Mayroon akong naulinigan
Masarap na kuwentuhan at talastasan
Ako'y papasok sa inyong usapan
Ngunit kung ako'y payagan lamang
Pagka't ako'y si neckromancer
Actor, writer, sayang! Hindi dancer
Kahit malayo pa sa pagkamathunder
Malalim, mababaw, madali sa laughter
Pagka't kung hindi niyo pa nalalaman
Ako't ang tula ay may nakaraan
Tinakwil pagtagal, niyakap ng prosa
Ngayo'y ang berso'y mahirap kumusa
Sa kumpas ng berso ng forum na 'to
Animo'y kalabit sa tula ng puso
Kapag nakakaharap ng berso
Anupa't si deosh pinipingger ko. (deosh, pasensiya na at mahirap gawan ng rhyme.
)
Heto ako't nang inyong masilay:
solmyr, pinky at manoyihay
IWM, deosh_pilyo at leightot
Matanggap ako kahit dila'y putot.