Espiya

Espiya Technology Boards => Espiya Tech Tips => : Tsonks February 21, 2011, 03:09:06 PM

: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Tsonks February 21, 2011, 03:09:06 PM
Sirs/ma'ams, pa-recommend ng murang mobile broadband internet provider (gagamitin sa laptop) na maikli o walang 'lock-in' period (masyadong matagal ang 1 year) kasi mga 3-6 months lang gagamitin sa Pinas. Either prepaid or postpaid. Mga 2-3 hours a day lang gagamitin.

OK ba yung Sun Broadband Wireless Plan 350 Lite http://www.suncellular.com.ph/news_detail.php?id=103  (888 yung modem, 350 PHP/month, 45 hours free/month, up to 2 mbps, at mukhang walang lock-in period). May mga nakapexerience na bang gumamit nito? OK naman ba 'to? Pag lumagpas ng 45-hour monthly limit, magkano yung per hour rate? May mas maganda bang mobile broadband internet package sa ibang ISPs (Globe, Smart)? Thanks in advance to anyone that could help..
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: mangkepwing February 21, 2011, 06:06:01 PM
My vote goes to sun cell :)
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: TobleRONe February 21, 2011, 06:27:15 PM
may fair usage policy ang sun, di ka pwede magdownload.

kung gusto mo, bili ka na lang ng dongle/usb modem. hanap ka sa tipid or sulit. tapos gamitan mo ng smart or globe sim. then search mo dito sa espiya meron tayo tips paano magkaroon ng free net or 3 days unlimited use for 2 pesos lang
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: bodieph February 21, 2011, 08:29:50 PM
prepaid ang kunin mo. definitely walang lock-in yun. pay per use lang yun
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Tsonks February 22, 2011, 01:19:37 AM
prepaid ang kunin mo. definitely walang lock-in yun. pay per use lang yun
Ano kayang ISP at broadband package ang mura lang ang rates, kung mga 2-3 hours a day, 60+ hours a month akong gagamit? OK lang sakin mga 512 kbps minimum.

may fair usage policy ang sun, di ka pwede magdownload.

kung gusto mo, bili ka na lang ng dongle/usb modem. hanap ka sa tipid or sulit. tapos gamitan mo ng smart or globe sim. then search mo dito sa espiya meron tayo tips paano magkaroon ng free net or 3 days unlimited use for 2 pesos lang
Anong ibig sabihin ng 'di pwedeng magdownload'? Isstop ba nila yung connection pag nagdownload ka ng malaking file o nagview ng Youtube/Facebook videos? O pag nadetect lang nila na galing Mediafire/Megaupload o torrent (palagi pa naman akong nagdodownload sa Mediafire)?

: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Pierro7 February 22, 2011, 01:39:08 AM
Ano kayang ISP at broadband package ang mura lang ang rates, kung mga 2-3 hours a day, 60+ hours a month akong gagamit? OK lang sakin mga 512 kbps minimum.
Anong ibig sabihin ng 'di pwedeng magdownload'? Isstop ba nila yung connection pag nagdownload ka ng malaking file o nagview ng Youtube/Facebook videos? O pag nadetect lang nila na galing Mediafire/Megaupload o torrent (palagi pa naman akong nagdodownload sa Mediafire)?


bawal download...may limit or cap data consumption sa pagconnect mo sa kanila.
let's say sa globe ay 800mb cap. beyond that, madi-disable ang internet mo. magreresume siya at midnight.
so ang mga prepaid broadband, advisable lang siya for browsing purposes (email, social networks, etc...). pwede rin streaming videos. pero, wag lang masyado sa mga HD video dahil malakas kumain ng data yun. thus, mas mabilis maubos ang alloted bandwidth para sa account mo.
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Tsonks March 06, 2011, 12:10:45 AM
bawal download...may limit or cap data consumption sa pagconnect mo sa kanila.
let's say sa globe ay 800mb cap. beyond that, madi-disable ang internet mo. magreresume siya at midnight.
Ganito rin kaya sa Sun at Smart Bro plug-it?
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Pierro7 March 10, 2011, 02:09:54 AM
Ganito rin kaya sa Sun at Smart Bro plug-it?
i dunno. wala pa akong narereceive na feedback from other users.
pero tingin ko same din with globe dahil pre-paid din eh. business is business.
if hindi naman pareho, onti lang siguro ang difference. basta mapilit lang nila ang subscriber na mag-apply sila for a plan.
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: TobleRONe March 10, 2011, 02:39:25 AM
Ganito rin kaya sa Sun at Smart Bro plug-it?
ganoon din ang sun, 1GB yata ang cap. after kong maka 1GB, wala na akong net. kahit connected pa, walang pumapasok na data stream.

and sa Sun ko lang na-experience na mapasukan ng virus. i have tried smart and globe di naman na-virus pc ko, only with sun. same websites lang pinupuntahan ko:espiya, mangastream, mangafox, youtube, yahoo.
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: im_mr_very_happy_now March 17, 2011, 12:08:33 AM
sun mabilis na wala pang lock-in / holding period mura pa
: Re: Parecommend ng murang mobile broadband provider na maikli o walang 'lock-in'
: Tsonks March 21, 2011, 08:01:56 AM
ganoon din ang sun, 1GB yata ang cap. after kong maka 1GB, wala na akong net. kahit connected pa, walang pumapasok na data stream.
Sun Broadband ang kinuha ko. Kasi 2 months lang ang lock-in period nung 800 GB/month na unlimited nila (walang ganitong equivalent na package ang Smart at Globe). Wala pa akong napapansin na cap kahit 24 hrs. a day nakaon at connected sa net ang PC ko (ang ginagawa ko most of the time sa net ay nagrrhyme sa current, reverent at parent :)) Anyway, kung may problem, I can disconnect after 2 months without paying any extra 'lock-in' fees. May times na mabagal pero rare ang disconnection o matagal na down time (importante to sa 'kin).

and sa Sun ko lang na-experience na mapasukan ng virus. i have tried smart and globe di naman na-virus pc ko, only with sun. same websites lang pinupuntahan ko:espiya, mangastream, mangafox, youtube, yahoo.
Sir, pano 'to nangyari? Nasa ISP ba yung likelihood na makakakuha ng virus? Hindi ba sa firewall settings at antivirus software yun?