Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Politics => : icarus15 July 24, 2011, 09:21:43 PM

: SONA 2011 Full Text
: icarus15 July 24, 2011, 09:21:43 PM
Read it here:

http://www.gov.ph/2011/07/25/benigno-s-aquino-iii-second-state-of-the-nation-address-july-25-2011/ (http://www.gov.ph/2011/07/25/benigno-s-aquino-iii-second-state-of-the-nation-address-july-25-2011/)
: Re: SONA 2011 Full Text
: wayneronaldo July 24, 2011, 09:28:36 PM
nakailang standing ovation kaya si Pnoy?
: Re: SONA 2011 Full Text
: icarus15 July 24, 2011, 09:31:56 PM
nakailang standing ovation kaya si Pnoy?

Mamaya siguro ibabalita kung ilan, favorite ko yung line na:
‎"Malinaw ang pahiwatig natin ngayon sa buong mundo: Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na ring tumapak sa Recto Avenue."

saka yung:
‎"Kung mang-aagrabyado ka lang ng mahirap, huwag ka nang magtangka. Kung sarili mo lang ang papayamanin mo, huwag ka nang magtangka. Kung hindi iyan para sa Pilipino, huwag ka nang magtangka."
: Re: SONA 2011 Full Text
: xeoxander01 July 24, 2011, 10:01:05 PM
may link ba ng replay mga sir?.

salamat!

 toast::
: Re: SONA 2011 Full Text
: abusado2 July 24, 2011, 10:44:17 PM
Tokis si PNoy namumulaklak ang mga salita... so far wala pa akong nakikitang Direction ng development puro palang pagtutugis kay GMA
: Re: SONA 2011 Full Text
: DjDaveTrance July 24, 2011, 10:57:13 PM
Dont even care to bother about his SO CALLED SONA,
 smoking:: smoking::

But still, its too early to say. Ill give him 1 more year.
: Re: SONA 2011 Full Text
: KaMushroom July 24, 2011, 10:59:27 PM
Dont even care to bother about his SO CALLED SONA,
 smoking:: smoking::

But still, its too early to say. Ill give him 1 more year.

after 9 years na bullshit na sona ni gma di ka manlang ba natutuwa na kahit konti e magaan na?
: Re: SONA 2011 Full Text
: DjDaveTrance July 24, 2011, 11:07:35 PM
after 9 years na bullshit na sona ni gma di ka manlang ba natutuwa na kahit konti e magaan na?

Sorry pero di ko feel Paps,
Not even here in Cebu.
 ::)
: Re: SONA 2011 Full Text
: agent 007 July 24, 2011, 11:28:52 PM

Sorry pero di ko feel Paps,
Not even here in Cebu.
 ::)

ang alam ko kasi karamihan sa cebu maka-GMA daw.
: Re: SONA 2011 Full Text
: abusado2 July 24, 2011, 11:36:45 PM
Di ko din feel dito sa Mindanao.. hindi ramdam... sabi ni valte makinig daw sa SONA para ano? mabrainwash? tsk
: Re: SONA 2011 Full Text
: DjDaveTrance July 24, 2011, 11:38:48 PM
ang alam ko kasi karamihan sa cebu maka-GMA daw.

Sila Paps, sila! hehe

GIBO ako eh!!  ;D ;D
: Re: SONA 2011 Full Text
: abusado2 July 24, 2011, 11:40:42 PM
Sila Paps, sila! hehe

GIBO ako eh!!  ;D ;D

 finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u finger4u
: Re: SONA 2011 Full Text
: whistlercode July 25, 2011, 12:04:05 AM
Sir Dave - Nice one! Pariha ta Cebu!
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 12:10:28 AM
Hindi nyo feel? Ako feel ko, kasi d na tayo nagkakaroon ng food crisis tulad ng high spike ng bigas? Sugar crisis ngayn sa ibang bansa, satin na feel nyo ba crisis tau sa sugar? Eh baka kelangan nyo bawasan masamang bisyo para mas feel nyo?
: Re: SONA 2011 Full Text
: wayneronaldo July 25, 2011, 12:11:34 AM
baka may link kayo jan ng summary? kailangan ko lang.  finger4u   ::moreinfo
: Re: SONA 2011 Full Text
: sikensangwits July 25, 2011, 01:13:59 AM
dami na nman reklamador, hehe, akala mo merong naitutulong sa bayan....ikumpara ninyo si Pnoy sa nakaraang administrasyon, at imulat ang inyong isip at matutong tumanggap. Mararamdaman ninyo sigurado. At sya nga pala, ano ba ang gusto ninyong maramdaman?
: Re: SONA 2011 Full Text
: stuxnet66 July 25, 2011, 02:02:44 AM
Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Chief Justice Renato Corona at ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kasapi ng diplomatic corps; mga miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga Local Government officials; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan;

Nakakatindig balahibo kapag sinabi to sa mga politician at dapat ito rin batayan ng taong bayan. Nag seserbisyo ba talaga tong mga to? May pag-asa pa kaya matupad tong sinasabi nila at mabago pananaw ng taong bayan?

