Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: FIBA World Cup  (Read 20407 times)

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • -:
  • -:
  • Posts: 262
  • Karma 17
Re: FIBA World Cup
« on: September 04, 2014, 02:34:29 am »
Dapat talga kumuha tayo nang foreigner coach na pang world class ang level nang coaching. Take note, iba ang laro ng asia sa basketball compared sa laro nang ibang continent, ayaw man nating aminin eh hindi talaga pang world class ang coaching ni Chot at kulang pa sa dunong, hindi mo namn sya masisisi kase eh bagito pa sya, hopefully eh madagdagan pa kaalaman nya sa coaching sa tulong nang mga expert na world class coach.

Bakit lumalaban tayo, kinakapos at natatalo sa laro? Dahil hindi alam nang mga nakakalaban nating ang style natin nang paglalaro kase hindi pa sila nakaka experience na lumaban nang sa katulad ng Pilipinas, imaginin mo na lang na kapag naglalaro sila nang basketball eh mga 6 footer ang mga kalaban nila, tapos bigla mo silang isabak sa basketball na ang koponan eh parang may tatlong point guard na naglalaro ng sabay, hindi sila sanay sa ganun at hindi pa nila na experience un. Kaya ayun, lumalaban tayo sa umpisa. Kaya lang yung pagka disorient nila eh hindi namn tumatagal kse eh yung coach mabilis na nakakaisip nang paraan kung paano tatalunin ang team na tulad ng Philippines na parang may tatlong starting point guard nga. Kaya ayun, nakakabawi sila at natatalo tayo.

Feeling ko nga lang kapag mag rerematch tayo sa mga teams na nakalaban natin eh matatambakan na tayo kse eh alam na nila kung paano tayo maglaro.