Espiya

Espiya Lobby => Humor => : anne&jo May 22, 2006, 10:00:46 AM

: kakaloko?
: anne&jo May 22, 2006, 10:00:46 AM
Nakakaloko

Nagtagpo sina Jayson at Justin sa isang bus stop at nag-usap sila. Panay-panay ang emote ni Justin ng mga problema sa kanyang pamilya.

Hanggang si Jayson ang nagsalita, "Pare, sa tingin mo, nakakaloko ang mga problema mo sa pamilya mo? Tingnan mo naman ang sitwasyon ko.

"Ilang taon na ang nakararaan, nakatagpo ko ang isang biyuda na may isang dalagang anak. Nagpakasal kami, kaya nagkaroon ako ng isang stepdaughter. Hindi nagtagal, pinakasalan ng tatay ko ang stepdaughter ko."

"Kaya ang nangyari, ang stepdaughter ko ay stepmother ko rin, at ang tatay ko ay stepson ko rin. Ang misis ko ay naging mother-in-law ng kanyang father-in-law. Biyenang babae ng kanyang biyenang lalaki, ika nga."

"Ang anak na babae ng aking asawa, ang aking stepmother, ay nagkaroon ng anak na lalaki. Ang sanggol na ito ay half-brother ko dahil anak siya ng aking ama. Pero dahil anak siya ng anak ng aking asawa, apo siya ng aking asawa. Kaya lolo ako ng aking kapatid sa ama."

"Okey pa sana ito, hanggang nagkaroon kami ng asawa ko ng isang anak na lalaki. Ang half-sister ng aking anak, ang aking stepmother, ay lola rin niya. Kaya ang tatay ko ay brother-in-law ng aking anak, na ang stepsister ay asawa ng aking anak."

"Kung gayon, ako ay brother-in-law ng aking stepmother. Ang asawa ko ay tiyahin ng sarili niyang anak. Ang anak ko ay pamangkin ng aking ama, at ang sarili ko ay lolo ko, oh di ba, nakakaloko?!
: Re: kakaloko?
: PinagpalA May 22, 2006, 10:10:30 AM
hayy naku talagang maloloko kapag

ganyan talaga nangyari, isipin mo pa

nga lang maloloko kana haaaaaaaaaaaaayyyyyyyyaaa!!
: Re: kakaloko?
: DesperadO May 22, 2006, 10:38:37 AM
hehehe maam joanne nung una naiintidihan ko pa,,,

pero nung dumami na,,,sumakit ata ulo ko sa pag-intindi,,,

mukhang nagkakaloko na nga......
;D ;D ;D
: Re: kakaloko?
: anne&jo May 24, 2006, 07:16:13 AM
hehehe maam joanne nung una naiintidihan ko pa,,,

pero nung dumami na,,,sumakit ata ulo ko sa pag-intindi,,,

mukhang nagkakaloko na nga......
;D ;D ;D

kahit ako hirap umintindi sa una.

 hehehe
: Re: kakaloko?
: greenjoseph May 27, 2006, 01:10:30 AM
heheheeh nakakaloko nga...
: Re: kakaloko?
: DesperadO May 27, 2006, 02:19:21 AM
kahit ako hirap umintindi sa una.

hehehe

tamang-tama nga ang title nito maam joanne kasi talagang nakakaloko,,,

kung pilit mong intindihin eh malamang sira ulo ka na bukas,,,hehehe......
:D :D :D
: Re: kakaloko?
: neckromancer June 08, 2006, 02:57:37 AM
OK din itong joke na ito. Classic. Maganda rin yung English version niya na ginawa rin ngang kanta sa pelikula ni Tom Arnold na "The Stupids"
: Re: kakaloko?
: "Phoenix" June 10, 2006, 12:41:10 AM
Nahilo ako dun mam joanne ha??? ang hirap kong inintindi un......5 times ko pa-ulit-ulit na binasa....grabe.....hehehehe!!!!
: Re: kakaloko?
: hoy June 10, 2006, 01:36:37 AM
waaah nakakaloko ah....
: Re: kakaloko?
: Knivez117 June 10, 2006, 04:30:11 AM
Pano kaya i-drawing ang family tree nila.. ang gulo ng mga sangga!  :D
: Re: kakaloko?
: bhach June 12, 2006, 04:37:14 AM
natuyuan ako ng utak dun ah....!!!!
: Re: kakaloko?
: anne&jo June 12, 2006, 10:34:09 AM
natuyuan ako ng utak dun ah....!!!!

dahan-dahan lang po, masikip na sa mental hosp.

peace.....
: Re: kakaloko?
: lord_CyRuS June 14, 2006, 12:01:22 PM
nice...
maganda to basahin sa gabi...
makakatulog ka sa kakaisip papano nila tatawagin ang isa't isa...
hayyyyyyy... hilo ako...
: Re: kakaloko?
: BlacKnight June 14, 2006, 12:20:56 PM
HUWAAATTT?!?!??! nakalbo ako dun a.. lol
: Re: kakaloko?
: foreveryoung June 17, 2006, 01:30:57 AM
i enjoy reading, parang mind twister, nakalog utak ko... nasabi kong may utak pala ako salamat sa exercise