Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?  (Read 10199 times)

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« on: January 15, 2015, 01:30:47 am »
good day po! as the title says, ano po ang pwede kong gawin sa text message containing grave threat? mamaya kwento ko po kung ano pinagmulan at humantong sa ganito. pagpasensyahan nyo na po kung mapapahaba yung kwento, as much as possible gagawin ko pong detalyado para mas maunawaan. sana po mapag-ukulan nyo ng panahon na basahin ito ng buo.

anyway here goes the anonymous text message (na identified ko naman na personally kung sino kahit anonymous yung number sa akin)...

AUCN MO PANINILIP MO BRAD D KA PERPEKTO, DMO KILALA MGA TAONG NKPALIGID SAYO.. BK D MO ALAM KUNG BKIT NPATALSIK ANG MGA ANGKAN MO JAN SA KOOP..LAHI KA RING CORRUPT..BATA KA PA PARA UMAYOS SA KAYABANGAN MO BKA MPULAAN KA DIN.. ALALAHANIN MO BUMIBYAHE KPA NAMAN..PAG D KA MAGTIGIL SA MGA GNGWA MO MAAGANG MA BYUDA ANG ASAWA MONG 2ND HAND..GAGO PUTANG INA KA PAG D KP MAGTIGIL S PANINILIP MO MAY KALALAGYAN KA BRAD.
+63922-920-XX-XX
JAN. 4, 2015 18:50:02

KUNG MAY PROBLEMA KA BRAD KAUSAPIN MO UNG TAO HINDI UNG MAGPAPOGI KA, MAY ARAW KA RIN SAKIN HAYOP KA, KUPAL, MASYADO KANG NAGMMAGALING BOBO KA NAMAN, INGAT INGAT KA YABANG WAG KA LANG MATYEMPUHAN SA BYAHE DILA LANG WALANG LATAY SAYO..PUTANG INA MO LAHI KA RING CORRUPT MULA ANGKAN MO..MAGDASAL DASAL KA NA BRAD..
+63922-920-XX-XX
JAN. 12, 2015

ako po ay isang jeepney driver at kasalukyang board of director sa isang transport cooperative. aaminin ko po, naging madumi ang apelyido ko dahil sa mga kamag-anak kong naunang namuno sa koop namin almost 20 yrs ago. pero hindi po ako corrupt, hindi ako tulad nila. sa kasalukuyan ay nililinis ko po ang hanay ng korapsyon na naging kaugalian na sa coop namin. nagkataon na mayroon po akong nasagasaan, yun ay ang board secretary.

noong board meeting ng december sinilip ko po yung double compensation nya. sumasahod po kasi sya bilang sekretarya ng coop, tumatanggap pa sya ng per diem t'wing board meeting which is mali. dapat alin lang sa dalawa, hindi pwedeng pareho. dapat wala syang per diem sa board meeting or wala syang sahod as employee dahil hindi naman trabaho sa coop ang ginagampanan nya pag board meeting. natapos ang board meeting namin at ipinasok sa next month agenda yung status ng sweldo nya. dun nagsimula ang pagiging bitter nya.

ako ang direktor na naatasan para sa grocery give-aways sa aming mga members noong magpapasko. sinamahan ko ng special grocery pack para sa 10 best members. ipinamigay ang special packs noong christmas party namin. hindi lahat ng special give-aways ay naibigay sa pinakamababait naming myembro sapagkat hindi sila nakadalo o kung dumalo man ay umuwi din agad. surprise yung special gift packs na yun at walang nakakaalam sa listahan ng mga kasali maliban sa akin at sa aming kahera na syang nagmomonitor daily ng aming mga miyembro.

ako ang emcee nung time ng bigayan since ako ang may hawak ng listahan. sinabi kong pag hindi nakuha ay forfeited na (although hindi totoo dahil budgeted na yun para talaga sa mga mababait naming myembro). pinalabas kong ganun dahil alam kong may magkaka-interes dahil iisiping wala naman nang makikinabang dahil hindi na-claim. bago matapos ang christmas party, hindi lahat naubos. itinago ulit sa office ng isa sa staff yung mga natira. nung nakita ko ito binilang ko agad at nagkulang ng isa. may kumagat sa pain ko, ika ko. agad kong nagbantay kung sino sa staff na uuwi ang makikita kong magte-take home nun. at nakita ko rin sa wakas nung pauwi na sila, bitbit ng lalaki na kasama ng secretary namin. hindi ko sinita yung pangyayaring yun dahil na rin sa ayokong ipahiya sya sa natitira pang mga myembro sa party nung oras na yun. at tuluyan na silang nakauwi dala ang ninakaw nyang grocery.

walang pasok kinabukasan ang office. ikinwento ko sa ilan sa mga kasamahan kong driver/member ang nakita ko kagabi at in-assure ko silang sisibakin ko sya ngayong board meeting dahil sa pagnanakaw nya. kumalat ang chismis at nung  magkaroon na ulit ng pasok sa office ay nakarating sa kanya ang balita. at dyan na nga po nagsimula ang death threat text message.

wala naman po akong kilalang pwedeng magsend nyan maliban sa kanya dahil sya ang pinagtutuunan ko ngayon ng atensyon. isa pa pong magdidiin sa kanyang pagkakakilanlan ay yung paggamit nya ng salitang "BRAD" sa dalawang text na nareceive ko. expression po kasi nya madalas sa office ay, "pa-yosi ka naman BRAD..." madalas din may brad pag nagsasalita sya.

