Alam naman natin na kasama sa agenda ng pnoy ang bigyan tayo ng katarungan sa ginawa ni GMA. Hindi ka ba natutuwa na hinahabol nya ang mga pulitiko na nagnakaw sa kaban ng bayan sa binayad mung buwis kada sweldo mo? Hindi ka ba natutuwa na meron leader na hindi nya pinapalagpas ang nag agrabyado sayo sa loob ng 9 years? Hindi natin siya masisisi kung bakit nya hinahalukay lahat ng baho ng nakaraan dahil pinaparating nya sa taong bayan na ang niluklok natin sa EDSA 2 ay pinagnakawan tayo! Gusto nya makulong silang lahat! Gusto nya linisin ang Gobyerno natin! Hindi ka pa ba natutuwa?
Kung hindi makukulong ang lahat ng ito at sila na naman ang naghari saan na naman tayo lahat pupulutin?
Direction nya ay makita ang pilipinas na wala na yung mga pulitikong may wang wang sa ulo at sa buong pagkatao. Dahil kung hindi mawala kahit mabawasan man lang sila malaking tulong na ito para sa atin dahil tayo ang ninanakawan.
Tumaas ang GAS wala tayong magagawa dyan dahil nagkakagulo sa middle east. Hindi kontrolado ng presidente yan. Hindi ka ba natuwa at nagpalabas ang gobyerno ng mga discount ba un o pera para sa mga driver na alam naman natin na kahit hindi ganun kalaki nakatulong din naman sa kanila?
Hindi ka ba natutuwa na kahit alam naman natin na wala taung laban sa China pero matindi ang paninindigan nya na ANG SA ATIN AY SA ATIN! Meron leader na handa ipaglaban ang karapatan at lupain mo na hindi natatakot!
Hindi ka ba panatag ngayon na alam mo na meron leader na nililinis ang mga korakot sa gobyerno para ung buwis na binabayad mo may patutunguhan?
Oo wala siyang sinabi kung ano ang mga plano nya about education, infrastructure etc... Kung ano direction natin sa susunod na taon. Para sa akin kung meron siya sasabihin na ganun ang dating ay pangako na naman na syempre ayaw natin lahat mapako.
Panatag ako at satisfied ako sa ginawa nya sa loob ng isang taon. Alam naman natin na hindi madali ang trabaho nya.
Hindi ako bumoto nung nakaraan eleksyon dahil sabi ko masasayang lang dahil wala din naman pagbabago pero ngayon nakakaramdam ako ng maayos pamamalakad.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!