Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?  (Read 10169 times)

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #25 on: March 02, 2010, 08:47:22 pm »
baka sabay sabay lalabas, lahat panganay ni willi ulit hehehe jk  :applause

waldoh

  • i love Jeon ji Hyun
  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 206
  • Karma 0
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #26 on: March 03, 2010, 02:42:35 am »

kahit saan naman nangyayari yung ganyan...

reasons are yet to be official, kaya puro "tsismis", "hoax", at "premature guessing" pa lang ang naririnig natin...

I love Milagring... (damn! I'll miss her!)

pero Sexbomb girls got replaced by EB Babes (till sexbomb girls returns to eatbulaga but shares the limelight with the latter)

nasaan na yung 26k? yung sila baby bunot (MTB)? si Sugar (Eat Bulaga) si Gracia (Eat Bulaga)? at yung iba pang napakaraming magaganda at (mahuhusay) na dancer na minsa'y sumikat?

kaya again, think twice kung kasalanan ng management o talagang kasama na sa showbiz industry yung ganitong sitwasyon... :)

Yubi Akira

  • Paparazzi
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6055
  • Karma 115
  • Gender: Male
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #27 on: March 03, 2010, 04:23:30 am »

26K gone for now kse tapos na season nang game show pero some of the former members kung saan saan nag gu guest, meron nag singing bee(wala na rin singing bee kse candidate for gov si cesar montano), meron member na ngayon nang BABA BOOM girls nang Eat Bulaga. si sugar ang nawalan na nang career. si gracia matagakl nang nasa US. tv dancers come & go. ganun ang mundo nang showbiz, skiat ka ngayon bukas ur gone. we will see baka naman nagpapalamig lang yung 3 at later babalik din sa ASF.

nokiamicth

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 443
  • Karma 62
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #28 on: March 03, 2010, 06:47:31 am »
lipat na sa EB Babes para dumami maganda sa kabila  smoking::
XFX 780i TRi- Sli Motherboard
Core 2 Duo E8200 2.26GHz with Coolmaster V8
3 XFX 9800GT 512MB DDR3
OCZ SLI-Ready Edition 4GB (2 x 2GB) DDR2 800
Corsair HX1000watts
Samsung 3353LW 22" LCD
CoolerMaster HAF 922

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 280
  • Karma 3
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #29 on: March 03, 2010, 07:33:05 am »
napapansin ko lang sa wowowee yung mga bata na magaganda sa asf bigla na lang nawawala natitira mga latak tapos bigla na lang lulutang sa eat bulaga tulad ni zaida ng eb babes tsaka yung steph dati sa wowowee ko lagi inaabangan yun , may nawala na naman na maganda sa asf na bata yung jhen yung lagi sumasayaw ng sa rexona malamang  sa eb babes bagsak nito ulet tulad ng iba.

miyabi2

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma 49
  • Gender: Male
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #30 on: March 03, 2010, 11:08:09 am »
Quote from:  link=topic=112814.msg873402#msg873402 date=1267619585
napapansin ko lang sa wowowee yung mga bata na magaganda sa asf bigla na lang nawawala natitira mga latak tapos bigla na lang lulutang sa eat bulaga tulad ni zaida ng eb babes tsaka yung steph dati sa wowowee ko lagi inaabangan yun , may nawala na naman na maganda sa asf na bata yung jhen yung lagi sumasayaw ng sa rexona malamang  sa eb babes bagsak nito ulet tulad ng iba.

di mo ba alam , galit si anna feliciano sa magaganda  laffman:: .. kung hindi lang tropa ni willie yung boyfriend ni aiko malamang matagal na rin wala yan

Smitty Werben Man Jensen

  • Once I met this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy...
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1443
  • Karma 56
  • Gender: Male
  • who knew this guy's cousin!
  • Special Skills: Necromancy
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #31 on: March 03, 2010, 11:35:22 am »
parang come and go lang yang mga dancers ng noontime show ng abs diba? binabawasan na nila yung exposure pag medyo matanda na at ipapalit yung mga bago para fresh naman. Kesa naman yung gurang na, yun pa rin pinapakita lol. Kung mapapasin niyo rin nageevolve din ata yung show kasi dati walang kwenta yung talent ng mga contestant sa willie of fortun. Ngayon may talent na talaga. Parang yung mga bagsak sa pinas got talent audition sasaluhin sa wowowee hehe

