Di naman siguro tama na sisihin niya ang top rank, alalahanin natin na si manny kumita ng husto ng umakyat na siya sa welterweight division dahil talaga nga namang di mabenta sa mga kano ang mabababang timbang at di ganon kalakas ang hatak sa pay per view at sa kalidad ni Donaire wala na talagang excitement ang mga susunod na laban niya dahil para lang siyang nag eensayo.
I think tama si Arum kelangan na niyang paghandaan ang mas mataas na timbang at iwanan na ang bantam. Pinipila na nga siya kay Juanma, sa pananaw ko si Juanma ang kelangan niyang itumba tapos si Sotto sa lightweight in preparation pagpasok niya sa welterweight where the money is.
Kahit ilang laban pa ang ibigay sa kanya ng Golden Boy hanggat sa mabababang timbang, I don't think na kikita siya ng malaki.