: Re: SONA 2011 Full Text
: DjDaveTrance July 25, 2011, 02:06:23 AM
Hindi nyo feel? Ako feel ko, kasi d na tayo nagkakaroon ng food crisis tulad ng high spike ng bigas? Sugar crisis ngayn sa ibang bansa, satin na feel nyo ba crisis tau sa sugar? Eh baka kelangan nyo bawasan masamang bisyo para mas feel nyo?

Anong bisyo tinutukoy mo?

I DONT DRINK, (not even a zip)
I DONT SMOKE,
I DONT Go CLUBBING, BAR HOPPING.
Bahay at work lang ako....

Anong bisyo tinutukoy mo?

Bisyo ko? ESPIYA!!

 smoking::
: Re: SONA 2011 Full Text
: bakekong12345678 July 25, 2011, 02:33:02 AM
so far so good. rating ko kay pnoy, 80%. not perfect but slightly above the passing mark of 75%.

kaya kayo magbayad na kayo ng tamang buwis. sisimulan ko na ngayon. :-)

at yun ang tamang gawin, iwasan na natin ang puro reklamo kung wala naman nagagawa sa bayan :-p

salamat sa kopya ng SONA.  Btw, may "attachment" daw ito. di naman kasi completo ang nasabi niya. pahapyaw lang sa completong datos sabi niya. abangan na lang natin.

: Re: SONA 2011 Full Text
: exxit01 July 25, 2011, 03:23:18 AM
Mga Paps Wag natin kalimutan na hindi lang isang tao ang my hawak ng magandang kinabukasan ng ng ating bayan.
Kasali tayo bilang mga mamamayan na dapat makiisa sa malawakang pagbabago na ninanais ng bawat isa, kaya satin mismo ito dapat magsimula. Ang Ginagampanan lang ni PNoy ay maging tagapamahala at tagapakipag usap sa mga posibleng panggalingan ng suporta galing sa labas.

pasing-tabi lamang po sa mga Mahilig kumontra (mga raliyista at yung mga kung sino-sino pang reklamador ng lipunan)
may tanong ako sa inyo.

kaya nyo bang baguhin ng 1day-1year ang Pilipinas as a whole? kapag kayo ang nasa posisyon nila?

Demokratikong Bansa po tayo ngunit wag natin abusuhin ang pagiging demokratiko.

Alam kong alam nyo na lahat sobra ay masama.

Tayo mismo magsimula ng pagbabago. tumulong tayo sa mga nangangailangan.
Pero kung ang hangad mo lang ay magpasikat sa mga tao. tandaan mo kahit kailan hindi tayo uunlad dahil sa kasakiman.

Ang pagbabago ng mga bilihin sa mga pamilihan ay maaari nating masabi na resulta ng Domino effect na mula sa pagtaas ng Langis sa pandaigdigan pamilihan na dahil naman sa gulo sa mga bansang pinagmumulan ng langis..

ngaun magisip tayo dapat ba natin isisi ang ganitong sitwasyon sa ating mga tigapamahala?
wag di nating kalimutan na ang mga sarili nating produkto ay bibihira lang ang tumatangkilik, bakit hindi natin bawasan ang pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ang ating paunlarin ang ating mga produktong pilipino.

ang dahilan nito ay dahil mas mura ang produkto na galing sa ibang bansa kumpara sa sarili natin
isang halimbawa ukay ukay, hindi ba natin naisip na ang mga ito ay sobra(tira tira/ pinaglumaan) na nila na ating pang tinatangkilik?

Sana ay nakatulong ako sa mabuksan ang isip ng bawat pilipino, dahil hangad ko rin ang magandang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
: Re: SONA 2011 Full Text
: junex29 July 25, 2011, 03:35:01 AM
Wala pa ring malinaw na plano si pinoy. Ang lider di dapat hanggang termino niya lang ang kanyang mga pangarap dapat hanggang sa mga susunod na henerasyon pa. Tama ba na sabihin na walan ng padrino system. Kapag KKK ang mga tao mo sa gobyerno ikaw ang padrino nila sana man lang inisip niyang mabuti ang salitang ginamit niya.

