sori ha mejo ala akong alam... pero... ask ko lang sana kung sino ang nagaalok ng charter change???
yung grupo ba ni arroyo??? mga taong naka upo na sa gobyerno???
traditionally kasi, ang nag aask ng charter change eh mga taong nasa labas ng circle of power...
pero kung ang magiimplement neto eh mga taong may kapangyarihan na, mejo nakakatakot to...
kng ako tatanungin, mas gugustuhin ko pang manatili ang konstitusyon natin kaysa baguhin...panibagong gulo na naman kasi ito.
wag sana nating iblame sa konstitusyon natin ang kaguluhang nangyayari sa ating bansa.
Pakaisipin natin na tayo rin ang sumulat ng konstitusyon nato...kaya kahit anumang pagbabago ang gawin natin sa konstitusyon , kung ang nakaupo ay tiwali, wala pa ring magbabago.
Wag sana tayo padala sa mga magagandang salita na binibitawan ng mga gustong tumakbong politiko...
Wag muna tayo bumoto para sa charter change... malapit na naman ang botohan, doon muna tayo mag decide kung sino ang dapat umupo bilang presidente natin...