Espiya

Espiya Lobby => ESPIYA Cafe => Original Poetry => : IWM January 01, 2009, 07:04:55 AM

: Balagtasan sa YM
: IWM January 01, 2009, 07:04:55 AM
Paborito Mo Ang Paborito Ko
(walang magawa sa ym)

p_i_n_k_y:
Ikaw ba’y nababagot?
Sa upuan tila’y nilulumot?
Mukha’y natatakpan na ng sapot
Halika’t kumain tayo ng balot


Espiya Iwm:
Balot na aking paborito
Simula pagkabata'y gusto ko ito
Sa bawat nguya ako'y napapa "aw"
Lalo na kung sa suka ay sinawsaw


p_i_n_k_y:
Mas masarap sana kung may kasalo
Sa pagkain nitong balut di mababato
Halika’t ako’y samahan
Sadyang ang isa pa nito’y sa iyo nakalaan


Espiya Iwm:
Ako'y nandito sa tabi mo, kita mo?
Sa bawat balot na kinain ko, sa'yo ay tatlo.
Ang takaw mo naman manang
Pag kasama kita, walang masasayang!


p_i_n_k_y:
OMG! Ako pa ang masiba?
Umayos ka sa kanila’y nakakahiya
Ang tindi mo naman makapanlait
Kung alam mo lang, matindi ang aking diet


Espiya Iwm:
Hahaha, biro lang manang
Alam mo namang naglalambing lang
Lika na nga ubusin na natin
Masarap na balut, sawsaw pa sa asin


p_i_n_k_y:
Ay naku manong
Kilig ko’y tagos hanggang sakong
Ganyan ka pala maglambing
Ayan tuloy balut ko’y di na makain


Espiya Iwm:
Balut na hawak mo'y aking aagawin
Pagka't sabaw nito aking sisipsipin
Eto na manang, ibabalik ko na
Ang sisiw ay sa iyo na.


p_i_n_k_y:
Manong ang sisiw ay di ko kinakain
Sabaw lang ang aking sinisimsim

Espiya Iwm:
Masaya kung ganun manang
Pagka't ako ang laging lamang!


p_i_n_k_y:
Sige lang sayo na manong ang balut
Ikaw naman magbabayad kay manong panot

Espiya Iwm:
Sige, ngayon lang ililibre kita
Next time, ikaw naman ha?
: Re: Balagtasan sa YM
: Core2_i7 January 01, 2009, 07:34:05 AM
ayos ang sagutan nyo ah bro IWM  :D...yan pala ginagawa nyo, kala ko tanungan gallore nanaman kayo sa confe  :D
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 01, 2009, 07:37:58 AM
hahaha katuwaan lang pre..practice sa balagtasan..haha
: Re: Balagtasan sa YM
: p_i_n_k_y January 01, 2009, 07:39:30 AM
nakakatuwa pala maging makata,,, ahahaha
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 01, 2009, 07:53:26 AM
hahaha..goldfinger sayo manang
: Re: Balagtasan sa YM
: hennypenny January 01, 2009, 08:07:51 AM
astig pre... and ate pinky... "sinisimsim" ngayon ko lang to nabasa....
: Re: Balagtasan sa YM
: creeping January 01, 2009, 08:55:06 AM
galing wala ako masabi

 finger4u
: Re: Balagtasan sa YM
: deosh_pilyo January 01, 2009, 01:27:30 PM
ang BALUT! BOW! hanep... wala akong masabi ngayon ah... napudpod ang talas ng aking dila...  finger4u
: Re: Balagtasan sa YM
: tobey_parker January 01, 2009, 02:16:04 PM
Galing nyong dalawa...dahil jan,  finger4u

Pinky pang-21 mo at Manong pang-107...

Pwede ba ko magrequest, yung tipong mahalay na balagtasan naman..??

