Sa Likod ng Iyong Ngiti
Sabi nila, masayahin ka,
sabi nila, palangiti ka
pero alam ba nila?
ang katotohanan sa likod ng ngiti?
isang puso ang nagdurugo,
puso na balot ng sakit
lubog sa luha, nagdaramdam
naghihinakit
pero lahat ay di nakikita
sa likod ng iyong ngiti
pero sa akin,
di mo ito maitatago
dahil sa bawat patak ng luha mo
tanging balikat ko ang karamay mo
sabi mo noon, sana ay nagkakilala na tayo
para ang pag-ibig mo ay ako
pero di lahat ng bagay ay aayon..
lalo pa ngayon...
ako ay isang ama, isang asawa
na tanging hangad ay mabigyan ligaya
di lang sarili kungdi pamilya
wag ka na lumuha,
kahit di natin nabigyan ng buhay
ang pag-ibig na nais mo, narito pa rin ako
pero bilang isang KAIBIGAN MO..
[/font][/color][/i]
---Vincent Bernard aka namster---