Author Topic: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?  (Read 9614 times)

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • GoldFingers
  • -Given: 1
  • -Received: 169
  • Posts: 3352
  • Karma 63
Re: Sino ang dapat na Pambansang Bayani?
« on: December 05, 2008, 11:58:25 pm »
Mahirap pumili mga kaibagan
Sino ba talaga ang dapat hangaan?
Ang tunay na karapat-dapat sa atin bayan
Si Rizal na madunong o Andres na Tulisan

Si Pepe ay maraming katha
Si Andres ay maraming hiwa
Nasasalalim ang mayaman at dukha
Noon pa man ay uso na sa atin bansa

Si Pepe ay lumaki ng sagana
Maraming papuri sa kanyang ina
Si Andres ay nag-hirap
buhay niya'y Napakasaklap

Ngayon si Pepe ay malaki na
Lumaban sa mga mapang-aping kastila
Gamit ang papel at tinta
katotohana'y  sinulat nya

Siya'y Lumibot sa buong mundo
Para maiwasan ang gulo
Nilimbag nya ang kanya mga libro
Pinamagatang Noli at El Filibusterismo 

Maraming nagalit sa kanya
At sya ay nahabla
Pinatapon sa bayan ng Dapitan
Noon huli binaril sa Bagung bayan

Si Ka Andres ay talunan
Yan ang sabi ng aking kaibigan
Hindi ko alam kung totoo yan
o baka tsismis lang

Lumalaki kasama ang mga kapatid
Lagi syang nagtitipid
Kapos sya sa salapi
karangyaan ang minimithi

Tinatatag ang katipunan
laban sa mapang-aping dayuhan
Sinisigaw ay kalayaan
Laban hanggang kamatayan

Nguni't layunin nya ay nabigo
kakosa sya'y pinagkanulo
Kawawang Ginoo
Kasama ang kapatid na si Porcarpio

Sa tingin ko si Rizal ang nararampat
maging bayani ng bayan sinilangan
Ang prinsipyo nya hindi pakikidigma
Kundi isang mapayapang bansa