Espiya

Espiya Lobby => ESPIYA Cafe => Original Poetry => : ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 03:13:01 PM

: Sige...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 03:13:01 PM
Sige...

Susundin ko ang iyong kagustuhan---ang layuan ka
Ngunit patuloy pa rin kitang mamahalin
Ako'y magmamasid na lamang sa 'yo
Tahimik na nakangiti habang pinagmamasdan ka

Alam kong masaya ka na't wala na ako sa 'yo
Darating ang araw, magiging masaya na rin ako nang wala ka
Sa ngayon, di ko muna pipigilan ang puso ko na mahalin ka
Hahayaan ko s'ya hangga't sa mapagod na s'ya
Ang gusto ko, pagnagmahal akong muli
Maibibigay ko nang buo ang aking puso sa taong karapat-dapat...



 :'( :'( :'(
: Re: Sige...
: jervin090 May 18, 2009, 03:40:45 PM
sad naman to  smoking:: smoking::
: Re: Sige...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 04:28:08 PM
sad naman to  smoking:: smoking::
wala lang.. bigla ko lang nagawa kanina yan...  smoking:: smoking:: smoking::
: Re: Sige...
: MasterChief63 May 18, 2009, 04:31:48 PM
[quote author=♥»»bLűeSΩűL««♥ link=topic=95688.msg673821#msg673821 date=1242678488]
wala lang.. bigla ko lang nagawa kanina yan...  smoking:: smoking:: smoking::
[/quote]

hehe kasi yan naman ata yung nasa puso mo...

nuff said
: Re: Sige...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 04:36:20 PM
hehe kasi yan naman ata yung nasa puso mo...

nuff said
hehehehe ikaw naman, binubuko mo ako ehh..  :P
: Re: Sige...
: laitzu May 18, 2009, 07:43:15 PM
just remember the boy.. but don't remember the feeling anymore..  ;D

move on baby blue. ;)
: Re: Sige...
: Zany J. May 18, 2009, 08:03:38 PM
dont worry mas maganda ka naman sa current GF nya eh... move on... smoking::
: Re: Sige...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 08:06:30 PM
dont worry mas maganda ka naman sa current GF nya eh... move on... smoking::

ganun? kilala mo ba kung sino ang tinutukoy ko? hehehehehe
: Re: Sige...
: namster May 18, 2009, 08:29:45 PM
Paalam Pag-ibig
[/size]

Noon, lagi tayong magkausap
Puso natin ay daop palad
mga salitang kaibig-ibig
na nagmumula di lang sa bibig
kungdi sa loob ng dibdib

Biglang nagbago ang lahat
pag-ibig na iniingatan ay nawala
di alam ang dahilan kung paano
biglang nagbago ang iyong puso

ano pa ang aking gagawin?
upang ikaw ay muling makapiling
ginawa ko ang aking makakaya
pero sabi mo, mas masaya ka sa kanya

mamasdan na lang kita sa iyong paglayo
habang ang puso ko ay unti-unting yumayao
pero ang buhay ko ay hindi hihinto
nang dahil lamang sa isang tulad mo

dahil ang lahat ng sakit na ito
ang magiging gabay sa buhay ko
kung ang tandhana ay maging mapaglaro
at tayo ay muling magtagpo...

isang bagay lang ang masasabi ko...
sino ang nagpakasira? ikaw ba o ako??[/i][/size]


----Vincent Bernard aka namster---
[/color][/size]
: Re: Sige...
: ♥»»bLűeSΩűL««♥ May 18, 2009, 08:45:21 PM
@namster
ayos ahh!!! dapat ginawan mo ng new thread yan.. baka akala nila
ikaw yung hinahandugan ko ng tula.. ehehehehehehehe

peace kuya!!!  finger4u
: Re: Sige...
: chibog09 August 30, 2009, 02:45:19 AM
ang lungkot naman po ng poem mo, mam bluesoul , , gusto mo ng yakap? peace mam!
eto po para sa yo, goldfinger!