May pinsan akong nagtatrabaho sa isang cruising line/ship (tama ba term ko?) na nagtatravel sa iba't ibang sulok ng mundo, pangalanan natin siyang si
Ate Anna. Matagal na syang nagtatrabaho dun, actually, naipasok nya ang
husband nya sa barkong pinagtatrabahuhan nya eh. Maraming beses na sabay silang nagbabakasyon ng husband nya dito sa Pinas. Pero may mga times na may nauunang umuwi sa kanilang dalawa o bumabalik sa barko. Pag ganun ang situation, ay naku, para bang nakawala sa hawla. pagnauunang bumalik ng barko ung husband nya, may ginagawang kababalaghan ang pinsan ko. Nag-uuwi sya ng lalake sa kanila, (ipapakilala pa sa amin na kaklase daw nya nung elementary yun, engot, magdadahilan na lang yung hindi pa kapani-paniwala). Ewan ko ba dun, di makuntento sa asawa nya. Yung nanay nya for sure alam yun, kasi kahit nung di pa sya nakakabili ng sariling bahay nila ay ginagawa nya na yun. Nakita ko pa nga dati yung isa sa mga lalake nya sa kwarto nya nung dumalaw kami eh, (open naman kami dun kasi halos dun na rin ako lumaki). Mas lalo ngayon at may sarili na silang bahay, eh kaso kasambahay nila ang isang tita namin para alagaan ang nag-iisang anak nila ng husband nya. Kaya ayun, nakakasagap pa rin kami ng balita.
At pag sya naman ang nauunang bumalik sa barko o nahuhuling magbakasyon sa kanilang dalawa, may lalake rin sya sa barko. ganun nga yata ang kalakaran doon eh. Natanong ko kay mommy bakit puro paasa lang ginawa sa isang pinsan kong lalake na maipasok sa barko tutal naman medyo may posisyon na rin naman si
Ate Anna, ang sabi nya syempre mas lalong mabubuko ang mga pinaggagawa nya doon pagmay kamag-anak namin ang magtatrabaho din doon.
Ewan ko lang kung alam na ng asawa nya tungkol dun.