alam mo brod hindi na nakakapagtaka yan, marami talaga diyan ang machong macho pero sa loob ay pusong babae.
nagkaroon na rin ako ng kaibigan na ganyan, naging halos mag bestfriend pa kami hanggang sa humanton na inamin niya sa akin na gay siya, sabi ko bakit ganun? bakit hindi siya halata? ang sabi niya may dalawang uri kasi ng gay, yung gay na discreet at gay na ladlad, yung discreet eh yun ngang tulad ng kaibigan mo, tahimik lang at silent type, siguro kasi natatakot sa panghuhusga ng mga tao, at yung ladlad naman ay yung talagang hindi nahihiyang ipakita na gay siya like magsusuot ng babae at mag aastang binabae talaga, eto yung mga tipong bakla na madalas nating asarin.
mas kailangan niya ngayon ng pang unawa mo brod, hindi madali yang pinagdadaanan niya. mas lalo niyang mapapatunayan kung talagang kaibigan mo siya. give him the support, ipakita mo na talagang magka barkada kayo at maaasahan ka niya sa lahat ng oras. hindi na niya siguro natiis na maging closet queen kaya sinabi niya sa yo, and the fact na umamin siya sa yo ay it means na malaki ang tiwala niya sa yo at talagang kaibigan ang tingin niya sa yo.
about sa girl? hayaan mo siyang i handle niya mag isa ang problema niya... naghahanap lang yan ng tiyempo.