Espiya
Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Business and Economics => : TigerClaw October 06, 2013, 03:31:21 AM
-
Bali may mag-finance na kaibigan kong Arabo...gusto niyang mag-start ng business sa Pinas...sinabi ko beach resort pero di ako sigurado...ahahaha
Budget po niya is SR 500,000 equivalent to Php 5,000,000 (if SR 1 = Php 10.00)...
Sana matulungan niyo ako....
::thanksforhelp
-
Does any one here knows Royale Business Club...? Bro pede ko tong masuggest....
-
Ayos yan ah ang laki ng budget... kamusta ang trabaho... yung trabaho dyan? ;D
-
so far wala pa akong nakikitang masyadong patok na negosyo ngayon 2013 puno ng delubyo
from habagat through zambo war through pdaf scam
requirement kase ng maganda magtayo ng business e political stability at law and order stability
kung beach resort dapat may ka tie-up kang tourist agencies para magkaroon ng valor or value yung resort one is in Ilocos maganda mga beaches dun wala lang development
-
Beach resort nga sinabi ko sa kanya kaya lang di ko naman alam if kasya yung budget niya...nagtingin-tingin ako sa sulit pero wala akong makitang magandang location eh...
Does any one here knows Royale Business Club...? Bro pede ko tong masuggest....
Para saan yan kaibigan...first time kong narinig yan...
-
resort kasi summer lang sya nagcclick... pero maganda sya. kaya lang of course need mo humanap ng resort for sale,,dapat kilala din yun place, structures need mo rin like Inns and some amenities... for me kulang yang 5M.
-
Yun nga ang nasa isip ko bro eh...sa tingin ko yung 5M para sa lot area lang...paano yung sa development ng resort...ahahaha..ang hirap magtayo ng business ngayon sa Pinas...
Itakbo ko na lang kaya yung pera niya...bwahahaha
-
Beach resort nga sinabi ko sa kanya kaya lang di ko naman alam if kasya yung budget niya...nagtingin-tingin ako sa sulit pero wala akong makitang magandang location eh...
Para saan yan kaibigan...first time kong narinig yan...
Eto po ang Royale Sir oh. http://www.royalebusinessclub.com/rbcii_phil/
Limang kapatid ko at yung Mother ko member po nyan.
Ang sarap namang naging downline nyan kung sakali. 5M...Wow. Ilang pair ng account yun?

Same as pyramiding siya bro? Gaano ka-secure?
-
internet business never go bad. .
-
NGO.
foundation.
-
Same as pyramiding siya bro? Gaano ka-secure?
Tama po sir. Pyramiding nya po sya.
Gaano ka-secure? Ok naman sya Sir. Hindi naman sya scam. Kasi unang una, hindi ka naman magbibitaw ng pera tapos wala lang. I mean pag kumuha ka ng account, may product din na kapalit yung. 12,800 something yung isang account na yun then may product na ibibigay sayo yung worth 15K plus. Pag kumuha ka ng isang account, automatic member kana din agad. Pangalawa, yung mga kapatid ko din kasi talagang tumatanggap ng cheque. So hindi sya scam. Pangatlo, Search ka lang sa google sir kung ano ba talaga yang Royale na yan.

I know na hindi siya scam... :D
Kaya lang marami na rin kasing lumabas na ganyan before pero di sila nagtagal sa business (if you know what i mean)...saka yung pera hindi sa'kin...sa kaibigan ko...ayaw ko namang sirain yung tiwala niya sa'kin...
Pero pag na-demonyo ako....itatakbo ko na lang yung pera niya...at wala ng balikan dito sa Saudi...bwahahaha
-
patayo sya ng 3 story walk-up apartment building. tapos ikaw mag manage. tapos patayuan ng convenience store na katabi =D
-
patayo sya ng 3 story walk-up apartment building. tapos ikaw mag manage. tapos patayuan ng convenience store na katabi =D
Ako talaga magma-manage brod dahil ibibigay niya sa'kin yung pera...plano namin this coming April na bakasyon ko...pero wala talaga akong maisip na business eh...
-
Ako talaga magma-manage brod dahil ibibigay niya sa'kin yung pera...plano namin this coming April na bakasyon ko...pero wala talaga akong maisip na business eh...
if ever na magkapera ako, yan ang balak ko e. aparment building. pero mas maganda yung malalapit sa mga malls. para dun sa mga trabahador.
sa dubai ka ba pareng tiger?
balita ko madali lang makautang ng pera sa mga banko sa dubai. marami din daw na pinoy na umutang ng 1 mil pesos tapos tumakas na pabalik sa pinas. lol.

