Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)  (Read 249415 times)

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #475 on: April 29, 2013, 11:18:08 pm »
eto link doraexplorer sana mabasa mo at magsuri ng maige...

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/06/ang-mga-talatang-nagpapatunay-na-diyos.html

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/06/nasa-biblia-ba-ang-aral-na-ang-diyos-ay.html

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/10/ang-tunay-na-kahulugan-ng-isaias-96.html

dito nagsimula na maginf dios si cristo na gawa ng tao ang aral....

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/06/ang-orihinal-na-paniniwala-kay-cristo.html

Marami pa iyan doraexplorer. pati yung verses na unang link trinity vs non-trinity na bibilia.

mga malulupit na tanong na di mo pa naitanong sa akin, itanong mo sa lokal niyo diyan try lang, walang mawawala magsama ka ng dalawang friend mo. kung nag-iisip ka na mabubugbog ka...  hik!hik!hik! ;D ;D ;D

ang akin lang dre, nagdudumilat na ako sa katotohanan about sa trinidad dati na paniwala ko...

after mo mag-suri? ihambing mo muna ang lahat bago ka magdesisyon. dahil pag tinawag ka ng AMA di kana makakatanggi niyan....

wag kang matakot dahil masakit ang KATOTOHANAN NA SIYANG MAGPAPALAYA SA ATIN...  ;)

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #476 on: April 29, 2013, 11:19:27 pm »
ako iglesia ni satanas, me paga asa p ba ako ?

Meron kung seryoso ka. aba eh kung hindi ewan ko nalang... ;D

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #477 on: April 29, 2013, 11:32:00 pm »
May mababasang sya ay tao, kasi nagkatawang tao nga Sya.... (Fil 5:6)  <--- walang talata na iyan...

baka to ibig mo sabihin na talata...

Tanungan ukol sa Filipos 2:5-8

eto sagot:  http://converttoinciglesianicristo.blogspot.com/2012/08/tanungan-ukol-sa-filipos-25-8.html

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #478 on: April 29, 2013, 11:33:57 pm »
medyo nagflooding na reply ko pasensiya na na click ko agad ang post....

eto pa dreng doraexplorer... about sa felipos mo...  "sana wag mo lampasan"

http://converttoinciglesianicristo.blogspot.com/2012/06/filipos-25-8-si-cristo-ba-ay-dios.html

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #479 on: April 29, 2013, 11:57:39 pm »
eto pa juan 1:1... hanggang 14. doraexplorer. pakibasa nalang.

http://converttoinciglesianicristo.blogspot.com/2012/01/juan-11-14-cristo-hindi-dios.html

dorodexplorer

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 271
  • Karma 1
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #480 on: April 30, 2013, 02:01:30 am »
eto talata mo...

 11At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin. 12Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.

sa talata 11  pinakiusapan ni jesus ang diyos na ingatan niya ang mha hinirang niya na naibigay na kay cristo upang  ang hinirang ay maging ISA, katulad ni cristo at diyos, sapagkat si cristo ay kalarawan ng diyos. iisang gawain ang iligtas ang tao. hindi na IISANG DIYOS SILA, walang sinabi si cristo na diyos siya diyan.

13Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin. 14Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 15Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. 16Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 17Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan. 18Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. 19At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.

20Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita; 21Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.

22At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa; 23Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo. 24Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

25Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; 26At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.

"pansinin ilang beses inulit ni cristo na SINUGO lang siya ng AMA.... walang sinabi si cristo na isa siyang diyos. o trinidad diyan.  yung kinapopootan ng sanlibutan ang tinutukoy dun ang mga hinirang sapagkat yaong tao na nakakilala kay jesus na tunay ay inuusig sa kaniyang pangalan. CRISTO, ang tanong sa realidad ngayon sino ang inuusig na tinutukoy diyan? diba ang hinirang? sino ang hinirang? kaw na mag-isip niyan doraexplorer.  sinabi pa ni jesus AMA hindi ka nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala kita, suriin mo sa realidad kung sino si cristo sa mga taong hindi nakikilala ang AMA... diba dios?" 

tamad ako magexplain dito pakibasa ng link dahil malinaw dun at hindi sariling opinion... tska may talata pa na sagot... gabay ng espiritu ang paliwanag sa talata dun. naway ikaw ang mamulat sapagkat nagdudumilat na sa akin ang katotohanan....