Yubi Akira

  • Paparazzi
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6055
  • Karma 115
  • Gender: Male
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #32 on: March 03, 2010, 10:59:08 pm »
any updates sa 3 umalis nang Wowowee?

miyabi2

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma 49
  • Gender: Male
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #33 on: March 04, 2010, 01:32:05 am »
Manager ng Wowowee girls mananagot sa ABS

Bandera First Posted 07:30:00 03/03/2010 Filed Under:

Manager ng Wowowee girls mananagot sa ABS

MALINAW ang kuwentong nakarating sa amin tungkol kina Luningning, Milagring at Mariposa, ang tatlong dancers ng ASF, na nagdesisyon nang umalis sa Wowowee.

Walang sumulot sa kanila, wala rin silang planong irekomenda ang kanilang mga sarili sa ibang grupo, sa ngayon ay bakanteng-bakante ang tatlo.

Nasa kani-kaniyang bahay lang sila ngayon, nagmumuni-muni, dahil hindi naman ganu’n kasimple ang pinagkasunduan nilang gawin. Napakasakit sa kanila ang naturang hakbang, napamahal na sa kanila ang noontime show at ‘yun ang nagbigay sa kanila ng pangalan at popularidad na tinatamasa nila ngayon, kaya siguradong sa pakikipaglaban nila ng prinsipyo ay may kakambal na matinding kalungkutan ‘yun.

Hindi biro ang pagtalikod sa isang programang itinuring na nilang pangalawang tahanan, umaga pa lang ay nandu’n na silang lahat para sa kanilang rehearsal, hapon na sila naghihiwa-hiwalay pagkatapos ng Wowowee. Matindi ang bonding ng grupo, para na silang magkakapatid kung magturingan sa loob nang mahabang panahon, kaya parang nakikinita na namin kung gaano kalungkot ngayon sina Luningning, Mariposa at Milagring.

Pero hindi lang naman sila ang nakakaramdam ng lungkot, maging ang kanilang mga kasamahang dancers ay nabigla at nalungkot din sa biglaan nilang pag-alis, propesyonal lang talaga ang mga ito kaya hindi ‘yun mahahalata kapag sumasalang na sila sa Wowowee.

Kuryente ang kuwentong kumalat na lilipat daw sa kabilang noontime show ang tatlo, kahit sa panaginip lang ay hindi ‘yun pumasok sa kanilang isip, talagang kailangan lang nilang panindigan ang kanilang ipinaglalaban, ang hindi maayos na pamamahala ni Anna Feliciano sa kanilang lahat.

Hindi lang naman ang kanilang sarili ang ipinaglaban ng tatlo, mabibiyayaan din sa kanilang ginawa ang iba pang ASF Dancers na naiwan sa programa, sila pa nga kung tutuusin ang nagsakripisyo ng kanilang karera para sa ikabubuti ng buong grupo. Sa ngayon ay sumasailalim ang kanilang manager sa isang proseso ng tanungan, natural lang na bigyan ng panahon ng mga ehekutibo ng network ang nangyari, dahil malaking kasiraan ‘yun sa kanila.

Nakausap na namin si Willie Revillame tungkol sa senaryo, malungkot ang TV host nang makausap namin, napalapit na kasi sa kanya ang tatlong dancers na ngayo’y hindi na bahagi ng kanyang programa.

“Wala pa akong masasabi sa ngayon, kailangan ko pa munang makausap ang magkabilang panig. Sa ngayon, nalulungkot siyempre ako sa pagkawala ng tatlo, nakasanayan ko na kasi silang makita sa araw-araw, kaya nakakapanibago na wala na sila ngayon.

