Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Q: First time uuwi from Dubai to Philippines - NEED SOME TIPS  (Read 6015 times)

hentai1988master

  • Active - First Star
  • *
  • -:
  • -:
  • Posts: 11
  • Karma 3
how are you guys?

1 year nako dito sa Dubai, uuwi ako sa Jan 2020. Pero sa tingin ko konti padin knowledge ko o diskarte na pwede kong gawin sa paguwi ko.
sana may mai-share kayo tips sakin guys, based sa mga experience nyo. ano dapat kong iwasan at di dapat kalimutan.

ito palang kasi mga naiisip ko na diskarte, wala pako masyado nabili pasalubong so naisip ko sa dubai dutyfree nalang yung iba, mas mura kaya dun? like perfumes, alak etc.
then ito yung isa ko pang gusto talaga malaman, anong pinaka-praktikal na way of commuting from NAIA to CAVITE? Grab ba o mas ok airport taxi? baka kasi mahal isingil nila sakin, medyo tight ang budget ko kasi sagot ko ticket ko pauwi kaya hanggat kaya magtipid gagawin ko.

Thank you sa mga makakatulong guys! sobrang maappreciate ko talaga TIPS nyo.

Hindi ako taga Dubai pero taga ibang bansa din ako. Kaya hopefully, helpful ang ma-share ko saiyo paps.

For commuting from NAIA to CAVITE, Grab nalang, medyo mahal ang rates ng Airport Taxi, medyo reasonable ang rates ng Grab, ikaw nalang bahala sa tip sa kanila, timing lang talaga sa pag book sa Grab para iwas sa price surge.

For pasalubongs, minsan mas mura ang mga luxury items sa Duty Free pero hindi ideal mag pasalubong ng luxury items. Usually sa Outlet Stores maganda mag shopping pang pasalubong, mas makakatipid ka kapag sa Outlet ka bibili. In my case, nakakabili ako ng Timex watches for $20 - $30 dito na kapag binili sa Pinas ay worth $90 - $100. Tiyaga tiyaga lang talaga makahanap ng good deals.

And mag bigay ka lang ng pasalubong sa mga taong importante sayo, wag na yung mga kaibigan or kapitbahay na matagal mo ng hindi nakikita, I'm sure pag nalaman na umuwi ka for vacation, dadami bigla mag paparamdam na tropa mo or minsan family members. Mas mabuting i-libre mo nalang sila ng isang beses ng group meals sa Shakey's or Pizza Hut. Ako sa mga immediate family members at close friends lang nag papakita, don't feel obliged to give everyone gifts, mahirap buhay sa ibang bansa, kumayod ka ng sobra diyan  tapos lilipad lang yung pera mo bigla bigla diba. Mga totoong friends mo maski wala kang pasalubong masaya na sila makita ka, minsan nga ikaw pa ililibre or makikihati pa sayo sa bill, ganon mga tao masarap i-libre o pasalubungan.

Anyway, enjoy sa bakasyon at ingat sa flight!