Hay naku bakit ba ang layo ng takbo ng utak niya sa kamag anak niya. Paano tayo magtutulungan at magkakaisa kung ang yellow brigade niya lang ang kinikilala niyang mga tunay na boss niya.
Nasaan na ang hustisya kung hindi pwedeng patawan ng parusa ang mga KKK niya sa kanilang mga ginawang kapalpakan.

Wala akong bisyo, tama ang buwis na binabayaran ko dahil kaltas agad sa sweldo ko kaya may karapatan akong magreklamo kapag ang presidente na kapwa ko nagseserbisyo sa bayan ay tanghali na magtrabaho, inuubos ang oras sa video games, nag aalaga ng anak ng kapatid niya sa halip na ipasa ang tungkulin sa ina na maraming oras sa pag aartista, at maagang magpahinga sa trabaho samantalang kailagan naming mag overtime.

Nanawagan siya ng pagtutulungan at pagkakaisa pero kailangan maging kulay dilaw ka muna pag hindi kalaban ka, panawagan ba yan ng taong may matinong pag iisip o sadyang ipinanganak siyang talagang ganyan.

Huwag na nating ikumpara si pinoy sa nakaraan, pag ikaw na ang driver at nakabanga ka di mo naman pwedeng sabihin sa pulis na kasalan yun ng dating driver, Ikaw na ang me hawak ng manibela kaya ikaw ang dapat magpasya wag na isisi sa dati kapag timirik ka sa gitna ng kalsada.
: Re: SONA 2011 Full Text
: erap July 25, 2011, 04:02:24 AM
Hindi nyo feel? Ako feel ko, kasi d na tayo nagkakaroon ng food crisis tulad ng high spike ng bigas? Sugar crisis ngayn sa ibang bansa, satin na feel nyo ba crisis tau sa sugar? Eh baka kelangan nyo bawasan masamang bisyo para mas feel nyo?

dyna mites... sure ka? wag mo kalimutan magkakampi ang media at si pangulo mo..hehe..hanggat maaari, lahat ng makasasama kay noynoy pagtatakpan nila...  :applause :applause :applause
: Re: SONA 2011 Full Text
: bugtook July 25, 2011, 04:13:04 AM
Ang haba si noy-noy kaya sumulat nyan?

He's SONA reflects his personality... Can't compare to other president dahil hindi ko pinanood at binasa ang SONA ng mga nakaraang pangulo coz i know it's non sense at all and at last alam ko na tama ako na di ko pinanood at binasa ang mga SONA.
: Re: SONA 2011 Full Text
: arabellelopez July 25, 2011, 04:14:41 AM
Kaka sabi lng sa SONA wag negative thinker.... always think positive... kaya payan. I like the mind setting of djdavetrance... swabe lng...

Look at Japan they always believe in what they do..., they believe everything they produce... etc... sila sila pa lng kuntento na sila... kaya nagiging excellent bandang huli... lahat ng bagay nagsisimula sa maliit hanggang sa lumaki at gumanda....

Intindihin na lng natin tama ang Gobyerno natin.

D ako Pnoy pero mas ramdam mo SONA nya. nasa Puso naman sya magsalita... D ganun kadali mga iniwan ni Gloria.. si OBAMA sabi nya babaguhin nya America til now hirap parin sya.. America na yan...

d pa naman nanga ngalahati si PNOY. Give him a chance!
: Re: SONA 2011 Full Text
: 2fear! July 25, 2011, 04:42:49 AM
Ang haba si noy-noy kaya sumulat nyan?

He's SONA reflects his personality... Can't compare to other president dahil hindi ko pinanood at binasa ang SONA ng mga nakaraang pangulo coz i know it's non sense at all and at last alam ko na tama ako na di ko pinanood at binasa ang mga SONA.