JUAN 17 : 1 at 3

Anong salin ng bile ito?

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #481 on: April 30, 2013, 02:05:15 am »
Ang Dating Biblia (1905) yan, pwede ka rin kumuha sa magandang balita biblia.

note: hindi yan biblia ng INC. ;)

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #482 on: April 30, 2013, 02:59:09 am »

ito ang gusto ko, talata sa talata ang labanan hindi payabangan ng kung ano ano, yang kayabangan sa demonyo yan kaya dapat iwasan na yan  laffman::

anyway, matagal ko ng sinasabi na hindi TAO si jesus, malaking kasinungalingan yan. papaano siyang magiging tao?
ok sana kung sinabi ninyo na TAO siya mula noong pinanganak siya ni Maria hanggang sa mamatay siya. pero ang gusto ninyong palabasin eh mula pa noong umpisa eh TAO na siya. eh isipin ko man ng isanlibong beses, eh paanong makakagawa at manganganak ng TAO ang dios? si Jesus ba ang unang TAO na ginawa ng Dios o si Adan at Eba? ang lalabas nito ay may nauna pang tao na ginawa maliban kay Adan at Eba.

at saka paano magiging TAO si kristo? basa sa Kawikaan 8:22-27:  " 22 Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang 

lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.

23Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.

24Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.

25Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:

26Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.

27Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
"

ayan oh, ang liwanang, paano magiging TAO yan eh wala pa ngang pasimula eh kasama na niya ang AMA, paano magiging TAO yan? huwag ninyong sabihin na nung gumawa yung Ama eh may kasamang Tao? napakahirap tanggapin niyan.

 'oh ngayon sino ang nagsasalita sa talata dyan? ang nagsasalita dyan ay yung KARUNUNGAN, sino yung Karunungan ng Dios? eto.... 1 Corinto 1:24 " 24 Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios." ... ayan oh, si Kristo ang kapangyarihan ng Dios at Karunungan. tapos ipagpatuloy ang pagbabasa sa 1 Corinto 2:7  " Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: 8Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian: ...... unawain ninyo ang talata ha? Sino yung Karunungan na itinalaga ng Dios bago nilalang ang sanglibutan? ipagpatuloy sa talatang 8 ang basa na ang sabi : Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian sino yung ipinako sa Krus na kung nakilala sana nila yung Karunungan na iyan ay hindi nila sana ipinako sa krus? wala namang iba kundi si Kristo di ba?  konting paghihimay lang sa talata at lohika at pag analisa eh madali ninyong maiintindihan yung sinasabi ko.

oh eto pa... paanong magiging TAO si Kristo? basa sa Hebreo 10:5 " 5 Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; ..... ang tanong, eh kung TAO naman na pala si Kristo noon pa eh bakit kailangan pa siyang ipaghanda ng Katawan? Eh tao na yan eh, hindi na niya kailangan pa ng katawan na bago. so ang lalabas niyan, yung TAO na Kristo na may katawang TAO siempre eh nung pumasok sa sanlibutan ay pumasok pa rin doon sa isang TAO na inihanda sa kaniya. ang lalabas, TAO siya na pumasok pa sa isang TAO. eh hindi ba kaya nga siya pinaghanda ng katawan eh dahil wala nga siyang taglay nun.

naman, kahit baligtarin natin yung talata hindi ninyo mababaluktot yan para palabasin na TAO si Kristo.

