Espiya

Fitness and Health / Malusog na Espiya ==> Happy! => The Kitchen: Recipes => : MiKeDaCuTe August 17, 2013, 12:15:00 PM

: Ginataang Pork Adobo
: MiKeDaCuTe August 17, 2013, 12:15:00 PM
(http://i44.tinypic.com/20p8211.jpg)


Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo  (cut into cubes)
1/2 cup Vinegar
2 cups Soy Sauce
1 cup tubig
3 pirasong tinatad na bawang
4 pcs. dahon ng laurel
2 cup Gata ng niyog
1 tbsp. pulang asukal
1 tsp. pamintang buo
1/2 tsp. pamintang durog

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at pagsamahin ang lahat ng mag sangkap maliban sa karne ng baboy at gata.
2.   Isalang ito sa kalan at hayaang kumulo ng mga limang minuto. Huwag hahaluin muna
3.   Ilagay na ang karne ng baboy at takpan. Hayaang maluto ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan at kung gusto ninyong masabaw ang inyong adobo.
4.   Kapag kumonti na ang sabaw at nagmantika na ang inyong adobo, ilagay na  ang kakang gata at hayaan kumulo ng mga limang minuto muli.
5.   Tikman ang sauce kung ok na ang lasa.

iserve na may leftover na kanin. tsalap!!!!

CHOW na!
: Re: Ginataang Pork Adobo
: Schandelah August 17, 2013, 12:15:53 PM
yeah.. akyat bahaw gang here! o/
: Re: Ginataang Pork Adobo
: MiKeDaCuTe August 17, 2013, 12:24:39 PM
yeah.. akyat bahaw gang here! o/

uy may magnanakaw ng ulam hehehe!
: Re: Ginataang Pork Adobo
: Schandelah August 17, 2013, 12:26:57 PM
uy may magnanakaw ng ulam hehehe!

bahaw! ahaha... *hanap pagkain sa ref* nagutom ako PMPL
: Re: Ginataang Pork Adobo
: leightot August 17, 2013, 12:50:19 PM
hmm matindi to. :D pababasa ko sa expert sa bahay para matikman ko. :D
: Re: Ginataang Pork Adobo
: ☺☻JDC™ August 17, 2013, 01:22:28 PM
Sarap toh....talagah sa bahaw..