I agree with kenji...kami dalawang oras lng ang layo sa mamasapano at ramdam namin dito ang epekto ng gyera at kailanman hindi namin isisigaw ang all-out war kasi wlang kabutihang maidudulot yun lalo na dito sa amin. swerte kami at hindi kami nadadamay (sa ngayon, ewan ko bukas) pati kayo. Kung 70% sa Budget natin ilaan sa kagamitang pang-gyera, ano kaya mangyayari sa pinas. Dumarami na nga mga bobong opisyal natin, pano pa kaya kng di natin yan sila pinag-aaral. Oo, marami ring natutunang mali sa mga paaralan, yun ay dahil rin sa mga kakulangan ng bawat isa...Unahin muna cgro natin tugunan ang edukasyon at ng sa ganon, maging sibilisado ang isang lugar at mgkakaroon ng mga mamamayang kaaya aya. Sa Maguindanao, mabibilang mo lang ang mga lugar na pwde mng tawaging Sibilisado. Kaya ang mga mamamayan dito, pwde mng takutin gamit ang mga baril. Bakit sa Davao City, kng may dala kng baril,makukulong ka, mananagot ka kay mayor...opinyon lng po sana naintindihan nyo