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #483 on: April 30, 2013, 03:36:13 am »
ang kawikaan mo ay  PANUKALA ng Diyos kay cristo... pakibasa muna ng link na binigay ko...

nadaanan ko na iyan dre. malulupit na tanong sa ministro? biblia ang sagot at hindi sariling opinion..

ang kawikaan na iyan parang argumento din ng juan 1:1... PANUKALA pa lang.

si cristo na mismo umamin...

“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak …..
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. “ juan17: 1 at 3

eto pa: para yan sa kawikaan mo PANUKALA again...

1Pedro 1:20…
“ ….Nasa isip na Siya ng Dios, bago pa lalangin ang daigidg......”
   Gets?

Sa nabasa natin sa talata ng biblia, “bago pa lalangin ang daigdig”

So when it comes to Christ, nauuna Siya bilang plano ng Dios bago pa lalangin ang daigdig.
 Dahil nga sa plano palang ang Cristo,wala pa siyang exsistence o state of being, wala pa Siyang likas na kalagayan,it is just like a blue print wala pa mismo yung kayagan nung plano na yun! Parang sa pag gawa ng bahay, may plano na o blue print nakalatag na ang plano pero wala pa yung katuparan ng plano,hindi pa nag eexist.

pakibasa nalang ng link maliwanag na lahat dun, grabe na saliksik ko niyan. tinimbang ko argumento ng TRINITARIAN at NON-TRINITARIAN, malayo ang trinitarian na sagot puro base sa sariling opinion...

heto ang talata para sa kanila:

1Corinto 2:13 ay ganito ang mababasa…...

“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu;”

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #484 on: April 30, 2013, 04:05:55 am »
dreng eroto yung corinto mo nasagot na iyan ng ministro sa akin noon....

about sa kalagayan ni cristo na post ko na lahat sa link na binigay ko.

about sa kalagayan ni hesus oo wala pa ang mundo andyan na siya, nasa ISIP na siya ng AMA. panukala...

kasi ang salita ng diyos makapangyarihan at walang MALI, kung gagawin niyong diyos si cristo aba eh sa exodo forgot ko talata, ;D
sinabi ng diyos AMA na wala siyang nakikilalang ibang diyos maliban sa kaniya.

at sinabi pa niya hindi siya tao kundi espiritu.

sabi ni cristo kay tomas at sa mga apostol,wag niyo akong hipuin spagkat hindi pa ako nakakabalik sa aking dios at inyong dios at aking ama at inyong ama...

so kokontrahin ni cristo sinabi niya dun sa kawikaan...

eto talata mo: si Cristo ang kapangyarihan ng Dios <--- dahil siya ang sinugo ng dios sa pamamalakad ng mga hinirang niya...

eto talata: 

juan 15: 5 at 1

 "5Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.

1Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.
"

Alangan si cristo na ang PUNO SIYA PA ANG MAGSASAKA.... gets?

kaya hindi puwede maging dalawa o tatlo ang dios....

porket sinabi ni cristo sa kawikaan kasam na siya ng dios "PANUKALA, PLANO," Dios na? hindi ba puwedeng Panginoon at tagapagligtas????

sapagkat magiging SINUNGALING ANG LABAS NI CRISTO DITO SA TALATA NA ITO dreng eroto...

juan 17: 1 at 3

“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak …..
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. “

nagdudumilat ang katotohanan dreng eroto, I ADMIT sa una nasaktan ako sa ganiyang paniwala pero i open my mind, bago ako nag-isip ng pangontra diyan... Kaso wala eh... tama ang nakasulat... Tao si hesus, ginawang panginoon, tagapagligtas, taga-pamagitan ng dios ama sa mga hinirang niya, pangulo ng langit at lupa....

1 Corinto 8:6  “Nguni't sa ganang atin ay MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at ISA LAMANG PANGINOON, SI JESUCRISTO, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.

“Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito’y hindi ginawa ni Abraham.” [Juan 8:40]  <---- Si CRISTO may sabi niyan

“Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.” [Juan 12:49]  <---

1 Corinto 8:5  “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon;”

1 Corinto 8:6  “Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.”

eto finale bro eroto:

27Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. 28At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat. ~ 1CORINTO 15:27-28

 ;) ;) ;) ;) ;) ;)

dorodexplorer

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 271
  • Karma 1
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #485 on: April 30, 2013, 05:12:24 am »
Masisira ang lahat ng logic sa biblia kung paniniwalaan natin Tao si Cristo.... Si Cristo ang Karunungan ng Dios, infact wala pa nga ang sanlibutan e existing na Sya...... In Fact sa isang Talata sinasabi na walang Taong nakakita sa Dios.... Pero si Cristo ang nagpakilala sa atin  sa Dios. Si Cristo ay galing sa Langit... Si Cristo ay Galing sa Dios.... Hindi Sya nilalang ng Dios... kundi Ipinanganak ng Dios.... Siy tinatawag sa Bible na Bugtong na Anak ng Dios.... Sa mga lumang salin ng Bible, tinatawag nga syang Bugtong na Dios or "Monogenes Theos".

Sa Talata sa juan na binabanggit ..." makilala ka na iisang Dios na Tunay..." ituloy mo lang ang pagbasa e makikita mo ang kontexto ng sinasabi ni Cristo na ang Ama ang iisang Dios na pinagmulan ng lahat.... Maging si Cristo ay galing sa Ama, sapagkat sya ay ipinanganak nya... Wala namang batas sa biblia na ang Dios ay hindi pwedeng manganak... Sa Juan 17:22, sinasabi na nagtamo ng kaluwalhatian si Cristo bago pa nag sanlibutan ay naging gayon.... How come na tao sya? e wala pa nga sanlibutan e existing na cya....

Again, Panukala na naman ang argumento na gagamitin dyan... Sa usapang pangtao.... Ang anak ng tao ay tao, ang anak ng Kalabaw ay kalabaw.... Lalo naman ang Anak ng Dios ay Dios... Sa usapang pangbiblia, lalo namang maliwang ng Ang Anak ng Dios ay Dios.
 
spikespeigel

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 229
  • Karma 3
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #486 on: April 30, 2013, 06:05:06 am »
As usual sa mga INCM...their usual strategem..quoting a portion of the scripture that fits their theology without taking into consideration the context of the verse vis-a-vis the rest of the chapter as is best explained by dorodexplorer in his comment on John 17:22. 

Just a warning sa mga bumabasa ng mga verses quoted by beaverjohn2006. Please do not stop at the verse he has quoted. Read further on and you'll see the difference when you see the context. 

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #487 on: April 30, 2013, 06:53:08 am »

yan ay sariling opinion mo...
klaro sa talata. di yan putol kahit basahin mo buong talata. may links pala dun mas lalo ikaliliwanag niyo.

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #488 on: April 30, 2013, 07:03:17 am »
As usual sa mga INCM...their usual strategem..quoting a portion of the scripture that fits their theology without taking into consideration the context of the verse vis-a-vis the rest of the chapter as is best explained by dorodexplorer in his comment on John 17:22. 

Just a warning sa mga bumabasa ng mga verses quoted by beaverjohn2006. Please do not stop at the verse he has quoted. Read further on and you'll see the difference when you see the context. 

That's right basahin niyo pa derecho para ma clear out niyo, then hanapin niyo ang trinidad. ;)

tska ganiyan na ako dati @spikespeigel takot ako bumasa niyan, dinerecho ko pa nga buong talata, wala namang sinabi dun o pinahihiwatig na dios si cristo... takot kaba mag-saliksik? ;)

spikespeigel

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 229
  • Karma 3
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #489 on: April 30, 2013, 08:01:17 am »
If there is one thing clear with the entire Chapter 17 of the Gospel of John. It is the pre-existence of Christ, as having been loved by the Father even before the foundation of the world. John 17 is an indictment of those who deny the Deity of Jesus Christ....