“Kailangan kong intindihin ang ginawa nila, hindi naman sila aalis kung hindi talaga mabigat ang dahilan. Nakakalungkot lang, dahil kahit sa ibang bansa, kasa-kasama ko sila, naninibago ako,” malungkot na pahayag ng aktor-TV host.

Sa pagkakaalam namin ay tututukang mabuti ng produksiyon ang ginawang desisyon nina Luningning, Mariposa at Milagring, nabigla ang staff sa aksiyon ng tatlo, kailangan nilang kausapin nang masinsinan ngayon si Anna Feliciano para malinawan ang problema. Sa pagkakaalam din namin ay kay Anna ibinibigay ng Wowowee ang suweldo ng lahat ng dancers, sa kanilang manager nakapangalan ang tseke, kaya si Anna talaga ang dapat managot sa mga nagaganap na alingasngas sa grupo.

Kapag napatunayan kaya ng network na nagkamali si Anna Feliciano ay magkaroon ng hakbang para tanggalin na siya sa noontime show?

Kung matatandaan ay ilang staff na ng programa ang natanggal noon nang dahil sa ganyan ding problema, kaya hindi malayong palitan na rin ang choreographer ng Wowowee, kapag napatunayang nagkasala nga si Anna Feliciano.

plattputti

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1331
  • Karma 1
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #34 on: March 04, 2010, 09:29:33 pm »
I seriously doubt na nalulungkot talaga si Willie sa pagkawala nung tatlo. I mean, I'm sure he won't be happy with their decision pero with the way he's favoring the new ones, buti kung ma-miss nya ni katiting yung tatlo na yun. I just hope na isang araw eh lilitaw na lang sila sa TV5. After all, that network is in an aggressive recruitment program from among the talents of ABS-CBN and GMA-7. Kung yung mga cameraman nga ng ABS eh nabigyan ng atensyon ng TV5, sila pa kaya? I'm sure di palalagpasin ng TV5 ang opportunity to showcase those three in one of their shows airing now or in the pipeline. Sa GMA-7, ewan ko lang pero parang malabo for me na makita sila dun.
Spy and spy until you die!!!

Yubi Akira

  • Paparazzi
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6055
  • Karma 115
  • Gender: Male
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #35 on: March 04, 2010, 09:52:44 pm »

  mukhang ang dahilan nang pagre resign nang 3 sa ASF & Wowowee na sinasabing nirereklamo ang management ni Ana Feliciano at may kaugnyan sa pera ang puno't dulo nang desisyon nila iwanan ang nontime show. Kung ganun ang binibigay na rason eh di sana nde lang ang 3 pioneers at star dancers nang ASF ang nag resigned. ibig bang sabihin nde na kinayang sikmurain nang 3 ang pamaamhala ni Ana pero ang ibang  dancers pikit mata lang? ibig din ba sabihin walang alam ang  Wowowee or si Willy sa pamamalakad ni Ana?

   Kapansin pansin ang timing nang pag alis nang 3 kse nang nde na sila ang front dancers sa show at konti na lang exposure nila sa Wowowee doon pa lang sila  umalis sa show. sa ganang akin nde pera or management problem ang dahilan nila, kung d ang pagbale  wala sa kanila bilang star dancers nang ASF. napalutan na sila nang 3 amazona girls (hep hep horay) na sila Aiko, Lovely & April.

   Dati nang ginawa nang Sexbomb dancers sa bulaga ang pag absent nang isang show at nag tuloy tuloy na. pero nasan na ang SB? d ba balik Bulaga. sooner or later makikita na lang natin balik Wowowee ang tatlo. maliban na lang kung kaya nilang sikmurain lumipat sa EB. abangan ;D

jongordz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 3565
  • Karma 71
Re: Bakit sila Luningning, Mariposa and Milagring nag resign sa Wowowee?
« Reply #36 on: March 06, 2010, 07:09:19 am »
dahil yata sa pera! medyo di na kasi sila expose ngayon eh.
kinuha na daw sila sa tv5.