Espiya

Espiya Lobby => ESPIYA Cafe => Original Poetry => : namster May 19, 2011, 09:46:38 PM

: Sa Bawat Takip-Silim
: namster May 19, 2011, 09:46:38 PM
Sa pagsapit ng hapon...
Ikaw ang aking nasa isip
Ang aking kayakap
Sa bawat paglubog ng araw sa kalangitan

Ngayon ay tanging alaala na lamang
Ang aking kasama
Dahil sa iyong paglisan
Sa ating pag-ibig na sinumpaan

Sa Bawat Takip-Silim
Ang puso ko ay nababalot sa dilim
Dating liwanag na dala ng pag-ibig mo
Ay tuluyan nang naglaho

Kailan ko masisilayan?
Ang ganda ng takip-silim
Gayung alam ko
Na ang pag-ibig mo ay hindi na matataimtim

Ang buhay ng tao ay nagbabago...
Ngayon na may pamilya na ako
may anak na nagmamahal ng totoo
na laging liwanag sa buhay ko...

Alam ko na nasa mabuti ka...
Pero sa bawat Takip-silim
Naaalala mo pa ba?
ang ating mga ngiti, mga bulungan?
na mula sa puso, sadyang totoo