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #490 on: April 30, 2013, 08:14:09 am »
If there is one thing clear with the entire Chapter 17 of the Gospel of John. It is the pre-existence of Christ, as having been loved by the Father even before the foundation of the world. John 17 is an indictment of those who deny the Deity of Jesus Christ....

magbigay ka nga ng paliwanag mo kung dios ba si cristo diyan. saan talata? entire john 17: 1-26 basahin mo ng maigi.... may paliwanag ako dun sa itaas kabuuan ng talata lahat.

spikespeigel

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 229
  • Karma 3
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #491 on: April 30, 2013, 08:28:17 am »
Oo nga pala ano...dahil sa INCM...yaong talata 5 at 24 ay hindi nagpapakita ng pre-existence ni Kristo...because if these verses show Christ's pre-existence than their argument regarding Christ's being human, special none the less, will not hold water.

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #492 on: April 30, 2013, 08:57:26 am »
Oo nga pala ano...dahil sa INCM...yaong talata 5 at 24 ay hindi nagpapakita ng pre-existence ni Kristo...because if these verses show Christ's pre-existence than their argument regarding Christ's being human, special none the less, will not hold water.

Eto ang Sagot: 1Pedro 1:20…
“ ….Nasa isip na Siya ng Dios, bago pa lalangin ang daigidg......”   Gets?

5At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.  <---- PANUKALA PLANO PALANG, nasa isipan pa ng dios AMA.

 24Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan. <---- Yan ang talata na binigkas ni cristo ay PANUKALA PLANO NA AMA. Noon kay hesus

Tulad ng sinabi ko kanina sa talata...
si CRISTO NA MISMO ang nagsabi nito na iisang dios... wala nang DUAL O TATLO...

juan 17: 1 at 3

“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak …..
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. “

may dapat pabang ipaliwanag? basa muna sa links na binigay ko bago ka magreply... ubusin mo muna basa.

dati Catholic pa ako allergic ako sa INC, natisod din ako noong INC pa ako pero nagsaliksik ako ng maayos at hinahambing ang bawat panig ng TRINITARIAN AT NON TRINITARIAN... Malayo ang pagkaaunawa ng mga TRINITARIAN...

ika nga sabi ni voyager "mag observe, magsaliksik, magtanong sa ministro, attend ng pamamahayag kahit sa pagsamba....ang pusong masunurin at utak na kayang tumanggap ng katotohanan... naliliwanagan yan gaano man kadilim ang kanyang pinagdaanan.. "

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #493 on: April 30, 2013, 06:54:53 pm »
Brod yang sinasabi mong nasa isip na siya ng diyos eh maling salin na naman ang pinagkuhanan mo, salin yan ng magandang balita biblia ng mga katoliko na ginamit ninyo, at ayon din sa inyo ay salin ng demonyo. Kaya ang talatang ginagamit mo sa akin ay galing sa salin ng demonyo.

Pumunta ka sa mas malapit na salin, alam nyo yan dapat na mas katiwa tiwala at mas maraming gumagamit ng king james version dahil ito ang ipinapayo ng mga scholar.

Ang dapat dyan ay nasa siping na siya ng dios. Paanong magiging tao yan kung nasa siping ng Dios?

At yung panukala na sinasabi mo parang malabo o mali lang kayo ng termino. Pwede mo bang sabihin sa sarili mo na ipapanukala ko o imumungkahi ko sa sarili ko na gagawa ako ng ganito? Hindi, mas magandang sabihin siguro kung sasabihin mo sa sarili mo nanagpasya akong gumawa ng bagay na ganito. Usually ang panukala ginagamit ng isang grupo.

Kahit naka mobile ako hindi ko natiis sumagot hehe mamaya na lang.

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #494 on: April 30, 2013, 10:26:07 pm »
Brod yang sinasabi mong nasa isip na siya ng diyos eh maling salin na naman ang pinagkuhanan mo, salin yan ng magandang balita biblia ng mga katoliko na ginamit ninyo, at ayon din sa inyo ay salin ng demonyo. Kaya ang talatang ginagamit mo sa akin ay galing sa salin ng demonyo.

