pwede naman sigurong pag-usapan yung topic, hindi yung tao na nagbigay ng opinion niya sa topic. ako rin medyo na-offend sa sinabi ni nurse_corrupted, at tingin ko walang kinalaman sa topic yun at hindi naman siguro kailangang banggitin. at para sabihin ko sa inyo, hindi ako nagta-trabaho sa call center. maganda yung topic ni kissmyA, let's just stick to it. don't get too personal or generalize people.
@topic
sinabi ni rizal yun dahil napansin niya yung mga pinoy na nasa taas ng lipunan, halos ikahiya yung sarili nilang wika, which is DAPAT tagalog. its just one side of "patronizing your own", nung time kasi ni rizal, wala pa naman talagang masasabi na sariling produkto ang mga pinoy, might as well start with our own language. sabi nga niya, halos banyaga na yung mga pinoy sa bansa nila kasi hindi nagtatagalog, nakakahiya nga naman yun.
at yung el fili at noli, hindi talaga para sa mga pinoy yun. para yun sa mga "nakakataas" sa lipunan. kaya nga siya nakasuhan di ba? kung para sa mga pinoy yun, sa tagalog niya yun isusulat. pero ano nga naman sense ng sentiments niya kung sa mga biktima (mga pinoy) niya rin ipapabasa.