Espiya

Espiya Lobby => ESPIYA Cafe => Original Poetry => : coated_pill January 13, 2009, 04:51:25 AM

: Kathang Matalinghaga (Walang Katuturan, Walang Kabuluhan)
: coated_pill January 13, 2009, 04:51:25 AM


Ipininid ang pinto ng Dakilang Lumikha
Ang matalinghaga kong aba na pananalita
Gamit ang palapindutan isa isa kong tinipa
Pagal na isip pipilitin kong gagawa.

Matapos ang walong oras sa aking trabaho
Isa isahin ang mga pagbabago.
Nagsimula sa wala, ngayon ay napuno
Ang isang araw na hapit, akin nang itatago.

Mangyari ipikit ang namamalikmata,
Ng isang taong wala namang nakikikita.
Isasarang pilit ang tengang dapat makinig,
Sa mga taong pinangakuan ng iyong pag-ibig.

Bayaning tatayo ang magaling na aktor,
Mukhang makinis nagmistulang pasador.
Matalinong masa patuloy na naaapi,
Ng mga ganid na tao nitong ating lahi.

Gusto kong huminto sa aking pagkatha.
At ipahinga na lamang utak na lumuluha.
Subalit ang damdamin hinahatak pabalik,
Ang mga daliring humabi ng titik.

Tubig na pinakulo akin ng isasalin,
Sa gatas na ititimpla, pipilitin kong mahimbing.
Subalit sa pag-upo, muli na namang tinamasa,
Usok ng sigarilyong tatama sa aking mata.

Kailan ba matatapos, kailan pa magwawakas,
Ayoko ng makakita sa kalsadaý may nag aaklas.
Kapayaang hiling doon sa itaas.
Sana naman sa paggsising, may bago ng landas.

Ibang bansang takbuhan nating naghihikahos,
Maging kasaysayan na lamang sana sa aking pagtatapos.
Tapat na paglilingkod lamang ang tanging katapat,
Upang yaman ng Pilipinas ay maging sapat.

Akin ng isasara ang libro ng kahirapan,
Kahirapan na siya lamang katotohanan.
Nakalulungkot isipin ang ating sitwasyon,
Kathang Matalinghaga, sa aking henerasyon.
: Re: Kathang Matalinghaga (Walang Katuturan, Walang Kabuluhan)
: IWM January 13, 2009, 04:58:56 AM
pare, tayo na sa kalsada at mag aklas! haha

ang galing mo pre! damang dama ko ang iyong sentimyento..

finger for you
: Re: Kathang Matalinghaga (Walang Katuturan, Walang Kabuluhan)
: coated_pill January 13, 2009, 05:05:15 AM
pare, tayo na sa kalsada at mag aklas! haha

ang galing mo pre! damang dama ko ang iyong sentimyento..

finger for you
salamat sa finger..

: Re: Kathang Matalinghaga (Walang Katuturan, Walang Kabuluhan)
: deosh_pilyo January 13, 2009, 06:27:35 AM
hanggang may mga ganid na buwayang nakanganga at handang sagpangin ang walang labang masa...
... hanggang may dayuhang patuloy na gumagahasa sa kasarinlan ng mutya kong bayan
hanggang ang pananghoy at daing ng mga maralita ay mapinid sa sarili nilang mga tenga
... na bibingi at sasanib sa mga duming naipon pa noong nakaraan nilang paghihinagpis...
ngayo'y pilitin mang isigaw ang laman ng diwa o isulat ang titik sa mga talata... o lapatan ng himig at gawing musika..
... hindi kayang pawiin ng sigaw... ng titik... ng tula... ng awit... ang kalam ng sikmura ng katulad kong maralita...

at sa paghimlay ng pagal na katawan at diwa ko'y mananatiling kasiping ang "KATHANG MATALINHAGA"...
... baka doon sa panaginip... ang karimlan ng buhay ay mabigyan ng bukang-liwayway...
... baka doon... magsasama tayo KAIBIGAN... buuin natin ang "KATHA ng MATALINHAGA nating BAYAN"
... ang "PILIPINAS kong MAHAL"!

 toast::
: Re: Kathang Matalinghaga (Walang Katuturan, Walang Kabuluhan)
: coated_pill January 13, 2009, 08:00:33 AM
hanggang may mga ganid na buwayang nakanganga at handang sagpangin ang walang labang masa...
... hanggang may dayuhang patuloy na gumagahasa sa kasarinlan ng mutya kong bayan
hanggang ang pananghoy at daing ng mga maralita ay mapinid sa sarili nilang mga tenga
... na bibingi at sasanib sa mga duming naipon pa noong nakaraan nilang paghihinagpis...
ngayo'y pilitin mang isigaw ang laman ng diwa o isulat ang titik sa mga talata... o lapatan ng himig at gawing musika..
... hindi kayang pawiin ng sigaw... ng titik... ng tula... ng awit... ang kalam ng sikmura ng katulad kong maralita...

at sa paghimlay ng pagal na katawan at diwa ko'y mananatiling kasiping ang "KATHANG MATALINHAGA"...
... baka doon sa panaginip... ang karimlan ng buhay ay mabigyan ng bukang-liwayway...
... baka doon... magsasama tayo KAIBIGAN... buuin natin ang "KATHA ng MATALINHAGA nating BAYAN"
... ang "PILIPINAS kong MAHAL"!

 toast::
doon sa panaginip..
wag kang maidlip..
iisang pangarap ng lahat..
sana magkita tayo doon at magkatapat..

aking idolo..

finger para sayo KAIBIGAN