si boy abunda daw ang sumulat...  ;D
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 05:58:07 AM
Oo sure ako, so far our economy is doing good, to think 1 yr palang sya. Kung d mo alam ang economy, pwede kang mag check sa dictionary and check our economy..  Yes president ko siya at ng buong pinas, kung di mo sya president pwede ka na pumunta sa arab or sa ubod ng utang na usa :) basta tiwala ako sa ating presidente, and isa pa, ang media d nya kakampi. Ikaw kakampi mo si gloria? Haha anyway, magkakaalaman naman after his term kung ano magiging itsura ng pinas. O nga pala sa mga d nakaka feel, siguro kelangan nyo magsumikap din.
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 06:04:26 AM
Sa mga d nakakaalam sa nangyayari sa economics natin, tignan nyo... Atleast itong admin d gumagastos ng 1b para sa kape, bumili ng battleship para umangat naman ang nuo natin sa dayuhan... Rice importation cut down para sa ating farmers. Kulungin mga magnanakaw. Eto gusto ko sa sinabi nya, tigilin na ang crab mentality ng mga pilipinos.
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 06:07:30 AM
Sa mga d nakakaalam sa nangyayari sa economy natin, tignan nyo... Atleast itong admin d gumagastos ng 1b para sa kape, bumili ng battleship para umangat naman ang nuo natin sa dayuhan... Rice importation cut down para sa ating farmers. Kulungin mga magnanakaw. Eto gusto ko sa sinabi nya, tigilin na ang crab mentality ng mga pilipinos. I dont think he have enough time para ilandad lahat ng plan niya, but lets just see... But so far hes doing pretty well.. Nag antay na din tayo ng 9 yrs na bulok na admin, eto 1 yr palang binabanatan na lol
: Re: SONA 2011 Full Text
: mangkepwing July 25, 2011, 07:12:25 AM
Sa mga d nakakaalam sa nangyayari sa economics natin, tignan nyo... Atleast itong admin d gumagastos ng 1b para sa kape, bumili ng battleship para umangat naman ang nuo natin sa dayuhan... Rice importation cut down para sa ating farmers. Kulungin mga magnanakaw. Eto gusto ko sa sinabi nya, tigilin na ang crab mentality ng mga pilipinos.

may tanong lang ako, alin sa dalawa ang gusto mo , ung sinsabi mo na bumili or gumastos ng 1B para sa kape ,or ung walang kayang gawin kahit bumili?

hindi ako pro-gma , lalo ng hindi ako anti-noy . pero hindi ko kasi tangap ung sinasabi niyo na 1 year pa lang ang nakakalipas , ang point ko kelan ba ako dapat magsabi na ? may nagawa na ? ang tanong eh , nagsimula na ba siya ? eh puro continuation lang ng nakaraang administration ang ginawa niya eh ,keso 9 years tayong ngantay , keso puro utang ang ginawa nung nakaraan , puro pagwawaldas , hindi ba pwdeng MOVE ON , Ginawa niya un , Baguhin natin dapat ganito gawin natin ngayon , isalang alang natin ang nagawa ng nakaraan at ibibigay ko ang nalalabi kong mga taon para sa pagtulong sa nangangalingan ,hindi ung nakaraan , napaka nonsense, hindi na matatapos ung cycle kung ganun .
: Re: SONA 2011 Full Text
: hoy July 25, 2011, 08:38:31 AM
ang hinihingi lang naman ng mga reklamador na tulad ko e direksyon kung san tayo patungo.

o yung mga pro jan at magsasabi kung may nagawa ba ako sa bayan?

YUP! i pay my taxes. i do my part so that this government has the funds para makatulong sa kapwa ko.
so far, okay naman. basta sana sa mga susunod pang araw meron nang direksyon kung san ba talaga patungo
ang administrasyon naten.

o baka matanong mo ulit kung anong direksyon ang hinihingi ko?

san ba magfofocus ang administrasyon? sana sa edukasyon.. para matapos na ang kahirapan.
kung may alam ka, may trabaho ka. gusto ko makita ang araw na kahit sa public school ka pa nag aral
dekalidad ang mapag aaralan. sa edukasyon, jan mag tutuloy tuloy ang kaunlaran.
pag may alam na mga pilipino, di malayong mangyare na maliwanagan ang susunod na henerasyon
at pumili ng mga tuwid na lider hindi yung mga sikat lang. at kung may alam ang mga pilipino sa henerasyong ito,
di malayong maipapasa at magiging competitive ang mga susunod pang henerasyon kung marami na tayong
edukado.
: Re: SONA 2011 Full Text
: drogba July 25, 2011, 01:16:17 PM

 :applause :applause :applause  very well said bro! di din ako pro-gma & i'm not anti-noy. but i have to agree... i pay my taxes too but i don't see any direction...

and tama na yung tag-line na kung walang corrupt walang mahirap! presidente na sya e. pero mga tao sa hacienda luisita naghihirap pa din.   ::pampam
: Re: SONA 2011 Full Text
: stingk79 July 25, 2011, 02:17:20 PM
meron daw kasabiham:

