May konting confirmation na C4 nga raw ang ginamit :
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view_article.php?article_id=95665So may malaking posibilidad na sangkot nga military dito.
@ agentorange at sa lahat ng may anti-Muslim sentiment:
Hinay-hinay lang mga ka-espiya. Konting fairness naman para sa mga kapatid nating Muslim. Kung ibi-bring up ninyo ang kasaysayan, huwag niyo sanang kalimutan na ang mga Kristiyano ang may pakana sa Crusades, na gumagamit ng kung anu-anong propaganda, pagkukubli, at mga assasin ang Simbahang Katolika para sa kanilang mga layunin. Kahit anong relihiyon--actually, hindi lang relihiyon, kundi mga gobyerno at korporasyon din--ay gumagamit ng bayolenteng paraan para sa kanilang sariling kapakanan.
At ngayong C4 nga ang base ng bomba na ginamit sa Glorietta, nasaan na ang mga Muslim extremist mo? Militar ang malamang gumawa nito. Kung isang fundamentalist Muslim extremist group ang gumawa nito, maaring gamitin nila e carbombs, suicide bombers o isang homemade bomb, hindi C4.
Sa kabilang banda, maari rin namang Al Qaeda ito na may kuneksyon sa militar, pero hindi nila ito style. At isipin mo na lang, nanghihimasok na ang FBI sa imbestigasyon. Isipin mo na lang ang mangyayari kung nalaman ng US na nakikipagsabwatan ang militar natin sa mga terorista.
Our military is a sloppy one, proven not only by the evidence of C4 in the Glorietta blast, but by the accounts of the desaparcidos being in their custody, the jueteng pay-offs, among others. And to think na intelligence ang isa sa mga pinakaimportanteng aspeto ng kanilang mga gawain. May tiwala pa naman ako sa ating mga tagapagtanggol, ang problema lang madalas e ang mga heneral na hindi man lamang nakatuntong sa field combat, panay admin work, pero tingnan mo silang magpakasasa ngayon. But I digress...
Hindi dapat tayo magpaloko. Pwede ngang terrorist attack ito, pero hintayin natin ang iba pang ebidensya na hindi nila itatago sa publiko.
(Pasensya na, napanood ko kasi ang V for Vendetta ngayong umaga sa HBO e. Timing no?
)