Ilang araw na lang ay September na. At malapit na din ang December.
Alam kong ang karamihan sa atin ay nais na magkaroon tayo (espiya) ng EB o eye ball subalit hindi natutuloy dahil may mga problemang dumadating.
Kagabi, hindi ako nakatulog kaagad dahil lang sa kakaisip kung kailan tayo magkakaroon ng EB. Hindi naman ako nabigo dahil may naisip naman akong paraan. Ang paraan na iyon ay hindi pa rin maisasakatuparan kung wala ang mga kooperasyon ninyo.
Ang mga problema na kadalasaan dumadating ay ang mga ss:
Location
Budget/Sponsors
Organizers
Ang una nating susulusyunan ay ang “Locationâ€ÂÂÂ.
Marapat po lamang na sagutin natin ang Poll Question sa itaas at piliin ang lugar na sa tingin mo ay makakapunta ka kung ang EB ay doon gaganapin.
Kung wala naman po sa pagpipilian, marapat po lamang na mag-reply kayo sa thread na ito at isulat ang location ninyo.
Pasensya na po sa mga members na nasa labas ng bansa. Kung maari po ay wag na lang po kayo sumagot sa poll question upang ang makuha naming figures ay tama o medyo tama. Pasensya na din po sa mga taga visayas at Mindanao. Ito po ay para lamang sa mga taga-NCR o malapit sa NCR.
Ang pagpili ng location ay matatapos sa September 14 [Friday].
Ang lugar na may maraming members ay tatanghaling lugar ng PSA2007.
Ito po ay walang halong biro. Maraming salamat.
Ang "espiya Assembly 2007" ay gaganapin sa December. Actual date, TBD.
Kung mayroon pa po kayong mga suggestions or comments, reply lang po.
To mods, please set this as "sticky topic". thanks