Babala po sa mga OFW balikbayan at mga turista na pupunta dito sa pilipinas.
May sindikato po sa loob ng parking lot ng NAIA terminal 1 sa parking lot malapit sa Arrival. May mga nakaputing damit at pants na nagpapanggap na empleyado ng NAIA.
Ang modus nila ay abangan ang mga bagong dating sa may parking at biglang tutulungan ang bagong dating sa pagtutulak ng baggage cart.
Pagkatapos tumulong ay pipilitin ka niyang hingan ng pera. Hindi sila aalis gang wala kang inaabot na pera. Ang nakakadismaya pa dito ay kasabwat ang mga airport pulis bilang protektor nila.
Nasaksihan ko sakin harapan ng abutan ng pera non 1 lalaki ang pulis at pagkatapos bilangin ng pulis ang natanggap niya e bigla ng umalis. Mas talamak po ang ganitong gawain nila sa gabi.
Ipagbigay alam po sana natin sa mga kinauukulan para matigil na ang ganitong gawain. Kakahiya sa mga balikbayan at turista na gusto umuwi o pumunta dito sating bansa.
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=10153524122165596&set=a.10150578277705596.666627.372281020595&type=1two months ago, na experience ko mismo to, two guys bigla na lang binuhat yung maleta namin pataas sa trunk ng oto eh kaya ko naman gawin yun, binigyan ko na lang twenty pesos. pero sa totoo lang nakaktakot sila. bigla na lang sila sumsulpot. next time videohan ko to.