Nung time ni Marcos, active pa ang claim ng Pinas sa Sabah. In fact, sa mga mapa nun at pati sa school, tinuturo na kaparte ng Pinas ang Sabah. I don't agree with the current Sultan of Sulu's methods, but they do genuinely believe he is the rightful sovereign of Sabah.
If you go back to history, never naman tinanggap ng mga taga-Mindanao na nasakop sila ng mga Kastila or Amerikano. Hindi rin naman naging successful ung mga dayuhan. Nakipagkasundo lang sila sa mga taga-Mindanao na "walang pakialaman".
Pero since ang internationally recognized authority that time sa Pinas e mga Kastila, nung natalo sila ng mga Kano, binigay nila pati ung Mindanao, na hindi naman talaga under sa kanila. At nung binigay nila ung Mindanao, hindi kasama ung Sabah kasi at that time, pina-"rentahan" ng Sultan ng Sulu (at that time). And until now, nagbabayad pa rin ang Sabah sa Sultan ng Sulu.
I doubt na sabotage ang motibo. Sa palagay ko nga eto ang indirect result ng success ng peace process.
After napatalsik si Marcos, biglang bagsak ang ekonomiya natin. Dati, si Marcos at mga crony nya lang ang "anak ng Diyos". Pero nung napatalsik sya, kanya-kanyang agawan ng kapangyarihan. Marami problema sa Pinas nun at hindi na nasuportahan ng gobyerno ang claim sa Sabah. As you know, lumakas nang lumakas ang MNLF at later MILF. Naging magulo sa Mindanao.
Ngayong napayapa na ung dalawang grupo (which ironically e laging namamagitna dati ang Malaysia para mapag-usap ang gobyerno natin at ung mga MNLF/MILF leaders). I wouldn't be surprised kung ang "royal army" na nasa Sabah ngayon e dating mga rebelde. Ung mga grenade launcher, M16 at M14 na sinasabing dala-dala nila e standard mong makikita sa mga footage ng MNLF/MILF camps dati.