 ;D ;D ;D
: Re: Balagtasan sa YM
: manoyihay January 01, 2009, 03:43:28 PM
di ka talaga magugutom pag si IWM ang kasama mo  ;)  toast::
: Re: Balagtasan sa YM
: p_i_n_k_y January 01, 2009, 05:24:14 PM
hahaha spidey subukan namin ng kuyang mo IWM yung mahalay.. nyahaha..

weeeh salamat sa mga gintong daliri!!
: Re: Balagtasan sa YM
: leightot January 01, 2009, 06:13:50 PM
sa aking pagliban, pinky ay dumalo
siya pala'y makata, balot ay naisubo ;D
at sa inyong balot lover's ako ay nagagalak
bawat salitang nababangit ay puno ng halakhak
: Re: Balagtasan sa YM
: bonionkim January 01, 2009, 10:22:42 PM
Hehehe.. ayos ng post nyo ah...  ;D


 finger4u
: Re: Balagtasan sa YM
: Kal-El January 01, 2009, 11:39:03 PM
hahaha ANG KULIT!!! Galing niyong dalawa! Para sa inyo, cutie pinky and Pareng IWM!  finger4u
: Re: Balagtasan sa YM
: Queso January 02, 2009, 12:12:20 AM
ang sweet nyo talaga..  dami ko na naman kagat ng langgam.. hehe.. nakakatuwa mga batuhan nyo.. makabili nga ng balot..
: Re: Balagtasan sa YM
: p_i_n_k_y January 03, 2009, 07:26:13 PM
 
hahaha..goldfinger sayo manang

ahaha.. nalimutan ko magbigay din ng gintong daliri din sayo manong.... xoxo
: Re: Balagtasan sa YM
: chirick January 06, 2009, 06:52:00 AM
ang lulupet nio po mga idol. ahehe.. grabe na astigan ako dun ah. ^^  finger4u
: Re: Balagtasan sa YM
: solmyr January 06, 2009, 07:29:18 AM
Mabaho man ang balot,
Masarap naman i-salo.
Lalo't na ma saya,
abot langit ang ligaya.

Si manang man o si manong,
Gulo man ang isabong.
Basta may balot na libre,
Sigurado walang atubile.

Pero ang balot ay mabaho,
Oo kadireng totoo.
Pero ang pagsalo ng ganito,
Samahang di matatalo.

To manong and manang's balot.
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 06, 2009, 07:33:26 AM
Tama ka pre, mabaho ang balot
Naaalala ko ang amoy ng utot.
Mabaho man o kadiri para sa iba,
Hatid ng balot ang napakaraming sustansya. ;D
: Re: Balagtasan sa YM
: solmyr January 06, 2009, 07:35:49 AM
Sustansya ba ang sabi mo?
Akala ko kasi para sa Lolo.
Protina nga ata at sa buto,
Pero di ba okay kung mabango?

^_^
: Re: Balagtasan sa YM
: tops January 08, 2009, 04:09:27 AM
Balot na syang turing na tila amoy utot
baka naman ang nakain mo ay bahagya ng nabugok?
Lasang hindi maatim at nakakasulasok
kinabukasan siguradong hindi ka makakapasok?

Sa karanasang banggit iyong kilatisin
sa susunod maging mapanuri sa iyong bibilihin
sa tindero bago isupot ay iyong hilingin
ang sisiw ay bahagya lang na nalimlim

Balot na siyang masarap at masustansya
Pag naupo sa kanto ay hindi ko matantya
bilang ng balot na aking kinuha
sa sarap ng pakiramdam, bayad ay limot ko na!

pagisipan mo kaibigan dulot na kahalagahan
nitong munting itlog sa ating kalusugan
Sa iyong panghihina iyong hanapin
kaibigang balot, ika'y palalakasin!

Upang hindi maumay sa kanyang itsura
tanggalin sa kalahati ang balat nya
lagyan ng asin at sukang may paminta
sabay higop bigla, lunukin, hayun at ubos na!








