mga bro ..meron kasi ako napanood sa bus action movie siya .. usa military vs iraq ata yun..
ganito kasi yung naabutan ko sa bus.. yung iraq group parang nasa bundok sila tapos pinapapatay nila yung mga kasamahan nila na lumalabag sa batas.. ayon na tapos yung usa military to the rescue .. lumusob sila dun sa bundok nagtago sila at nag spy muna..
tapos kinabukasan yung limang sundalo nag spy ulit malapit sa camp ng iraq tapos habang nagspy sila di nila napansin na may 3 iraq na papalapit sa kanila at magpapastol ng kambing.. isang bata , isang binata at matanda na taga iraq.. nahuli sila nung mga iraq tapos pinigilan ng usa military makatakas pero nung mga ilang minuto pinatakas din nila tapos umalis agad sila dun at lumipat ng spot napunta sila sa bundok na mabato..
tapos nung nasa ibang spot na sila..nag spy sila tapos yung isang usa military na sniper nakita niya na nakatingin sa kanya yung isang army na taga iraq tapos binaril niya . yun umpisa na yung barilan . sugatan sila ..
tapos bumababa nako ng bus lalagpas na kasi ako
ang tanong ko po mga bro .. ano kaya title nito ?? nabitin kasi ako gusto ko tapusin.. di ko na inistorbo yung kundoktor ..
sensya na po sakin
thanks