well sabi ko nga po sa title ako po ay nagtatanong kung anong legal action ang pwede kong gawin sa grave threat. nagawa ko na pong magpa-blotter. pagdating po ba sa labor code, ang pagbabanta pwede rin bang maging grounds for termination? kung hindi, crime rin po ba syang matatawag? nasa art. 282 d. of labor code kasi commision of a crime is valid ground for termination:
Commission of a crime or offense by the employee against the person of his employer or any immediate member of his family or his duly authorized representatives

other than labor code, criminally liable ba sya sa pagbabanta nya sa akin? anong kaso pwede kong isampa sa kanya para matuluyan na sya? pwede pong pa-quote ng batas na masasapul sya?

pasensya na po sa haba ng kwento ko. kailangan ko po talaga ng kasagutan. gustung gusto ko pong tumino na ang kooperatiba namin kaya gusto ko talagang malagas sila isa-isa. alam kong pag may na-sample-an matatakot na ang mga iba pa. sana mapag-ukulan nyo po ng pansin itong aking post. salamat po!

-=Kurabo=-

  • Patience is a Virtue but Time is Gold
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5346
  • Karma 48
  • Gender: Male
  • Kurabo
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #1 on: January 15, 2015, 07:34:03 am »
walang pasok kinabukasan ang office. ikinwento ko sa ilan sa mga kasamahan kong driver/member ang nakita ko kagabi at in-assure ko silang sisibakin ko sya ngayong board meeting dahil sa pagnanakaw nya. kumalat ang chismis at nung  magkaroon na ulit ng pasok sa office ay nakarating sa kanya ang balita. at dyan na nga po nagsimula ang death threat text message. - sana hindi mo muna pinagkalat at kinausap mo muna siya ng masinsinan or bigyan warning, kasi since naisip mo rin na ayaw mo siyang mapahiya nung una ;)

under grave threat na yan kaya kaso talaga yan kaya hindi lang termination yan kung di kaso talaga yan pero maganda itry mo rin ilapit kay tulfo para just in case na lumalala

it ain't over. . .till its over

b0ler0

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 415
  • Karma 99
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #2 on: January 15, 2015, 08:31:02 am »
Though the crime of Grave Threat would seem like the correct charge, you cannot file a criminal complaint against a John (or Jane Doe).  As you've said, those text messages came from an anonymous sender. 

You may have an idea as to who has the motive to send them, and you might decide to file a criminal case again him/her based on the same.  However, the only evidence you'll be able to lay down is circumstantial in nature.  Circumstantial evidence is weak, especially in criminal procedure where the quantum of evidence required is guilt beyond reasonable doubt.

My suggestions:

File a blotter with the nearest Police Station AND the Baranggay where your coop is located.  A blotter report is not a criminal complaint.  Circumstantial evidence would be enough to initiate an investigation once imminent danger to your person becomes apparent.

Thereafter, file a formal request for assistance with the National Bureau of Investigation in your region.  One of the NBI's mandate is to assist in the detection of crimes committed.  In your request, emphasize why you feel there is immediate danger to your life to compel them to act with urgency.  Because such a request is not a criminal complaint, circumstantial evidence pointing to the possible culprit would be sufficient.

While awaiting positive actions from both agencies, spread the word about the blotter report and the formal request you would have already filed.  This should be enough of a deterrent against any harm being planned against you.  Kadalasan ngang sinasabi, sindakan lang yan.  Ang unang masindak, talo.

Covertly, try to collate stronger evidence against the perpetrator.  This evidence can be testamentary (words said by people who know the facts, preferably in writing and under oath) or based on personal knowledge (like when you give the cell number a ring and you actually see the perpetrator answer the phone).  Once you have enough evidence that will undeniably point to the suspect, then you can file a case strong enough to prosper.

My personal take on the matter is this: if they want you dead, they'll just kill you.  They won't go through the theatrics of threatening you.  Death threats RARELY become actual attempts on the life of the victim.  Again, sindakan lang yan.  Unahan mo lang.

Best of luck and be safe.


naruto789544

  • Anime Fans
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1653
  • Karma 103
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #3 on: January 15, 2015, 09:30:23 am »
follow the lead of the text sender... buy a new sim and call him when he is within your light of sight ( pasimple lang ang pag dial sa bulsa or better place the nos on speed dialing para kahit nasa bulsa mo ang cellphone mo you can still call him... if it rings and he answers or checked his cellphone, be ready to record the voice of who will answer the call.. for me it's better to lie low so that the sender will at one point or another be complacent with his moves... be vigilant though ts...

bigbanggoo

  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 866
  • Karma 333
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #4 on: January 15, 2015, 10:27:39 am »
Unfortunately since wala kang ebidensya wala kang magagawa sa ngayon kundi ang ipa blotter yan like what b0lero said. Try mo din yung sinabi ni naruto para maconfirm mo kung sino yung nagtetext sayo.

dweizz

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 207
  • Karma 15
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #5 on: January 15, 2015, 10:58:30 am »
since wala naman ako alam sa ganyang bagay, mas mabuti itawag mo sa nbi, pnp o kaya cidg hotline kung mayroon sila magagawa... walang masama magtanong doon

estavio

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 346
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • xoxoxoxoxo
Re: grave threat via text, anong legal action pwedeng gawin?
« Reply #6 on: January 15, 2015, 10:58:42 am »
kung suspetsya mo yung secretary na yan unahan mo na kesa naman ikaw ang unahan. death threat na yan sir baka maunahan kapa contact ka ng mga gumagawa ng ganyan at unahan mo na. ::inposition