: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 08, 2009, 04:39:05 AM
galing mo pre! bravo, bravo! wala akong masabi. isang sundot sayo
: Re: Balagtasan sa YM
: melyer January 08, 2009, 05:07:15 AM
hahahaha ang galing nyo..

ang balot nga paborito sa uban
sa eskina-eskina imo ra makit-an
kung ikaw mokaon ani og magbusog
sos perte kani nga makapa-ot*g.

nyahahahhaha banat punsoy
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 08, 2009, 06:19:48 AM
hahahaha ang galing nyo..

ang balot nga paborito sa uban
sa eskina-eskina imo ra makit-an
kung ikaw mokaon ani og magbusog
sos perte kani nga makapa-ot*g.

nyahahahhaha banat punsoy

hahahaha! dabest ka pre! astig
: Re: Balagtasan sa YM
: neckromancer January 08, 2009, 07:54:07 AM
Mayroon akong naulinigan
Masarap na kuwentuhan at talastasan
Ako'y papasok sa inyong usapan
Ngunit kung ako'y payagan lamang

Pagka't ako'y si neckromancer
Actor, writer, sayang! Hindi dancer
Kahit malayo pa sa pagkamathunder
Malalim, mababaw, madali sa laughter

Pagka't kung hindi niyo pa nalalaman
Ako't ang tula ay may nakaraan
Tinakwil pagtagal, niyakap ng prosa
Ngayo'y ang berso'y mahirap kumusa

Sa kumpas ng berso ng forum na 'to
Animo'y kalabit sa tula ng puso
Kapag nakakaharap ng berso
Anupa't si deosh pinipingger ko. (deosh, pasensiya na at mahirap gawan ng rhyme. :))

Heto ako't nang inyong masilay:
solmyr, pinky at manoyihay
IWM, deosh_pilyo at leightot
Matanggap ako kahit dila'y putot.
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 08, 2009, 03:33:07 PM
ang galing pre! nice nice..salamat sa pag dugtong nitong ating munting balagtasan. hehe
: Re: Balagtasan sa YM
: deosh_pilyo January 08, 2009, 05:37:08 PM
ANG ALAMAT NG BALOT
orihinal ni deosh_pilyo

Sinubok kumatha ng lupon ng mga titik
Upang sigla nitong buhay ay muling manumbalik
Subalit ang diwa ko’y anumang gawing pilit
Nilamon na ng lungkot, pangungulilang anong pait

Ngayon nga’y ilalahad sa inyo ang nagdaan
Alamat nitong “BALOT” na aking napakinggan
Kung ito ma’y sadyang mali o may katotohanan
Hiling ko lang sa ESPIYA, masigabong PALAKPAKAN!

Hiramin ko muna ang bersikulo sa bibiliya
Nawa’y patawarin ako ng Dakilang Lumikha
Ito’y bunsod lamang ng labis kong dusa
Upang muli aking labi’y masilayan ang tawa

Matapos ngang likhain ang sandaigdigan
Mula sa alabok, nililok NIYA si ADAN
Binigyan ng buhay noong KANYANG hingahan
At doon inilagay sa Paraisong Halamanan

Sa labis na inip ng matikas ng BIDA
Hiniling sa POONG, “Kailangan ko ng EBA”
Mula sa kanyang tadyang, humugot ng isa
Hinipan ng hangin, naging mutyang sinisinta

Anupa’t nahiya itong TORPENG TIGASIN
Kanyang tirik na sandata’y tinakluban ng sapin
Lumipas ang buwan nang kanyang buklatin
Naku, animo’y kamoteng saksakan ng itim

Doo’y di nakatiis ang dalagang turing
Ang ITLOG na bugok, gusto nyang damahin
Inabot ng palad, pinisil pa mandin
Saka nya inamoy, ulirat ay kumulimlim

Nang siya’y matauhan, galit nya ay bumusa
Isinisi kay ADAN ang nangyari sa kanya
“Kung di dahil sa amoy ng ITLOG mong maanta
Noong gabi sanang iyon, ako ay nakadalawa!”


Nang malaman ng AMA ang eskandalong ito
Sinabi NIYA sa dalawang lisanin ang PARAISO
“Ikaw ADAN na may isip, bakit sinuway ang utos KO,
ITLOG mong anong ganda’y bakit biglang binalot mo”?


“Bilang parusa KO, inyo itong tatandaan
May ITLOG na lalabas na antot ay kainaman
Ayaw mo man itong kani’n, di mo kayang paglabanan
Uubusin mo itong kasalo ang kasintahan!”