"Well done is better than well said."
: Re: SONA 2011 Full Text
: raberdaki July 25, 2011, 02:22:43 PM
di man lang niya nakita ang nagawa ni GMA sa economiya natin (im not pro GMA) pero sa tingin nyo kung si PNoy kaya ang naghandle noong recession saan kaya tayo pupulotin?

medyo OT lang....
: Re: SONA 2011 Full Text
: codered July 25, 2011, 02:53:46 PM
^ Good point, magaling na ekonomista si GMA ang problema yung pera ng bayan di napunta sa tamang paglalagyan, nakukurakot lang din. DI din ako maka Pnoy si Gordon binoto ko, pero wala na tayong magagawa siya na ang Presidente at dapat lang siguro suportahan natin sa maliliit na makakaya natin, subukan muna nating maging positibo baka may pag-asa pa. Mas makukuha ni Pnoy suporta ko kung mapapadali nya ang pagpapakulong sa Ampatuan at kay GMA at mga kasabwat nyang nagurakot sa bayan at tuluyang linisin ang gobyerno. Ang dami kasing pasaway na opisyal, simula brgy captain pataas sa Senador, mga heneral at kotong na pulis. Ewan ko ba, kung bawat isa lang isa kahit sa loob ng isang taon maging makatwiran, at kumilos ayon sa tamang prinsipyo, kaya naman siguro nating umangat. kaso ang daming reklamador pero sila din naman ang pabigat sa gobyerno.
: Re: SONA 2011 Full Text
: shithole22 July 25, 2011, 03:03:48 PM
im not surprise na marami pa rin ang NAGREREKLAMO.. typical of us filipinos

sabi nga nila you cant please everyone..
sabi ng iba sana sa education nalang siya mag focus..
para taasan ang budget para sa education sigurado may babawasan na budget sa isang department..
tapos yun na naman ang magrereklamo.. and it goes on and on..walang katapusang REKLAMO..
ganon na tlaga siguro..

if you ask me? im satisfied with what he said.. direct to the point..
the seeds had been planted. we'll just wait for it to grow..  if it does grow..
: Re: SONA 2011 Full Text
: kluverbucy July 25, 2011, 03:42:20 PM
MADAMI PA TALAGANG UTAK TALANGKA NA PILIPINO KAYA WALANG PAG UNLAD KUNG KELAN UNTI UNTING TUMITINO ANG GOBYERNO AYAW PA DIN NILA.. IMAGINE NA LANG SA MGA NAGRARALLY MAGKANO YUNG MGA EFIGGY NA SINUSUNOG LANG??? PUTIK! KABOBOHAN.. ITIGIL NA ANG UTAK TALANGKA!!!
: Re: SONA 2011 Full Text
: arabellelopez July 25, 2011, 05:03:19 PM
MADAMI PA TALAGANG UTAK TALANGKA NA PILIPINO KAYA WALANG PAG UNLAD KUNG KELAN UNTI UNTING TUMITINO ANG GOBYERNO AYAW PA DIN NILA.. IMAGINE NA LANG SA MGA NAGRARALLY MAGKANO YUNG MGA EFIGGY NA SINUSUNOG LANG??? PUTIK! KABOBOHAN.. ITIGIL NA ANG UTAK TALANGKA!!!

YES MY BROTHER
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 05:23:34 PM
Halata talaga madami sa atin ang wala ka alam alam sa econmy... Tsk tsk... Unang una wag nyo sabihing walang direction, dahil yung na save ni pnoy na 23 bilyons lang naman na interest rate para sa bansa natin eh isang malaking bagay na yun... Mantakin nyo, si gma, padagdag ang utang ng bansa, si pnoy pabawas, ok eto isa pang ponto, kung walang pera ang bansa anong direction ang aasahan mo? Wala ngang pera eh ano pwede mong magawa? Kaya tama yun unahin ang pag tipid at pigilan ang cooruption... O eto pa isa pang direction para sa mga reklamodor at di alam yung direction, yung tax sa kurente na dinadagdag ng binoto nyong major gustong tanggalin ni presidente, ng mabawasan naman yang kurente na binabayad ng nanay nyo sakaka espiya natin. Yung pag bawas ng importation ng pinas sa sobra kalahati kumpara kay gma, sa tingin nyo d malaking bagay yun? Diba direction yang mga sinabi ko? Ano gusto nyo mag trabaho si presidente sa bahay nyo para may direction buhay nyo? Hahaha ibigay mo kamay gusto braso...
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 05:34:25 PM
Bilang presidente d pwedeng mag focus sa isa lang, pang kalahatan dapat.. Above all, pera ang kelangan ng bansa. Wala pera wala tayong mapupuntahan, good management ika nga sa negosyo, pano ka makapag papalaki ng negosyo kung wala kang makinarya, pano mo magagawa yun kung wala kang pera? Smpleng simple d maintindihan, yung mga ibang politikong nag eepal keso walang direction daw sinabi ni pnoy, eh natatawa nalang ako, halata naman crab mental nanaman.. Basta sa loob ng isang taon, with that kind of achievements sa nagawa ni pnoy, very good na.kumpara mo sa kahit sinong nakaraang presidente na puro padagdag utang lang ng pinas. Erap, kung napasiyal ka sa banko paki tingin nalang ang dollar rate kontra piso ha? Ng makita mo naglalaro nalang ang piso dollar sa 42-45, compared kay gma na umabot 58.
: Re: SONA 2011 Full Text
: Dynamite July 25, 2011, 05:37:34 PM
may tanong lang ako, alin sa dalawa ang gusto mo , ung sinsabi mo na bumili or gumastos ng 1B para sa kape ,or ung walang kayang gawin kahit bumili?

