo na rin yung techy na pakiramdam kapag gumagamit ka ng sysreset dahil parang naka dos prompt ka lang.
andyan din ang getright na kabundle na ng sprjukebox na automatic pangkuha ng files, na nasa notepad na lang ang mga files na gusto mong kunin at nakapoint sa taong nagshe-share ng file ng mga file na iyon, at ganon na rin yang ibat ibang addons pa na naglabasan
ang auto request ng sprjukebox kung saan kapag naputol ang download mo ng isang file ay automatic na irerequest nya ulit ito sa channel
sa paglalagi ko doon sa irc at bago pa mauso yang ym, mas malaki ang tsansang andun ang hinahanap mong kanta sa irc dahil sa dami ng mga file sharer doon na mahilig sa OPM, yung iba naman doon nagdodouble server,nakabukas na ang sa undernet , bukas din ang sa phazenet,
sa madaling salita e, rekomendado ko ang phazenet dahil subok na yan at mababait ang tayo dyan, karaniwang nakabase sa us mga servers dyan pero halos puro pilipino, ok din ang undernet at nandyan minsan ung mga wala sa phazenet, mas ok rin kung gamitin pareho sa panghanap ng files, madami paring servers pero yang dalawa e mas specialty nila ang mp3, gaya ng rizon na anime naman ang specialty
madaling matutunan ang pagkuha ng files sa irc, kelangan lang e pasensya (dahil minsan sa dami ng kumukuha ng files sa isang file server e pipila ka lalo na kung konti lang ang slots na alotted nya para sa pamimigay ng files) pero andyan ang ibang files servers para kuhanan
====== gawan ba ng tutorial ?
ganito yan , kunwari may tatlong server at ikaw, si tito vic at joey ay mga file servers\\\\sharers
@Tito
%Vic
+Joey
Ikaw
naghahanap ka kunwari ng mp3 na tigidong, ang gagawin mo ay itatype mo ito
@find tigidong
kung mayroon ang isa sa kanilang tatlo ng tigidong , mag me-message ang sprjukebox nila sa iyo ng results
halimbawa ng results ay katulad nito
!Tito Singer-Tigidong.mp3 ::INFO:: 3.2MB 128/48 Stereo
na i-highlight mo gamit ang left click ng mouse , mula sa ! hanggang sa dulo
at i-paste sa channel na pinagtypan mo ng @find
kung mapalad ka e padadala agad sa iyo ang file, pero kung hindi dahil sa madaming kumukuha sa kanya o nakapila, isasama ka sa pila at uubusin muna ang mga nauna sa iyong pumila,
makikita mo sa results kung ilan ang kumukuha sa kanya ng file/ ang slots na kanyang alloted sa mga gustong kumuha at ang listahan ng mga nakapila
karaniwan ay ganito ->
*Tito* Matches for *Tigidong* Copy and paste in channel to request a file (Slot:0/3) (Que:0/15) in use
madali lang yan at kaya nyo yan
=========== o dapat my mirc ka muna->
http://www.mirc.com/type nyo lang sa mirc nyo
/s irc.phazenet.com tapos punta na lang kayo sa -
#cable-pinoy-mp3 #manilamp3 #pinoyservers #streetkorner gamit ang
/j command
kumpleto naman mga yan, halo halo rin at hindi puro tagalog,
#mp3albums para sa mas marami pang kanta na english
type
/list para sa listahan ng mga channel na available sa isang server, pwede ring gumamit ng file name tulad ng
/list mp3 - para lumabas lang ang mga channel na may kinalaman sa mp3
ang mga server commands o yung gumagamit ng
/ ay pwede itype kahit saan samantalang yung mga
@find @locator at
!list ay dapat gamitin sa mismong channel kung saan ka kukuha ng files
sige enjoy , hindi mahihilig tao sa chat dyan, karaniwan e mp3 lang ang habol , hehe