pasensya na pero ito ang aking panig... kung totoong mahal nyo ang bayan nyo at talagang nasa puso nyo ang pagiging pilipino, bakit natin iiwanan ang bayan na ating nakagisnan.. ang bayan na ipinaglaban ng ating mga ninuno upang maging bansang malaya, ang bayan na binuwisan ng buhay ng ating mga bayani upang magkaroon tayo ng sariling bansa na maipagmamalaki sa ibang lahi... wala sa pagtatayo ng panibagong bansa ang solusyon, kung bakit tayo nandito sa pilipinas ay dahil sinadya ng diyos na tayo ay mapunta dito.. we live here because we have a purpose... kaya lalo tayo nagkakawatak watak ay dahil mas gusto natin magsarili at iwanan ang ating mga kapwa pilipino, oo, panget na kung panget ang pilipinas, malas lang natin dahil sa panahong ito tayo nabuhay.. ngunit may pag asa pa, at ang pag asa ay nasa bawat isa sa atin.. ang ibang mga bansa nga ay gustong makipag sosyo at bumuo ng mas malaking bansa tapos tayo ay naman mga pilipino ay nag iisip na maghiwahiwalay, sa tingin nyo ba ay makakakuha tayo ng respeto sa ibang lahi kung bubuo tayo ng kahiwalay na bansa, lalo lamang tayo pagtatawanan ng malalaking bansa dahil alam nila na lalo tayo hihina at di na makikipagsabayan sa kanilang ekonomiya.. bakit ba ang UNITED states, UNITED kingdom, UNITED arab emirates ay mauunlad na bansa? oo marami silang resources, tayo din naman marami ding resources, pero iyon ay dahil "UNITED" sila... mas pinili nila magsama sama kesa magwatak watak.. yun lamang po, mabuhay ang mga pilipino na nagmamahal sa pilipinas at naniniwalang ito ay ang lupang pangako...... sana, wala nang ilokano, wala nang tagalog, wala nang bisaya, wala nang moro, kundi tayo ay mga pilipino.. wag na tayong magpataasan ng ihi, wag na tayong magpayabangan, wag na tayo magnakawan, wag na tayo magdayaan, bagkus, tulungan natin iahon ang isa't isa... mabuhay ang pilipinas...