Author Topic: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?  (Read 9371 times)

burdzz

  • 2007 Bravehearts
  • Active - First Star
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 0
  • -Received: 6
  • Posts: 87
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« on: December 08, 2008, 04:37:34 am »
O, dakilang lakandiwa, sanay palawakin pa iyong pang-unawa,
Sapagkat kami ay salat sa kaalaman, sa iyong mga katanungan,
Lalo pa't ang iba'y di alam kung ano ang balagtasan.

Likas na sa amin ang magdunong-dunongan,
Di na nag-iisip, basta't sasagot na lamang,
Payak na katuwiran, ibig pang ipagyabang,
Wala namang say-say, walang katuturan.

Kaya't sa iyong mga katanungan,
Ikaw ang higit na nakakaalam,
Kung sino ang dapat  hangaan ng bayan.
Ipagpaumanhin sana ang aking kapangahasan,
Dahil sa ako ay isa lang hamak na nilalang.
"An intellectual is someone who has found something more interesting than sex."