Nasa Saudi Arabia ako kaibigan...matagal na rin ako dito kaya ngayong may nag-offer sa'kin...ayaw kong palampasin ang pagkakataon dahil gusto ko na ring mag-start ng sariling business....ahahaha
Kahit dito sa Saudi, nagpapautang ang mga bangko...nakautang na ako dati nung makabili kami ng lupa sa may Meycauayan...bali cash kong binayaran...
And tulad ng sabi mo...marami ring kumuha ng salary loan dito na pinoy....at nagsitakas din ang mga hinayupak na iniisip lang ang mga sarili....tuloy hirap ng makapag-salary loan dito....
-
well goodluck sayo.
bakit di ka magstart ng internet cafe na lang... para lagi ka pa nagiinternet lol. apartment bldg na may convenience store and internet cafe. pasok kaya 5 mil jan.
tapos laundromat.
-
Magandaang idea yan kaibigan...pero kailangan ko pa ring kunin ang approval nung kaibigan ko...alam mo naman di basta-basta bibitawan ang ganong kalaking halaga...
And if in case na magkasundo kami..saan naman kaya ako magpapatayo ng ganyan na mabilis ang dating ng pera....ahahaha
-
well, sa mga kakilala kong mga may kanya kanyang rental properties, hindi ganun kabilis/kalaki ang pasok ng pera pero stable. nari reap nila ang rewards pagkaraan ng mga ilang taon na... pero kasi kapag may apartment ka na, anjan na yan e. pasok na lang ng pasok ang pera.
lalo na sa pinas kung saan hindi mo na kailangang maglagay ng appliances at saka ng kuryente. basta yung space lang ayos na.
may kilala din akong nagtayo 2 storey bldgs din. pero more like stalls. may property sya sa harap ng isang school, kaya ginawan nya ng mga 2 story na stalls. sabi nya 5k lang daw ata ang renta. tapos may 5 stalls sya. 25k a month ng walang ginagawa.
-
tayo ka ng computer shop malapit sa mga university at colleges .. sa ubelt.
or
apartment .. tapos sa baba ng apartment gawin mong commercial use
-
or kung gusto mo makatulong sa charity.. franchise ka ng KENO sa PCSO .. 300k.. tapos tayo mo sa mga terminal ng bus , tricycle o jeep..
-
franchise na lang
-
Ilagay mo na lang sa bank tapos i term deposit mo.
Yang 5m mo magiging 5.7m plus after 5 years nga lang. Hehehe. Siguradong walang luge. Panahon lang aantayin mo.
-
Kapatid na ts. I'm sure Hindi maraming Pilipino Ang mabigyan ng ganyang kalaking pagkakataon. Eto payo ko para sayo:
Una... Wag ka sasali sa pyramid na mabilis Ang Pera. Tulad ng sabi nila "if it's too good to be true, then it is really too good to be true". Mabilis din mawawala Pera mo. Tulad ng offer ng royal business ... Maglalabas ka ng Pera para sa product nila then mag recruit ka rin kaya Lang kailangan matuto ka gumamit ng product nila para kumita ka parang amway yan. Pag di ka nag recruit at Di mo gamit product nila Wala babalik sayo.
Pangalawa... Anong klase ba Ang gusto mong ROI? (Return of investment). Sa ngayon siguradong Walang klaseng business na isang buwan Lang eh bawi na Pera mo. Franchise ng isang restaurant would cost at least 2m and may 3-5 years roi or depende sa franchise.
Pangatlo Kung resort malaking Pera yung renovation, development, at ads. Tagal din Ang roi Nito.
Pangapat - Kung gusto mo naman mag invest sa stock market kaya Lang kailangan marunong ka Kung kelan papasok at kelan kailangan ibenta.
Lastly... Pwede mo invest sa amslai - parang cooperative ng Mga military sa pinas Kung San may Pera din Si napoles. May 10% yata na interest.
But anyways good luck sayo ts.
-
Siomai pre...
-
wala ng mas papatok pa sa 3d printing bro habang kakaunti palang ang kompetisyon. search ka sa net tungkol sa 3d printing o 3d printer kahit sa youtube,lahat ng field kayang saklawan ng technology na to(architecture/engineering,manufacturing,medicine,etc)pagnakainteres ka at yung magbibigay ng puhunan PM mo ko.
http://www.youtube.com/watch?v=YHcLGfVpTJY
http://www.youtube.com/watch?v=ZbRlDBScDz4
-
NGO pre. ito na siguro ang pinaka patok at magandang business. Kita mo walang lugi ang mga gumagawa ng business na to. Billion pa ang kita. kahit madaming ka sosya mas maraming kita.
-
food
health
tourism