Pumunta ka sa mas malapit na salin, alam nyo yan dapat na mas katiwa tiwala at mas maraming gumagamit ng king james version dahil ito ang ipinapayo ng mga scholar.  <---- Kahit king james may salin din na mali.

Ang dapat dyan ay nasa siping na siya ng dios. Paanong magiging tao yan kung nasa siping ng Dios?

At yung panukala na sinasabi mo parang malabo o mali lang kayo ng termino. Pwede mo bang sabihin sa sarili mo na ipapanukala ko o imumungkahi ko sa sarili ko na gagawa ako ng ganito? Hindi, mas magandang sabihin siguro kung sasabihin mo sa sarili mo nanagpasya akong gumawa ng bagay na ganito. Usually ang panukala ginagamit ng isang grupo.

Kahit naka mobile ako hindi ko natiis sumagot hehe mamaya na lang.  <---- Natawa ako sayo dre, mag BOE muna tayo at FEMA may New POST si Dreng Batistabomb dun.

wala sa scholar yan kung king james dahil sa king james may mga maling salin din look at acts 20:28. king james ay saling ng TRINITARIAN.

dating biblia ang kinuhaan ko niyan. kahit yang mga scholar nangangamote yan sila sa pagintindi ng trinidad nila.

like i said sa akin noon dios si cristo. ngayon hindi na kundi, isang tagapagligtas,tagapamagitan, ginawang panginoon, dapat sambahin, at pangulo ng langit at lupa in short PUNO NG UBAS, ANG AMA ANG MAGSASAKA, iisang dios na tunay...

ayon sa scholar? eto talata dre...

1 Corinto 2:12-13  “Nguni't ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. NA ANG MGA BAGAY NA ITO AY ATIN NAMANG SINASALITA, HINDI SA MGA SALITANG ITINUTURO NG KARUNUNGAN NG TAO, KUNDI SA ITINUTURO NG ESPIRITU; NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

“NA INIWAWANGIS NATIN ANG MGA BAGAY NA AYON SA ESPIRITU SA MGA PANANALITANG AYON SA ESPIRITU.”

Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia.

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”  ~ Ang biblia 1905

  Paano kung sikapin ng tao na pag-aralan ito sa sarili niyang paraan, mauu-nawaan kaya niya?

Pag-aralan man ng pag-aralan ng tao ito, ay hidi siya makaaabot sa pagkaalam ng katotohanan:

2 Timoteo 3:7  “Na laging nagsisipag-aral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katoto-hanan.”

Kaya nga sa kabila na iisa lamang ang Biblia ay nagkaiba-iba ang tao ng pagpapaliwanag dito at kailan man ay hindi niya ito matututunan kung ang kaniyang gagamitin ay ang kaniyang sariling karunungan, dahil ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Panginoong Diyos:

1 Corinto 3:19  “Sapagka't ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagka't nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:”

 ;) ;) ;)

renmazuo

  • Nursing Graphic Artist?
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 406
  • Karma 0
  • nursing and graphic arts: kakaibang combination
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #495 on: April 30, 2013, 11:57:09 pm »
so, which of the bible versions is the correct one then? and why?

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #496 on: May 01, 2013, 12:06:02 am »
so, which of the bible versions is the correct one then? and why?

Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia.

visit niyo links na binigay ko, ang INC hindi iisang biblia ang gamit, gumagamit din kami ng 1905, MB, NPV, newkingjames, kingjames,  MOffats, lamsa. dahil kinukumpara namin ang bawat salin na dapat tama at hindi sariling pang-unawa... maliban llang sa biblia ng jehovaa na sarili nilang biblia at mormon.

tulad ng ACTS 20:28 tama ang salin sa ang biblia 1905, sa MB at NPV mali dahil trinitarian ang pagkasalin, lamsa correct,

para maliwanagan kayo eto sample ng Gawa o acts 20:28...
bago muna magbigay ng opinion tapusin niyo muna basa bigyan niyo muna ang sarili niyo ng kaunting oras, isantabi muna yung ugali na, "ah! alam ko na iyan."

