Ang alam ko, yung Basic Plan (Free) walang limit siya in terms of use kumbaga, wala siyang expiration period as long as nag-a-accumulate ka ng maraming credits na pasok sa premium plan (HD editing), pero kahit 5 lang ang credits mo, wala pa rin siyang expiration based on my observation, so kahit hindi mo gamitin yan for a long period of time, nandyan pa rin yung 5 credits mo whether you use it or not.
Yun nga lang naka-queue ka pa rin for a few minutes pero mabilis pa rin depende sa queue period (kailangan matiyaga ka lang).
Kapag nag-avail ka naman ng paid plan, wala siyang queue or waiting period at mas mataas ang level for editing at bibigyan ka pa ng monthly additonal credit allowance on top of your existing credits (wala ring expiration ito).
Ang sinasabi nila na "lifetime" ay ibig sabihin ay "one-time payment" lang at puwede mo siya gamitin "habangbuhay" or unlimited use without any restrictions.