hindi ako pro-gma , lalo ng hindi ako anti-noy . pero hindi ko kasi tangap ung sinasabi niyo na 1 year pa lang ang nakakalipas , ang point ko kelan ba ako dapat magsabi na ? may nagawa na ? ang tanong eh , nagsimula na ba siya ? eh puro continuation lang ng nakaraang administration ang ginawa niya eh ,keso 9 years tayong ngantay , keso puro utang ang ginawa nung nakaraan , puro pagwawaldas , hindi ba pwdeng MOVE ON , Ginawa niya un , Baguhin natin dapat ganito gawin natin ngayon , isalang alang natin ang nagawa ng nakaraan at ibibigay ko ang nalalabi kong mga taon para sa pagtulong sa nangangalingan ,hindi ung nakaraan , napaka nonsense, hindi na matatapos ung cycle kung ganun .

Ikaw ano gsto mo yung gumagastos ng bilyon bilyon na walang tayong nakikita o yung tumitipid ng bilyon bilyon para sa bansa natin at ang target lang naman niya is mag export tayo ng rice tulad ng vietnam thailnd na matagal na tayong iniwan? A or b? Pumili ka.
: Re: SONA 2011 Full Text
: Kcatral July 25, 2011, 08:02:05 PM
I dont have any confidence with his administration because during his speech he never mention any plans for educational improvement and scholarships programs but what he did is that he cut down 50% percent of the budget in education, in which his priority is more on the previous administration where in he wanted that all the corrupt practice they did must be put to justice.
: Re: SONA 2011 Full Text
: namster July 25, 2011, 10:21:32 PM
S - Statement
O - On
N - Noynoy's
A - Abnormalities

yan ba ang meaning ng SONA? Just askin lang po...
: Re: SONA 2011 Full Text
: popeye1981 July 26, 2011, 02:58:05 AM
Halata talaga madami sa atin ang wala ka alam alam sa econmy... Tsk tsk... Unang una wag nyo sabihing walang direction, dahil yung na save ni pnoy na 23 bilyons lang naman na interest rate para sa bansa natin eh isang malaking bagay na yun... Mantakin nyo, si gma, padagdag ang utang ng bansa, si pnoy pabawas, ok eto isa pang ponto, kung walang pera ang bansa anong direction ang aasahan mo? Wala ngang pera eh ano pwede mong magawa? Kaya tama yun unahin ang pag tipid at pigilan ang cooruption... O eto pa isa pang direction para sa mga reklamodor at di alam yung direction, yung tax sa kurente na dinadagdag ng binoto nyong major gustong tanggalin ni presidente, ng mabawasan naman yang kurente na binabayad ng nanay nyo sakaka espiya natin. Yung pag bawas ng importation ng pinas sa sobra kalahati kumpara kay gma, sa tingin nyo d malaking bagay yun? Diba direction yang mga sinabi ko? Ano gusto nyo mag trabaho si presidente sa bahay nyo para may direction buhay nyo? Hahaha ibigay mo kamay gusto braso...