At kalaunan nga’y may inilakong ITLOG
Na sa hatinggabi ng mundong umiinog
Sa hiwaga ng dilim na nakakatakot
Ay maririnig mo... ang sigaw na “BALOOOOOOTTTTT”!

 toast:: smoking:: toast::
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 08, 2009, 05:52:14 PM
ang galing! hahahaha! nakakatuwa, yun pala ang alamat ng balot...bow down talaga ako sayo buds, ang husay mo!
: Re: Balagtasan sa YM
: p_i_n_k_y January 08, 2009, 08:42:42 PM
ang baluuuuut!! bow...
: Re: Balagtasan sa YM
: tops January 09, 2009, 04:25:18 AM
Neckromancer, kapatid, ano't iyong nakalimutan
pangalan kong matimtim na kasama sa sagutan
diwa kong gulat ay tila pinagsakluban
ng lungkot sa damdamin ukol sa balagtasan? ???
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 10, 2009, 08:22:57 AM
Neckromancer, kapatid, ano't iyong nakalimutan
pangalan kong matimtim na kasama sa sagutan
diwa kong gulat ay tila pinagsakluban
ng lungkot sa damdamin ukol sa balagtasan? ???

huwag kang mag-alala kapatid,
ang iyong hinaing ay ihatid
sumali sa balagtasan ng makita
ang likas mong pagka-makata
: Re: Balagtasan sa YM
: neckromancer January 11, 2009, 08:33:46 AM
Neckromancer, kapatid, ano't iyong nakalimutan
pangalan kong matimtim na kasama sa sagutan
diwa kong gulat ay tila pinagsakluban
ng lungkot sa damdamin ukol sa balagtasan? ???

'Sanlibo't isang patawad ang hingi
kung bakit alaala ko'y patange-tange
Madami ding bagay ang binubusisi
Kaya't heto ako, patakas ang pagsipi

Kaya kaibigan kong tops, patawad
kung simpleng pagbati'y kulang ang paggawad
Kamay ko at daliri'y nanginginig twina
Hindi lang dahil sa Mature sa espiya.
: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 11, 2009, 08:41:43 AM
Ano pa't tayo na'y bumalik
Ang tema ng balut ang siyang saliksik
Sa balagtasang ma-itlog tara na't sumali
Baka may biglang sumigaw ng OW-TI! (OT)
: Re: Balagtasan sa YM
: mashedpotato January 11, 2009, 01:03:13 PM
pre anlupit nyu!  :D
Siguro kung me ka chat akong ganun baka abutin ako ng isang araw bago ng reply  :D
: Re: Balagtasan sa YM
: tops January 13, 2009, 06:10:13 AM
salamat kapatid na IWM, neckromancer sa inyong pagalala
sigla'y nanumbalik sa aking gunita
kakulangan sa pansin ay inyong ipagpaumanhin
mangibang bayan ay sugat sa damdamin

Magpagayunpaman, kayo ay makinig
sa munting impormasyon na aking hatid
dahil ang haring balot ang sya pa rin himig
ng ating usapan mga kapatid

sa layo ng aking kinapuntahan
balot ay tila wala sa kanto at tindahan
sa dami ng aking napagtanungang mga kababayan
tila wala pa rin linaw ang kasagutan

subalit ano't aking napansin
minsan sa restoran na pinasukan namin
ibang lahi ay lumapit at nag alok
nakakamangha at alam ang balot?

pagkaraka'y sinabi kayo ba bili?
balot may suka na babad sa sili?
sa sobrang gulat ako'y napatili
parang hindi makapaniwala ang aking sarili?

ako'y bumili at aking tinikman
aba't sya nga at tunay na kainaman
balot na inisip kong sa atin inang bayan lamang
mabibili at ating matatagpuan

 










: Re: Balagtasan sa YM
: IWM January 13, 2009, 06:28:27 AM
Aba'y mainam kung ganun tops na kaibigan
Balut na inaasam-asam ay nasa ibang bayan!
Munting bilog na puti, niluwal ng pato
Pangungulila sa bayan ay ginamot nito

San ka nga ba naroroon aking kabayan
Anong bansa ang iyong dinayuhan?
Sa muling pagbalik sa bansang sinilangan
Humanap ng balot kahit sa anong paraan.