Mga ka-Espiya, naghahanap ako ng downloader na kayang mag-download (DL) ng mga items sa internet na unicode ang address, yung
hindi Latin characters, kundi yung may
unicode characters like Chinese, Japanese, Korean, Thai, Greek, Hindi, etc. Na-encounter nyo na ba ang mga ganito?
ex.
http://www.dummy.com/フィリピン.jpgYung example ko sa itaas ay gawa-gawa ko lang, pero it is actual Japanese characters for "Philippines". Note: Sa mga may WinXP ay maaring
HINDI nyo makita ang Japanese characters at magmistulang mga empty boxes kung hindi naka-install ang Supplemental Language support for East Asian languages mula sa installation CD. Sa mga Vista at Win7,8 ay alam kong walang problema dahil automatic na naka-install ang laguage support para roon.
Nasubukan ko na ang mga sumusunod pero nag-re-result lang sa error, o nag-a-abort, o nagpapaulit-ulit lang ng download attempts hanggang sa mauwi sa time out.
a. Free Download Manager (FDM) <by FDM.ORG>
b. Orbit Downloader <by Innoshock Team>
c. FlashGet <by TendMedia>
Itong mga downloaders sa itaas ay may unicode support sa GUI nila pero wala sa mismong target address ng dinadownload like ng example ko sa itaas. May options sila na ilipat sa isang unicode language ang GUI nila (translations) pero hindi iyon ang nais ko.
Ironic nga itong FlashGet dahil sa pagkaka-deduce ko ay Chinese-made ito, pero di pala nito kayang mag-DL ng mga addresses na may unicode characters.
Thanks in advance for any help and suggestion. Reply lang kayo rito kahit pa say more than many months (or year) old na itong post ko, dahil bibisita-bisitahin ko naman sa hinaharap to check kung meron na ngang replies.