Great Job Dynamite!!! You hit it right...Ano pa nga bang direction ang hinanahanap nila?
: Re: SONA 2011 Full Text
: john July 26, 2011, 03:59:42 AM
Ano naman ang masasabi ni Pnoy sa patuloy na pagtaas ng gas? Isisisi na naman kay gloria sigurado. Lahat ng mga bagay napalpak siya, isisisi kay Gloria. After six years in office impossible naman na wala nang mahirap na Pilipino, sasabihin lang niya, kasalanan ni Gloria. Take note "Kung walang corrupt walang mahirap". Sa tingin niyo, sa 2016, wala nang mahirap? weh?
: Re: SONA 2011 Full Text
: Bosleyawa July 26, 2011, 04:07:50 AM
Comment lng sa sinabing bumaba ung inimport nating rice, kasi madami pang nakasupply na rice na inimport dati kaya kunti na lng ung inimport, hindi dahil tumaas ung production.
: Re: SONA 2011 Full Text
: popeye1981 July 26, 2011, 04:16:05 AM
Comment lng sa sinabing bumaba ung inimport nating rice, kasi madami pang nakasupply na rice na inimport dati kaya kunti na lng ung inimport, hindi dahil tumaas ung production.

Eto ho yata yung sobrang dami ng inemport eh nabubulok lang sa imbakan.
: Re: SONA 2011 Full Text
: arabellelopez July 26, 2011, 06:12:20 AM
Ano naman ang masasabi ni Pnoy sa patuloy na pagtaas ng gas? Isisisi na naman kay gloria sigurado. Lahat ng mga bagay napalpak siya, isisisi kay Gloria. After six years in office impossible naman na wala nang mahirap na Pilipino, sasabihin lang niya, kasalanan ni Gloria. Take note "Kung walang corrupt walang mahirap". Sa tingin niyo, sa 2016, wala nang mahirap? weh?

bro lahat me crisis sa gas mga kamag anak ko sa canada mataas din presyo gas doon....

tingnan natin sa pangkalahatan,,,, we need to appreciate our leader and our country, utay utay lng mga bro..
D mo pwedeng i take for granted si Gloria... marami napahirapan yan.. mga collateral damage! Maguindanao na yan sya dahilan nyan... dayaan na nakamatayan na ni FPJ, bayaran na Ombudsman, papalampasin  ba natin yan?

Gusto nyo ba martial law na lng? dapat nga siguro? kakapanood ko lng reporters notebook, naka high light yung me walong anak na wala day nagyayari pa sa buhay nya after a year? Lanyang report yan! Magsumikap sa buhay talagang pag wala ka ginawang pagbabago sa buhay mo ganun parin buhay mo...

If you do what you've always done... you will be what you've always been....
: Re: SONA 2011 Full Text
: subicboy July 26, 2011, 06:49:45 AM
tingin ko naman, tama lang na sinasambulat nya lahat ng katiwalian ng nkaraang administrasyon kahit bishop, ombudsman, ex-president etc. pa ang masagasaan, dahil:
1. para malaman ng lahat ng pinoy(lalo n ng mga pulitiko at taong gobyerno) na bistado na at hndi na uubra ang ganoong gawain
2. para magtanda na ang mga pilipino at wag na paupuin sa khit na anong pwesto sa gobyerno ang mga pulitikong magnanakaw at abusado!

nga pala hindi ako maka-abnoy, si gordon ang binoto ko, pero sa nakikita kong ginagawa nya ngaun, natutuwa ako...   :applause
: Re: SONA 2011 Full Text
: kluverbucy July 26, 2011, 01:39:34 PM
HINDI NA DAPAT LAHAT SABIHIN NI PNOY.. KULANG KAMO? BAKA KASI SABIHING NAGMAMAGALING SIYA MASYADO KUNG LAHAT SASABIHIN NYA SA MGA IMPROVEMENTS..HINDI LAHAT DAPAT I BROADCAST.. PERO NAPANOOD KO MGA ECONOMIST NA NAGDIDISCUSS.. AMINADO SILA NA MAY IMPROVEMENTS HALOS LAHAT PERO MABAGAL PA.. PA ARANGKADA PA LANG.. MALAMANG UNANG TAON PA LANG EH..

ITIGIL NA KASI UTAK TALANGKA.. MAGING OPEN MINDED.. HINDI AKO MAGTATAKA KUNG MAGING PARLIAMENTARY NA ANG PINAS..
: Re: SONA 2011 Full Text
: kluverbucy July 26, 2011, 01:46:37 PM
Sa mga hindi nakaka alam ng S-O-N-A na medyo may kakitiran..

