business is business for senator villar and willie itself. kasalanan din ng mga tao kung ano na nangyayari sa bansa natin.. kulang kasi tayo sa mga evaluation ng mga politician. ever since na nag-aral tayo, puro general topics lang ang pinagaaralan natin. wala tayong evaluation sa mga gusto nating mangyari sa bansa natin. puro tayo sisi, kesyo hindi tayo maka-ahon sa hirap dahil sa maliit ang suweldo at karamihan sa mga binoboto natin pag dating ng eleksyon, sila pa rin ang tinuturo natin dahil sila lang ang nakikita natin. kung ano lang ang balita sa media, yun lang ang paguusapan. yung mga dati kayang nangyari, napaguusapan pa ba? kung napaguusapan man, siguro pahapyaw na lang.
tanungin muna natin ang sarili natin, oo nga't nababayad tayo ng buwis sa pamahalaan at alam natin na sobra-sobra na ang corruption sa gobyerno, nagawa na ba natin ang dapat nating gawin para sa bayan? oo at nakikita natin sa mga kalsada minsan na may nag-ra-rally, ano ang sinasabi natin minsan? "bayad na ang mga yan para lang makapagrally"
UNITY- ito kasi ang wala sa atin. nagkakaroon lang tayo nito kapag mayroong namamatay. nung namatay si kiko, nagkaisa. nung namatay si cory, nagkaisa. sino pa kaya ang kailangang mamatay para magkaisa ulit ang mga pilipino? o kailangan bang araw-araw eh may taong kilala ng lahat na mamamatay para lamang magkaisa?
bawat tao sa mundo may karapatang sabihin kung sino ang gusto at ayaw niyang botohin. kaya nga ang boto ay hindi kaagad sinasabi sa kapwa diba? kasi natatakot na baka hindi sila magkatagpo sa mga binoto nila.