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/10/tungkol-sa-gawa-2028-na-salin-ni-george.html <---- ACTS 20:28

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/05/kung-bakit-dapat-paniwalaan-at-sundin.html <---- Ang words na Biblia nasa BIBLIA ba?

marami kayong matutunan diyan at may mga referesya na nagpapatunay...

happy reading...

renmazuo

  • Nursing Graphic Artist?
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 406
  • Karma 0
  • nursing and graphic arts: kakaibang combination
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #497 on: May 01, 2013, 12:27:14 am »
Kailangan nating IWANGIS o PAGKUMPARAHIN ang mga PANANALITANG AYON SA ESPIRITU, ibig sabihin iwawangis natin at ikukumpara ang isang talata sa kapuwa talata. Sapagkat sa Biblia ay WALANG KONTRADIKSIYON o SALUNGATAN, mapapatunayan natin na TUMPAK ang pagkakasalin kung ito ay walang KINOKONTRANG ibang talata sa Biblia.

visit niyo links na binigay ko, ang INC hindi iisang biblia ang gamit, gumagamit din kami ng 1905, MB, NPV, newkingjames, kingjames,  MOffats, lamsa. dahil kinukumpara namin ang bawat salin na dapat tama at hindi sariling pang-unawa... maliban llang sa biblia ng jehovaa na sarili nilang biblia at mormon.

tulad ng ACTS 20:28 tama ang salin sa ang biblia 1905, sa MB at NPV mali dahil trinitarian ang pagkasalin, lamsa correct,

para maliwanagan kayo eto sample ng Gawa o acts 20:28...
bago muna magbigay ng opinion tapusin niyo muna basa bigyan niyo muna ang sarili niyo ng kaunting oras, isantabi muna yung ugali na, "ah! alam ko na iyan."

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/10/tungkol-sa-gawa-2028-na-salin-ni-george.html <---- ACTS 20:28

http://torch-of-salvation.blogspot.com/2011/05/kung-bakit-dapat-paniwalaan-at-sundin.html <---- Ang words na Biblia nasa BIBLIA ba?

marami kayong matutunan diyan at may mga referesya na nagpapatunay...

happy reading...

uhhh...the mere fact that you said na may maling salin ang mga talata ng biblia contradicts the statement above...

so if trinitarian ang pagkakasalin, mali na? as i can see, trinitarian people will tend to see things differently and will claim that the non-trinitarian version is the incorrect one.

now, how do you know which one is the correct one when the basis for both appears to be subjective in nature?

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #498 on: May 01, 2013, 01:49:11 am »

Sandali lang brod, ano ang sabi mo?

like i said sa akin noon dios si cristo. ngayon hindi na kundi, isang tagapagligtas,tagapamagitan, ginawang panginoon, dapat sambahin, at pangulo ng langit at lupa.....

Dapat sambahin? Paanong sasambahin yan eh TAO nga ang sabi ninyo? So sasamba sa TAO at yung AMA pa ang nag utos na dapat sumamba doon sa TAO na ginaw niya?

Hindi mo pa din sinagot yung tanong ko, bakit kailangan pa siyang handaan ng isang katawan dito kung TAO na siya? Ang lalabas niyan TAO na pumasok pa sa isang Katawang TAO?

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Iglesia ni Cristo Church News (Updated Daily)
« Reply #499 on: May 01, 2013, 03:28:14 am »
teka lang din anselmo   ::inlove (paraparaan)  ;D , @ Mods, patawad sa OT, just wanna make sure- love ni TS yun thread e  :D at sa mga kapatiran ni TS/ ONIE aka voyager, batiin po natin sya ng MALIGAYANG KAARAWAN!   :applause ::flowers

thank you for being good,sweet,funny, loving friend ,HAPPY BIRTHDAY na!!!  :-*