Mga sir, sino po ba ang QuickBooks with VPN expert dito? Kelangan ko po sana ng advise kasi gusto ko mag-connect ang office namin sa Makati at sa mga branch sa province. Para iisang QuickBooks Company file na lang ang gagamitin, meaning, directly connected ang mga provincial offices namin sa Makati office, para hindi na kami nag do-double entry ng transactions sa head office. Ito po ang questions ko:
1. At what internet speed ang kelangan ko para maging stable ang connection ko? I have tried using LogMeIn Hamachi, nakaka-connect ako, browsing the shared folders of the provincial office computers, pero pag nag open na ng file ng QuickBooks, humihinto na ang computer (non-responsive). Gusto ko po malaman kung meron na nakagawa nung connection na un dito para alam ko kung gano kalaki ang speed ng internet na kakailanganin ko, baka naman kasi kulangin ang 1mbps pang Server, at on the other hand, naka Smart-Bro(ken) ang nasa probinsya.
2. Maaari nyo po ba ako bigyan ng isang malupit na specification ng desktop computer, na mura lang, aroung 25k ang budget. Gagamitin kong P2P File Server.
Badly needed your response as soon as possible, kakailanganin ko po ito para sa Strategic Planning and Proposals namin under IT/MIS Department.
Maraming Salamat po.
NE0