S - S T A T E
O - O F T H E
N - N A T I O N
A - A D D R E S S

State Of the Nation Address

Na achieve ng government.. Mission Vission.. ok naba?
: Re: SONA 2011 Full Text
: shithole22 July 26, 2011, 07:57:38 PM
Ano naman ang masasabi ni Pnoy sa patuloy na pagtaas ng gas? Isisisi na naman kay gloria sigurado. Lahat ng mga bagay napalpak siya, isisisi kay Gloria. After six years in office impossible naman na wala nang mahirap na Pilipino, sasabihin lang niya, kasalanan ni Gloria. Take note "Kung walang corrupt walang mahirap". Sa tingin niyo, sa 2016, wala nang mahirap? weh?

pati pag taas ng gas sinisisi ka PNoy.. tsk tsk..

pre, hindi lang sa pilipinas ang mataas ang presyo ng gasolina.. sa ibang bansa rin.. kung tumaas ang presyo ng gasolina sa middle east ano naman ang magagawa ng kahit sinong presidente?? tatangalan ng tax??? eh di mababawasan din ang budget ng pilipinas.. mababawasan ang dapat sana pandagdag gastos pra sa education, healthcare, infrastrcture.. etc..

wag lahat isisi sa presidente.. marami jan nagsasabi wala na daw silang makain.. tapos mag aanak pa ng sampo.. Leche..
tapos sisihin na naman ang gobyerno!! anak ng pating..

wala naman pong perpektong lider. lahat naman po siguro ng bansa kahit papano eh may problema din..
pasalamat nalang po tayo hindi tayo niloloko at ninanakawan ng harap harapan ng presidente natin..
: Re: SONA 2011 Full Text
: Pall-Eren-Mnr July 27, 2011, 01:39:06 AM
sa susunod na SONA na ako magcocomment  smoking::
: Re: SONA 2011 Full Text
: 2fear! July 29, 2011, 05:49:13 AM
walang binanggit about edukasyon, agrikultura at sa mindanao...
: Re: SONA 2011 Full Text
: pangkoy10 July 29, 2011, 08:57:25 AM
Alam naman natin na kasama sa agenda ng pnoy ang bigyan tayo ng katarungan sa ginawa ni GMA. Hindi ka ba natutuwa na hinahabol nya ang mga pulitiko na nagnakaw sa kaban ng bayan sa binayad mung buwis kada sweldo mo? Hindi ka ba natutuwa na meron leader na hindi nya pinapalagpas ang nag agrabyado sayo sa loob ng 9 years? Hindi natin siya masisisi kung bakit nya hinahalukay lahat ng baho ng nakaraan dahil pinaparating nya sa taong bayan na ang niluklok natin sa EDSA 2 ay pinagnakawan tayo! Gusto nya makulong silang lahat! Gusto nya linisin ang Gobyerno natin! Hindi ka pa ba natutuwa?
Kung hindi makukulong ang lahat ng ito at sila na naman ang naghari saan na naman tayo lahat pupulutin?
Direction nya ay makita ang pilipinas na wala na yung mga pulitikong may wang wang sa ulo at sa buong pagkatao. Dahil kung hindi mawala kahit mabawasan man lang sila malaking tulong na ito para sa atin dahil tayo ang ninanakawan.

Tumaas ang GAS wala tayong magagawa dyan dahil nagkakagulo sa middle east. Hindi kontrolado ng presidente yan. Hindi ka ba natuwa at nagpalabas ang gobyerno ng mga discount ba un o pera para sa mga driver na alam naman natin na kahit hindi ganun kalaki nakatulong din naman sa kanila?

Hindi ka ba natutuwa na kahit alam naman natin na wala taung laban sa China pero matindi ang paninindigan nya na ANG SA ATIN AY SA ATIN! Meron leader na handa ipaglaban ang karapatan at lupain mo na hindi natatakot!

Hindi ka ba panatag ngayon na alam mo na meron leader na nililinis ang mga korakot sa gobyerno para ung buwis na binabayad mo may patutunguhan?

Oo wala siyang sinabi kung ano ang mga plano nya about education, infrastructure etc... Kung ano direction natin sa susunod na taon. Para sa akin kung meron siya sasabihin na ganun ang dating ay pangako na naman na syempre ayaw natin lahat mapako.

Panatag ako at satisfied ako sa ginawa nya sa loob ng isang taon. Alam naman natin na hindi madali ang trabaho nya.
Hindi ako bumoto nung nakaraan eleksyon dahil sabi ko masasayang lang dahil wala din naman pagbabago pero ngayon nakakaramdam ako ng maayos pamamalakad.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipino!  :applause
: Re: SONA 2011 Full Text
: 2fear! August 06, 2011, 05:04:20 AM
the real state of the nation... nakita ko lang...

http://www.youtube.com/watch?v​=Q_uTFfvxLrw&feature=player_em​bedded