Espiya
Fitness and Health / Malusog na Espiya ==> Happy! => The Kitchen: Recipes => : MiKeDaCuTe August 12, 2013, 12:59:22 PM
-
Buena Mano sa bagong bukas na board... sana magustuhan nyo...
PININYAHANG MANOK
(http://i41.tinypic.com/2cfd1eq.jpg)
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken
1 can Pineapple Chunks
1 small can Evaporated milk
1 large Potato (pa-cubes po ang hiwa)
1 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sugar
Salt and pepper to taste
Procedure ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok.Hayan ng ilang sandali (mga 5 to 10mins. habang naghihiwa ng ibang ingredients)
2. Sa isang kaserola o kawali, i-brown ng bahagya ang manok. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong lutuan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang manok, patatas at ang syrup ng pineapple chunk. Takpan at hayaan ng mga limang minuto o hanggang maluto ang manok at patatas.
5. Ilagay na ang evap. Hayaan ng mga 2 minuto.
6. Huling ilagay ang pineapple chunk at 1 tsp. sugar..
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!! CHOW NA!!! ;D
-
brad nakalimutan mo siling panigang o kung di maanghang: bell pepper.
-
brad nakalimutan mo siling panigang o kung di maanghang: bell pepper.
NICE! oo pwede rin lagyan para sa may gusto ng maanghang. yung iba kasi ayaw lalo na yung mga bata... ;)
-
Nagutom ako bigla. Langya dapat tanghali ko pala ito binuksan :D
-
masarap yan kung native na manok ang gagamitin..ingat lang kasi medyo madaling mapanis yan.nagutom ko bigla..
-
thanks tol papaluto ko to sa kasama namin para maiba naman ulam namin haha.
-
hahaha sarap nyan ah kulang nalang jan ito toast::
-
that was my lunch.. :)