Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Politics => : joggre November 26, 2009, 04:36:29 PM

: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: joggre November 26, 2009, 04:36:29 PM
Share ko lng ito guys nangyari samin dito sa davao back in 2002, kahit gano kapa kayaman kang amputuan ang makaklaban mo pede kng patayin ng wala hustisya..

kaya ndi na ako na gulat sa balitang  massacre in maguindanao.


kahit na ang astig na c Mayor Duterte sa davao ay ndi nakiki alam sa apo ni ampatuan na nabalitaang cya ang bumaril sa anak ng mayamang negosyante.

Philstar

Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador
(Pilipino Star Ngayon) Updated July 30, 2002 12:00 AM

DAVAO CITY – Isang anak ng prominenteng negosyante sa lungsod na ito ang kumpirmadong binaril at napatay ng apo ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan sa Venue Entertainment Compound matapos na umawat ang biktima sa mainitang pagtatalo ng dalawang grupo.

Sinampahan ng kaso sa korte kahapon ang suspek na si Mohamad Ampatuan Banarin na iniulat na anak din ng alkade sa Maguindanao dahil sa pagbaril at pagpatay sa biktimang si Carlo Asistido.

Napag-alaman kay Arturo Manubag, bouncer sa Halo Stand-Up Bar na matatagpuan sa naturang lugar na may kaunting alitan na namagitan sa grupo ni "Jun-Jun" Paglas na anak naman ni dating Datu Paglas Mayor Ibrahim Paglas at grupo ni Banarin.

Ayon sa ulat na tinangkang awatin ni Asistido ang alitang namuo ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binaril siya ng suspek na second year college student sa Universtiy of Mindanao.

Nabatid sa source na ayaw ipabanggit ang pangalan na si Banarin ay escorted ng miyembro ng Philippine Army na nagbigay ng baril na ginamit sa krimen.

Sinabi naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya makikialam sa pangyayari dahil sa naisampa na sa korte ang kaso.

"But what I would like to emphasize to these people is that if they want to kill each other off, they can do it somewhere else and not here in Davao City," dagdag pa ni Mayor Duterte.

Kaagad naman ipinag-utos ni Mayor Duterte na magtatayo ng checkpoint sa labasan at lagusan sa naturang lungsod dahil sa ayaw niyang sinumang pagala-gala na nakapagdadala ng armas partikular na ang mga politiko.

Humingi naman ng tulong si Mayor Duterte kay Armed Forces Chief of Staff Roy Cimatu upang imbestigahan ang military personnel na escort ni Banarin na lumabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec)




Sunstar davao
Dabawenyos split on Ampatuan's acquittal

"I don't think justice was served for Carlo." -- Carlo's friend Ipe Alino

"There is no equal justice in this country. What we have are two faces of justice -- one for the powerful and another for the poor. The Ampatuan case is an example." -- Bill Martin, Freedom from Debt officer

"For those who knew Carlo, a fun-loving character who was only there to peacefully intervene and was shot by accident, this is a painful outcome especially for the family and loved ones." -- Jojie Alcantara, newspaper columnist




: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: roger2002 November 26, 2009, 04:46:54 PM
matagal nang mamamatay tao ang mga AMPATUAN'S,mga berdugong kinatatakutan
sa Maguindanao.
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: sweetbayag2 November 26, 2009, 05:33:39 PM
dapat na nating hilingin ang tulong ni kapitan inggo!  ::pampam
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: bakekong12345678 November 26, 2009, 08:31:30 PM
para sakin, ABB ang katapat nyan. ang berdugo ng mga naaapi  smoking:: smoking:: smoking::




: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: jake_herras November 26, 2009, 08:36:30 PM
mga pinatay pa nga daw sa loob ng hospital yung nakaaway ng pamangkin nila ganun sila walang awa talagang sinundan pa & pinatay sa loob ng hospital. pero hwag ka sabi ng bayaw ko sa davao di sila makaporma kay duterte di sila basta basta nakakapasok ng davao.
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: roger2002 November 26, 2009, 09:50:06 PM
mga pinatay pa nga daw sa loob ng hospital yung nakaaway ng pamangkin nila ganun sila walang awa talagang sinundan pa & pinatay sa loob ng hospital. pero hwag ka sabi ng bayaw ko sa davao di sila makaporma kay duterte di sila basta basta nakakapasok ng davao.

nagpatayo ng isang malaking mansyon ang mga Ampatuan sa Davao,malimit sila
pumunta dito ngunit bilang isang ordinaryong mamamayan lamang..palibhasa teritoryo ni
Duterte ang nasabing syudad.Ngunit me hinala ako na habang hawak ang Maguindanao
bago pa man nangyari ang kahindak-hindak na trahedya,unti unti ay may hakbang ng ginawa ang pamilya upang
ang Davao City ay kanilang isusunod na pamumunuan.
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: jake_herras November 26, 2009, 09:56:59 PM
kapag di ka nga raw sumunod sa gusto nila or kumontra ka chainsaw aabutin mo sa kanila...
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: namster November 26, 2009, 10:09:00 PM
kailangan na ilagay na ang buong angkan ng mga amputuan sa Death Note para mamatay na sila ng sabay sabay...
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: jake_herras November 26, 2009, 10:12:54 PM
dito dapat umeksena ang NPA mga ganitong klaseng tao dapat tinitira nila hindi yung puro pagpapasabog ng cell sites ginagawa nila.
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: bugoy88 November 26, 2009, 10:15:15 PM
akala ko pa naman matapang si duterte? elib pa naman ako sa kanya...kaya lang, mukhang pang asong gala lang ata ung tapang nya  :P
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: jake_herras November 26, 2009, 10:57:58 PM
sabi nung reliable source ko na tagadun binarildaw ni toto yung chopper na sinasakyan ni mayor ampatuan nung papunta na dito sa manila kamalas naman di tinamaan... ang saya-saya sana tinamaan na lang...
: Re: Anak ng trader dinedo ng apo ng gobernador amputuan (back in 2002)
: wolfpaq November 30, 2009, 02:36:50 AM
2 of my fraternity brothers were killed by the @mpatu@ns..  >:(